Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    

"Kailangan na nating umalis dito. Andito yung mga humahabol sa 'min." natatarantang sabi ni Jimin.

"Chill ka lang, hyung. Halina. Sumakay na tayo." mahinahong sambit ni Jihyun.

Agad naman kaming pumasok sa loob ng tren. Binabantayan ko pa rin yung tatlo at sinisigurado na hindi nila kami makita. Naalala ko pala na wala pala akong dalang gamit pati cellphone ko kaya imposible na makocontact nila ako.

Nakaupo ako katabi ng binatana at katabi ko naman si Jimin. Nasa kabila naman si Jihyun. Ilang minuto ay naramdaman kong umaandar na yung tren. Nakahinga na ko ng maluwag nang hindi nila kami nakita at umalis na ang mga ito bago mawala sila sa mga paningin ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Jimin yung kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong nito.

"Ah, oo. Hindi nila tayo nakita." sagot ko. Ngumiti lang siya sa 'kin.

"Ikaw? Okay ka na ba?"

"Oo." nakangiting sagot niya.

"Makikita ko na rin ang Busan sa wakas."

---

Nakarating na kami sa Busan at nakalabas na kami sa station. Nagtatakbo si Jimin ngayon at nagsisigaw. Namangha din ako kasi first time kong nakatapak sa Busan.

 Namangha din ako kasi first time kong nakatapak sa Busan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Busan bogo shipda!!!" sigaw ni Jimin habang nagtatakbo. Nasa daan kami kaya pinagtitinginan kami ng mga tao at wala siyang pake.

Lumapit sa kanya si Jihyun at binatukan ang nakakatandang kapatid.

"Hyung, para kang timang." saway nito. Pinandilatan niya naman ito.

"Aba't ginaganyan mo na ako ha?!" binatukan niya rin si Jihyun at naghahabulan sila. Natawa na lang ako sa pagkaisip bata nila. Pft.

"Hoy! Mag-iingat kayo baka masagasaan kayo diyan!" pagsaway ko sa kanila habang tumatawa. Tumigil naman sila sa mga pinaggagawa nila.

Nasa bus stop kami ngayon at naghahantay ng masasakyang bus. Napansin kong biglang ngumiti si Jihyun at tinignan si Jimin.

"Hyung, pag nakarating tayo sa bahay, kwentuhan mo ko hyung ah?" tanong niya. Lumingon naman si Jimin kay Jihyun.

"Tungkol sa'n?" tanong pabalik nito.

"Tungkol sa buhay mo sa Seoul. Yung tungkol sa nangyari sa'yo." naiiyak na sagot nito pero pilit pa ring ngumiti. Ginulo lang ni Jimin ang buhok niya at nginitian ito.

"Oo naman basta wag kang puro tanong ah." sabi nito at tumawa silang dalawa. Nginitian ko na lang sila.

Masakit kasing makita ang dalawang magkakapatid na nahihirapan sa sitwasyon nila. Mukha kasi silang napakaclose. Kahit hindi ko masyadong kilala si Jimin ay naiintindihan ko yung sitwasyon niya, yung nararamdaman niya, at yung sakit na pinagdaanan niya. Tao din siya tulad ko kaya wala akong karapatan na husgahan siya dahil sa naging sitwasyon niya ngayon. Kung ako ang tulay para maging maayos ang buhay ni Jimin at madiinan na ang paghihirap niya, ay hahayaan ko ang sarili ko na maging tulay at magsakripisyo alang-alang kay Jimin at sa pamilya niya.

---

Nakarating na rin kami sa bahay nila sa wakas. Medyo malaki pala ang bahay nila Jimin. Mukhang may kaya sila. Nakakalungkot nga lang, naghihirap sila sa kalagayan nila ngayon.

"Eomma, appa, we're home!" sigaw ni Jihyun at sabay kaming pumasok sa loob. Nakita namin ang nanay ni Jimin at lumakad mula sa kusina. Nang magkita silang dalawa ay agad na tumakbo sila papalapit sa isa't isa at nagyakapan nang mahigpit.

"Eomma, bogo shipeo..." hagulgol ni Jimin.

"Nado, Jimin-ah... Jeongmal jinjja bogo shipda..." hagulgol din ng nanay niya. Tumulo naman ang mga luha ko at nakaramdam ng kirot sa puso ko. Lumapit naman si Jihyun sa nagyakapan at nakisali.

"Anong nangyayari dito?" may nagsalita mula sa hagdanan. Napatigil siya sa pagbaba at napatitig sa amin. Lumingon naman kami sa kanya at napatigil sa drama namin.

"J-Jimin?"

"Appa..."

Tumakbo papalapit yung tatay ni Jimin at nagyakapan silang apat at humagulgol. Ilang minuto silang ganun at hindi ko na kinaya. Naiiyak na rin kasi ako at gusto kong humagulgol kasama nila. 

Umubo ako at napatigil naman sila. Kumalas sila sa pagkayakap at lumapit si Jimin sa 'kin.

"Oo nga pala. Eomma, appa, si Seulgi po, kaibigan ko. Siya din nag-alaga sa 'kin nung nasa Seoul ako." sabi ni Jimin at nginitian ako.

I bowed at them, "Annyeonghaseyo, Kang Seulgi imnida. I am his psychiatric nurse."

"Psychiatric nurse?" tanong nung appa niya.

"Yes, appa. I was sent to a mental hospital." sagot ni Jimin.

"Anong nangyari?" tanong ulit ng appa niya.

"Umupo muna tayo, appa, saka niya ikwento yung nangyari sa kanya dun sa Seoul." sabat ni Jihyun at nauna ng umupo. Umupo muna kami at ako na yung nagsimulang magkwento.

"He is my patient nung nasa Seoul kami. He has a Post-Traumatic Stress Disorder at recovering siya until now. Hindi pa siya as in totally na magaling. My co-worker told me na traumatized siya after an accident one year ago. His 6 friends was killed at siya lang ang sinuwerte na nabuhay. Ang suspek ay hanggang ngayon 'di pa rin nahahanap isang taon na rin ang nakalipas."

"The suspect is not an ordinary person." sabat ni Jimin. Lumingon kami sa kanya.

"She's not an ordinary person. She's a f*cking evil sorcerer..." dagdag niya at naiyak. Hinimas ko yung likod niya at pinapatahan.

"Pwede mo bang ikwento ang kwento mo simula nung lumapag ka sa Seoul?" request ko. Tumango naman siya at kinalma ang sarili bago nagsalita ulit.



Patient 95 (BTS Horror Fanfic)Where stories live. Discover now