First

373 17 0
                                    

First time kong umakyat ang bundok kahapon. Kasali kasi 'yon sa list ko ng mga gusto kong gawin, actually last year's list pa, kaya talagang sinubukan ko na nang may mag-aya.

Ibang-iba 'yong expectations ko sa reality. Akala ko nga katapusan na ng buhay ko no'ng kailangan naming tawirin 'yong gilid ng bundok. Isang maling hakbang, deads. Nakakatakot. Akala ko nga hindi na ako makakababa pa. Para uli akong nag medtech. Haha! Joke. Pero mahirap talaga. Siguro kasi beginner ako at hindi talaga ako into physical activities kaya medyo nawindang ako na may rapelling at rock climbing at paggapang na naganap.

Pero I feel so matured/grown-up after. Nung nasa baba na kami at tinatanaw yung tuktok, hindi ako makapaniwala na inakyat at binaba ko 'yong 811 feet na bundok. Grabe. Amazing race, Survivor, Fear Factor, Extra Challenge in one!

I feel so twentysomething, with a heart, and worth. Naks!

*cue music: Tadhana by Up Dharma Down*

TwentysomethingWhere stories live. Discover now