Note #1

34 3 4
                                    

UNPREDICTABLE HAPPENINGS

***

(Maki)


Madalim na kalangitan...

Nagbabadyang pag-ulan...

Akala ko pa naman 'di uulan ngayon. Maaaraw kasi kaninang umaga. Ayan, 'di ko nadala ang payong ko.

"Ay!" Napatili ako dahil sa kidlat. "Waahhh! Paano ako uuwi niyan? Ayoko namang magmukhang basang-sisiw. Takot din ako sa kidlat. Ba't ba kasi ang layo ng sakayan sa gate ng school namin. Anong oras na ba?" Tiningan ko ang aking relo. "Huhuhu... 4:30 na. Papagalitan na naman ako ni tatay." No choice ako kundi sugurin ang ulan. Siyempre, binalot ko muna sa plastik ang bag ko para naman 'di mabasa ang mga notebooks at libro ko. Nagdala na rin ako ng isang malaking plastic para 'di ako masyadong mabasa. Thank you kay kuya janitor. Buti na lang at marami siyang dalang garbage bags. Walang arte-arte sa taong gustong umuwi.

Sakto pag dating ko sa sakayan ay nakakita ako ng maluwag na jeep. Pinara ko agad saka sumakay. Siyempre ang ibang pasahero, tinginan sa akin. Ang iba, tumatawa pa. Akala siguro nila, takas sa mental. 'Yung iba naman kung kaawaan ako eh kala mo pulubi o batang nawawala. Ikaw ba naman makakita ng babaeng basang-basa sa ulan at may hawak pang garbage plastic na nakasakay sa jeep.

Buong byahe, hiyang-hiya ako. Pero sabi ko, no choice na nga. Eh kailangang umuwi eh. Katakot pa naman magalit ang tatay ko.

_____

Sa bahay

"'Nak, ba't ngayon ka lang? At bakit basang-basa ka? At ano 'yang dala-dala mo? Ano nangkalkal ka ng basura kaya ka na-late ng uwi o... wala ka bang payong? Para saan pa't binilhan ka namin ng payong kung 'di mo gagamitin?! Gusto mo bang magkasakit?!" Bungad sa akin ni tatay.

Ayan na. Sasabunin na ako niyan. Sakto, basa ako. Sabon na lang ang kulang. Teka, nangkalkal ng basura? Grabe ka naman, tay.

"A-ano 'Tay, naiwan ko eh. He-he-he-he..." Sagot ko. Sa dami ng tanong niya, ito lang naisagot ko.

"Nakalimutan o iniwan?! *sigh Oh, siya... Maligo ka na't magbihis nang 'di ka magkasakit. At ako nama'y magluluto ng sopas nang mainitan ka." Sabi ng tatay ko.

Kahit nakatatakot 'yang tatay ko, sobra siyang mag-alaga. Naalala ko 'yung mga panahong inatake ako ng asthma ko. Grabe sila mag-alaga sa akin. At the same time, nagi-guilty ako. Sino bang hindi. Feeling ko kasi pabigat ako. Sakitin kasi ako. Well, bunso eh. 'Di naman lahat. Nagkataon lang na ako. Pumasok na ako sa kwarto ko ang nagsimulang maligo at magbihis. Habang hinihintay ko ang sopas ni tatay ay napatingin ako sa picture frame na nasa ibabaw ng cabinet malapit sa telepono. Kinunan ito noong walong taon pa lamang ako. Ito ang huling litrato namin bago mamatay ang aking nanay. Namatay ang nanay ko dahil sa isang car accident, sa pagkakaalam ko. Masyado pa akong bata noon upang maintindihan ang lahat.

"Handa na ang sopas! Maki, halika na rito't humigop ng mainit na sabaw para 'di ka sipunin." Tawag sa akin ni tatay.

"Nandyan na po." Sagot ko. Bago ako tumayo ay tinapunan ko muna ng tingin ang litrato. "Kung nasaan ka man, nanay... sana maging masaya ka. I love you, nay." Tumayo na ako at tumungo ng kusina.

Madilim pa rin ang kalangitan. Mukhang uulan pa rin hanggang bukas. Setyembre na rin kasi. Tag-ulan na sa Pinas. Inayos ko na ang mga gamit ko at ang mga plastik nama'y nilabas ko at sinamapay nang magamit. Pagpasok ko sa kwarto ay ginawa ko na ang mga takdang aralin. Katatapos lang ng exam ay tinambakan na kami ng sandamakmak na gawain. Ganito lang siguro kapag naghahabol ng oras. Napapadalas na rin ang susypensyon ng klase. Mahaba pa ang araw ko bukas. Kailangan ko nang magpahinga.

iWhere stories live. Discover now