Note #2

24 3 2
                                    

DOUBTS

*****

(Maki)

Namumuong pagdududa

Magdudulot ng pagkasira


Tumigil na ang ulan. Bumungad na muli sa bintana ko ang Haring Araw. Ngingiti na sana ako ngunit... may sakit ako.


Ayoko talagang um-absent. Panira kasi ang ulan. Basa pa lahat ng gamit ko. Naiiyak na ako. May assignment pa ako kay Madame. Anong sasabihin ko sa kanya? Sasabihin ko, 'Ma'am, wala po akong assignment dahil nabasa lahat ng gamit ko.' Ang ganda siguro ng paliwanag ko. Aish. Sa dinami-rami ng pwedeng magbigay ng assignment, si Madame pa. Bakit nga ba, Madame?

"Anak? Gising ka na ba? Kain ka muna nang makainom ka ng gamot." Bungad sa akin ng tatay ko. "Darating mamaya ang kuya mo. Siya muna ang mag-aalaga sa'yo at ako nama'y papasok sa trabaho." Sabi niya.

"Sige po, Tay." Sabi ko naman. Tumayo na ako't pumuntang kusina nang makakain na. Maya-maya'y dumating si kuya. May dala siyang mga gulay. Mukhang namalengke pa. Kolehiyo na ang kuya ko. Mechanical Engineering ang kurso niya. Ang tatay ko ay isang accountant. Sa isang malaking banko siya pumapasok.

"BEBE KOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!! ANONG NANGYAREEEE SAAA'YYYOOOO???!!!!" Bungad sa akin ni kuya.

"Waaahhh!!! Layuan mo ako!!" Sigaw ko. Bigla ba naman kasing tumakbo papalapit sa akin. Payakap na sana siya nang bigla akong lumayo.

"Hindi mo ba ako na-miss?" Tanong niya sabay pout. Argh! 'Di bagay sa kanya. Paano ko ba 'to naging kuya?

"Tama na ang kulitan. 'Wag mo masyadong harutin 'yang si Maki. Nilalagnat pa 'yan oh. Ikaw, Third, ilagay mo na 'yan sa kusina. Ikaw muna ang bahala sa kanya. Dito ako magdi-dinner. Bye na." Umalis na si tatay papunta sa kanyang trabaho. Masyado na siyang busy nitong mga nakaraang araw. Ang kuya ko nama'y minsan lang kung umuwi. Naka-dorm kasi. Mabuti at sembreak nila.

"May tanong ako... Bakit sa tuwing may sakit ka eh sakto sa sembreak ko? Aminin mo nga, sinasadya mo 'yun noh?" Tanong ng aking kuya.

"Ba't ko sasadyain ang pagkakasakit? As if namang gusto kong paalaga sa'yo. Eewww! Hahaha!" Sagot ko naman.

"Ah ganun. Sige... Wala kang tanghalian mamaya. Bahala ka dyan." Banta ni kuya. As if namang matatakot ako dun. 'Kala niya ah.

"Edi wag mo akong lutuan. Bahala na si tatay sa'yo." Sabi ko sabay pasok ng aking kwarto. 'Di pa rin tuyo ang ilan kong gamit. Kawawa naman notebook ko. May ilang sulat na dito ang hindi mabasa. Kailan ko nang bumili ng mga bagong kwaderno. Gastos na naman. Haay... Inayos ko na muna ang gamit ko at humiga na. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Gustuhin ko mang manuod ng anime ay hindi ko magawa. Wala sa kundisyon ang aking utak para magpantasya. Itutulog ko muna ito.

***

"Anak..."

"Mama? Mama?"

Palinga-linga ako sa paligid pero wala ako ni isang nakita na anino ni mama.

"Mama? Mama? Mama...." Tawag ko sa kanya ngunit 'di ko pa rin siya makita.

"Anak... Andito ako..."

"Nasaan? Saan?!"

Tumakbo na ako kung saan-saan. Para akong nasa isang espasyong walang hangganan at tanging patak lang ng tubig ang maririnig.

iTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon