*************************************

"Oh yung mga babae magkakasama sa isang room. Kayong mga lalaki dito na kayo sa sala matutulog." tita Mozzy announces when they are inside the rest house that they rented during their stay at the resort.

"Teka, bakit si kuya Kief kasama sa kwarto si ate Ly?" biglang angal ni Thirdy nung nakita niyang pumasok si Kiefer sa isang kwarto kasama si Ly. "Ang unfair naman nun, Ma!"

Natawa lang si Bea habang binibitbit yung gamit niya papasok sa kwarto nila. Alam niya kasing gusto lang ni Thirdy na makasama si Jho sa isang kwarto kaya siya nagrereklamo ng ganyan.

"Magkasama na nga sa isang bubong yang dalawang yan. Paghihiwalaying ko pa ba?"

Mukhang nagisip muna sandali si Thirdy bago na-divert yung tingin niya kay Bea na kalalabas lang uli ng kwarto.

"Eh di si Bea dito mo rin patulugin sa sala. Lalaki din na naman yan!"

"Ulol!" sagot naman ni Bea sa kanya.

"Magtigil ka nga,Thirdy. Ipasok mo na lang yung mga natirang gamit sa van ng mabilis tayo."

Wala na rin nagawa si Thirdy dahil mukhang mainit na yung ulo ni tita Mozzy sa kanya. Padabog na lang siyang lumabas uli para tulungan si tito Bong na kuhanin yung ibang nilang gamit.

Sakto naman na nakita ni Bea ang pagpasok ni Jho bitbit yung mga gamit niya at mukhang nahihirapan kaya hindi siya nagdalawang isip na lumapit dito para abutin yung iba niyang dala.

"Tulungan na kita."

Nag-angat ng tingin sa kanya si Jho na mukhang nagulat sa bigla niyang paglapit. May ilang segundo na nagkatitigan lang sila bago matipid na ngumiti si Jho at hinayaan na kunin ni Bea yung iba niyang gamit.

"Salamat."

Magkasunod silang pumasok sa kwarto at naabutan nila sina Therese at Felicia na nakapwesto na sa kanya kanyang kama. Dalawang twin-size bed yung nasa kwarto at sakto dahil apat lang sila dun. Si Dani kasi mukhang sa kwarto na nina Ly at Kief pinapatulog ni tita Mozzy.

"Bea, tabi tayo dito sa kama."

Tumayo si Felicia mula sa kinauupuan niya para hilahin yung braso ni Bea papunta dun sa kama niya.

"Tabi tayo, Jho." nakangiting sabi naman ni Therese kay Jho na nakatayo pa rin sa may pinto.

Bea is a little bit dissapointed. Deep inside, gusto sana niyang si Jho na lang yung katabi niya sa kama pero alam niyang magiging suspicious kapag nakipagpalit siya. Isa pa, hindi rin siya sigurado kung magandang ideya ba kung magtatabi sila. Baka kasi hindi siya makatulog ng maayos kung nagkataon.

"Wait lang guys ha. Puntahan ko muna si Rex." paalam ni Therese sabay tayo mula sa kama niya.

"Sabay na ko. Shower lang ako." sabi naman ni Felicia na kinuha yung pamalit niya bago sumabay na lumabas kay Trey.

Naiwan na silang dalawa dun na hindi nagiimikan. Bea couldn't figure out why Jho is quiet in her presence all of a sudden. Akala niya friends na sila? She even spent her Saturday morning eating breakfast with her and ate Ella. She even helped them cleaned their house.

Bakit ganitong parang malamig uli yung pakikitungo niya kay Bea?

Or maybe it's part of her personality? Sala sa init, sala sa lamig!

Bea internally sighs as she watches Jho fixes her stuff on the bed.

"Mukhang nagkakamabutihan na kayo ni Fel ha."

Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang magsasalita bigla si Jho. Hindi pa rin siya nakatingin kay Bea pero dahil dalawa lang sila dun sa kwarto, sigurado siyang siya yung kinakausap nito.

My Best Friend's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon