Simula

512 17 2
                                    



Simula


[MARCO]

"Ano kaya meron don?"

Initaas ko ang sarili ko para makaupo sa may railings upang matanaw ng maayos ang kabuuan ng school sa ibaba. Wala naman akong bagong mukha nakita maliban sa mga first year, siyempre.

Pero naagaw ng atensyon ko ang grupo ng mga lalaki na nagkukumpulan sa may gilid ng canteen. Mukhang mga freshmen.

Nilingon ko si Aizan na sobrang tutok roon. Umiling nalang ako at nilibot ko ang paningin ko sa Hallway na halos pamilyar na mukha lang ang matatanaw pero nang lingunin ko ang hagdan ay saktong may mga bagong dating, mga bagong mukha.

Yung isa nga doon ay parang model kung maglakad. Kamukha pa kamo ni Marian Rivera. Kakalibitin ko palang sana si Aizan upang ituro yoong babae ng unahan niya ko suntukin sa braso, mahina lang naman.

"Shit! Si Vivoree yun diba?"

Kumunot ang noo ko at dumugaw sa ibaba upang tignan ang tinuturo niya pero hindi ko naman nakita roon si Vivoree.

"Wala naman e," Tatalikod na sana ko para tignan ulit yung babae ng hilahin ni Aizan yung kwelyo ko at agad akong kinaladkad pababa ng hagdan.

"Uy ano ba!" Reklamo ko at agad naman ako nito binitawan. Nilingon niya ko ng mabilis bago nagpatuloy bumaba ng hagdan, "Napatrouble si Viv!" Sigaw nito.

Nang narinig ko yon ay agad rin akong tumakbo pababa. Ano nanaman ba ginawa nong isang yon? First day na first day e!

Huminto si Aizan sa may gilid ng canteen kung saan kanina lang ay natanaw ko nagkukumpulan ang mga Freshmen na hanggang ngayon ay ganon pa rin. Ang pinagkaiba lang ngayon ay mas kita ko na si Vivoree ang nasa gitna at pinagkukumpulan ng mga 'to.


[VIVOREE]

Nagbuntong hininga ko bago tignan ang lalaking humarang saakin kanina at hanggang ngayon hindi ako kinikibo. Aalis na sana ko roon pero hinaharangan ako ng mga kasama niya.

Ngumuso ako at pumayewang. "Ano ba kasing gusto mo?" Naiinip na ko pero katulad kanina wala itong tugon sakin kundi ang mukha niya na parang natatae. Hindi ko nga 'to kilala e, pero mukhang pamilyar.

"Kung wala kang sasabihin, punta na kayong klase niyo. Ako na rin." Nagsimula na kong maglakad paalis roon ng bigla niya kong harangin hindi tulad kanina na mga kaibigan niya ang pumipigil, ngayon ay siya na mismo.

Tumayo ko ron at inabangan ang sasabihin niya. Pero isang minuto na ang tumagal ay wala parin kaya hinawi ko na siya para makadaan. "Wag ako pagtripan niyo, mga bata." Nilingon ko pa sila isa isa bago tuluyang naglakad paalis.

"Bailey! Andoon na oh, abot kamay mo na!" Rinig ko pang sermon sakanya ng mga kasama niya. Umiling nalang ako.

Dadaan muna ko sa Canteen bago umakyat sa classroom kung saan ako na-assign. Habang naglalakad papunta roon ay may mga mabibigat ng braso ang dumantay sa magkabilang balikat ko. Isiniksik pa nila ang sarili saakin.

"Goodmorning, Vive!"

"VIVOREE!!"

Napasimangot ako sa mga boses na narinig. Ang aga aga ng dalawang unggoy na 'to. "Ano ba." Pilit ko silang inihiwalay saakin pero mahigpit ang pagkakaakbay nila.

EverythingWhere stories live. Discover now