Chapter 14 disappionted

Start from the beginning
                                    

''tubig oh!'' sabya abot ko sa kanya nung mineral water na dala ko. Kinuha naman niya iyon at ininom.

''si JR?'' bigla niyang tanong sa akin.

''ah, si ate... nasa faculty sila ni Nemo, tinawag kanina ng adviser natin" sagot ko.

''Ganun ba? edi wala kang kasabay umuwi? Tara hatid na kita.'' H-Huh? totoo ba ito???

''huh? eh, hindi pa tapos yung laro di ba?'' tumalikod siya at inayos yung gamit niya. Bakit ba siya badtrip?

''Kaya na nila yan.. and besides, pagagalitan lang naman ako ni coach after the game.'' sabi niya at naglakad na palabas ng court.

Habang palabas kami ng school ang tahimik lang namin. Ayoko naman magsalita kasi baka sa akin niya maibuhos yung galit niya.

''okay lang ba sayo kung magcommute tayo? hindi ko kasi dala yung kotse ko eh.'' tanong niya.

''oo naman. Hindi naman ako anak mayaman, kaya sanay ako jan.'' sagot ko at napangiti siya.

''kung ibang babae siguro ang kasama ko, iniwan na ako dahil wala akong dalang sasakyan.'' matawa-tawa niyang sabi.

''hahaha nangyari na siguro sayo yan noh?'' asar ko.

''Hindi pa noh? Sa gwapo kong ito may mang-iiwan pa sa akin? Baka nga mag-unahan pa silang sumakay ng jeep makasabay lang ako.'' pagmamayabang niya.

''hahaha.. malamig na Lance, wag mo ng pahanginin.'' sabi ko.

''haha joke lang.''

Nagtulooy-tuloy kami sa kwentuhan hanggang sa maihatid niya ako. Natutuwa ako kasi sa kabila ng pagkabadtrip niya kanina, napangiti ko siya. Kahit sandali lang.

Lance's POV 

Ang saya-saya ko kanina, nung sinabi niyang 'SIGE, PUPUNTA AKO'. Lahat ng laro ko, ganado ako at excited na excited na akong madismiss yung klase nila. Pero wala din pala akong mahihintay na JR sa court. Sana man lang nagpaalam siya na di siya makakapunta para hindi na ako naghintay sa kanya. Wala na nga yata talagang halaga para sa kanya kung ano man ang mararamdaman ko pag di siya dumating.

Buti pa si Hannah na hindi ko in-invite nanuod. pero siya na hinihintay ko pa talaga sa gate ng campus para lang ma-invite, hindi dumating. Ano pa kaya sa mismong game di ba?

Naku Lance! di nga pinatawag sila ni Nemo sa faculty kaya di nakarating?

Isa pa yang Nemo na yan e, hindi ko malaman kung may gusto din ba kay JR o nang-aasar lang talaga dahil may galit sa akin. tsk!!

'LAST PRACTICE NA NAMIN MAMAYA, SANA MAKANUOD KA.' SENT! tinext ko muna si JR bago ako pumunta sa court. Agad din naman itong nagreply.

'SORRY LJ, HINDI ULIT AKO MAKAKAPUNTA. HINDI PA KASI NAMIN NATATAPOS NI NEMO YUNG PINAPAGAWA  SA AMIN SA FACULTY' reply niya.

''Argh!!!'' crak!!

''Bro, okay ka lang?'' sabay lapit sa akin ni Brix ''sayang yung phone mo, mamahalin pa naman.tapos ihahagis mo lang.'' sabi niya habang pinupulot yung pira-piraso kong phone. ''May problema ba? Bigla ka na lang nawala kahapon, Baka makaapekto sa game yan bukas?'' 

''I'm okay.'' simpleng sagot ko at nagpunta sa locker room.

''Arggg!!!!!!!!! bakit ????'' boooogsh!!! '' bakit pag si Nemo, lagi siyang nasa tabi niya,? pagdating sa akin ni anino wala!'' sigaw ko habang umiiyak! oo, umiiyak na naman ako. at siya pa din ang dahilan ng bawat luhang lumalabas sa mga mata ko.

Bumalik ako sa court at nagsisimula na sila. NAkita ako ni coach kaya agad niya akong nilapitan.

''Lance. ano ba??? kahpon mo pa pinapasakit ang ulo ko ah!'' salubong niya sa  akin pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad na akala mo ay walang nakita.

''Brix!'' sigaw ko sabay senyas na ipasa sa akin yung bola.

Sinolo ko ang kalahati ng court, at doon walang tigil na nagshoot, hanggang sa kusa ng bumigay ang katawan ko. Kaya hindi na muna ako pinaglaro.

''Bakit hindi ka naglalaro?'' napatingin ako sa nagsalita, si Hannah pala.

''kakasub ko lang,'' palusot ko. ''wala ka ba ulit kasabay umuwi?''

''wala eh, busy sila ate at Nemo sa faculty.''

''gusto mo ng ice cream?'' tanong ko.

''h-huh?''

''tara sa park.'' aya ko sakanya at nag-ayos na ng gamit. 

Alam kong para akong babae na pagkain ang nakakapagpawala ng problema ko.

--------PARK

Naglalakad kami sa gilid ng park habang kumakain ng dirty ice cream, mas gusto ko ito kesa sa mga ice cream na branded at mamahalin.

''Napapansin kong lagi kang badtrip ah, baka makaapekto sa laro niyo yan bukas..'' worried niyang sabi.

''okay lang ako.'' simpleng sagot ko. Huminto naman siya at sinuri kung may sakit ako.

''okay naman ang temperature mo, bakit wala ka sa kondisyon maglaro?'' tanong niya at naglakad na ulit.

''kilala mo naman kung sino ang nakakapagganito ng mood ko di ba?''

Wala naman sigurong masama kung mag-open ako sa kanya diba? tutal, hindi na din iba ito sa kanya. Kung hindi kasi barkada ko ang sinasabihan ko ng problema, si Hannah ang nanjan para maging sandalan ko.

''ah, siya pala. Pagpasensyahan mo na muna si Ate. Tsaka ayw naman talaga niyang pumunta ng faculty kung hindi lang dahil ka----ah-ah.. kung hindi dahil sa utos ng adviser natin.'' palusot niya.

Bakit?

Anong meron?

Bakit siya nauutal?

May hindi ba ako nalalaman?

''hindi ka magaling magsinungaling.'' emotionless kong sabi. Napansin kong napakagat labi siya na naiinis.

''ah... eh,... ano kasi e,..'' hindi niya malaman kung paano niya sasabihin. '' napakadaldal kasi ng bibig na ito eh,.'' bulong niya. ''h-hindi pa ba nababanggit sayo ni ate or hindi mo pa ba napapansin?''

''na?''

''hay!!'' buntong hininga niya. ''May gusto si ate kay Nemo.'' mahina niyang sabi.

Parang bumagsak ang mundo ko.. ay hindi pala!! yung ice cream literal  na bumagsak!! so, kaya pala niya ako frinend zone, dahil sa Nemo na yun??

''uy, Lance okay ka lang?''

''magsisinungaling ako kung sasabihin ko sayong oo.'' super duper emotionless kong sabi.

''Ano ka ba, wag ka ngang ganyan.'' worried niyang sabi. ''May pag-asa ka pa naman kay ate eh..''

''Ano naman yun? e, si JR na nga ang may gusto sa kanya. knowing JR that what she wants, is what she gets.''

''Halata kay Nemo na ayaw niya kay ate.'' nakayuko niyang sabi.

Parang gusto kong pulutin yung ice cream sa sinabi niya..

''ta-talaga?'' tuwang-tuwa kong tanong.

''oo.'' sagot niya na sobrang hina.

Anong nangyari??

Bakit parang nagkapalit naman kami ngayon ng aura.?

Siya naman ngayon ang pinagsakluban ng langit at lupa.

Anyway, Lord salamat at binigyan niyo ako ng sign na patuloy pa ring mahali si JR. Promise, kahit na ano pang pagsubok ang ibigay niyo sa akin, I'll never give up for JR.

Hannah's POV 

Sabihin niyo na BOBO , TANGA at kung anu-ano pa ako, pero masisisi niyo ba ako? na hindi ko kayang makita sa ganung kalagayan ang taong mahal ko? I'm willing na magparaya kung yun ang makakapagpasaya sa kanya.

------------------------*

Sorry for my bad words,,,!!

please leave a comment. pa-vote and follow na din po.. 

kamsa hamnida :)

Love CycleWhere stories live. Discover now