Note #3

14 3 5
                                    


FRIENDS

(Maki)

Banayad na hangin

Kakalma ang damdamin

Si-si Ivan??? Really? 'Yung suplado kong classmate? Anong ginagawa niya dito sa lugar namin?

"Tapos ka na bang tumitig?" Bumalik na ako sa huwisyo nang marinig ko ang nagyeyelong niyang boses. Grabe. Matutuwa na sana ako dahil niligtas niya ng buhay ko tapos magsusungit. Hindi lang talaga ako makapaniwala na nandito siya.

".....At 'di mo inaasahan ang lalaking ito."

So siya 'yun? Hindi talaga eh. Nagbibiro lang talaga 'yun. Sinasabi ko na nga ba eh. Takas sa mental 'yung sender eh. Coincidence lang lahat ng ito. Maki, gumising ka nga! Pinaglalaruan ka lang niya. Bago pa ako mababaliw kakakumbinsi sa sarili ko na 'wag magtiwala sa misteryosong 'I' na 'yan ay nagpasalamat muna ako kay Ivan.

"Uhmmm... thank you nga pala kanina...." Sabi ko na nakayuko. Nahihiya ako sa kanya. Isa pa, ayokong tumitig sa kanya. Masyadong nakakatunaw ang kanyang mga titig.

"'Di ko binalak na iligtas ang isang tanga. Naawa lang ako kaya ko 'yun ginawa." Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay umalis na siya. Wow... sorry kuya kung natanga ako kanina. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ako nakapag-react agad. Ikaw kaya dun! Sa inis ko ay umalis na lang ako sa lugar na 'yun. Ayaw mag-sink ang nangyari sa akin ngayon. Ang sakit nila sa ulo! Ayoko munang isipin pa 'yun at baka bumalik ang lagnat ko.

___

Sa bahay

"Bebe ko!!! Kumusta ang school? Asan na ang kiss ko?" Bungad niya sabay nguso na animo humihingi ng halik.

"Eeeww! Mandiri ka nga!"

"Grabe ka naman makadiri.." Sabi niya sabay nguso.

"'Di bagay sa'yo. Mukha kang bakla."

"Makabakla ka naman! May gf na ako noh."

"Sige nga, nasaan?"

"'Wag na. Baka magulat ka pa."

"Magulat? Bakit naman? Kasi... bading??? Hahahaha!!!"

"Ahh ganun...."

"Hahahahahaha!!! Tama na! Tama na!! Hahahahaha!!!" Grabe 'tong kuya ko. Bigla daw ba akong kilitiin. Pero seryoso may girlfriend na ang kuya ko. Maganda siya. Mabait. Matalino. Okay... siya na talaga. Minsan lang sila magkita ng kuya ko kasi busy sila masyado sa kanilang pag-aaral. Parehong graduating na kaya bigay todo.

"Haayy... Kailan ba tayo huling naging ganito?" Bigla niyang tanong.

"'Di ko rin alam. Siguro matagal na rin. Bata pa ako nun. Ano nga palang meryenda? Gutom na ako."

"Buti pa ang pagkain 'di nakakalimutan... sakit..." Pagdadrama niya.

"Ano na namang drama 'yan? Ikain mo na lang 'yan."

"Uyy! Wala ka ng sakit 'di ba? Ikaw maghugas ng pinagkainan natin."

"Opo." Sabi ko sabay pout. Swerte ng gf niya kasi boyfriend niya 'tong kuya ko. Naku, malaman ko lang niloloko niya 'to, masasampal ko siya ng bonggang-bongga. Pagkatapos kong kumain at ligpitin lahat ng pinagkainan namin ay pumasok na akong kwarto. Ginawa ko muna mga assignments ko. Pagkatapos, kumopya ako ng mga notes ng mga na-miss kong mga lessons. Naisip ko naman ang nangyari kanina. Hindi eh. Imposible. At saka pangalawa pa lang naman. Sigurado akong coincidence lang lahat. 'Di talaga totoo 'yun. Makapag-open nga muna ng facebook.

iWhere stories live. Discover now