Hintay

976 51 3
                                    

Pitong oras kaming naghintay. Pitong oras na nangarag. Pitong oras kinabahan. Nakagastos na rin ng pagkain at print-outs.

Pinakahuli kami sa pair na magde-defense sana. Pagpasok namin ng AVR, biglang wala pala 'yong adviser namin. Hindi raw makakarating. Hindi ko pa na set-up 'yung laptop, re-sched na lang daw next week. Gabi na tuloy ako nakauwi sa wala, tapos pagdating pa sa sakayan, ang haba ng pila. 

Hintay uli. 

Naisip ko tuloy, kapag bata ka hindi ka hinahayaang paghintayin ng matagal. Ayaw pa ngang iwanan kung maaari o kaya naman babalikan agad kapag iniwan.

Ngayon, we always do the waiting. 

Palagi tayong naghihintay. Kahit matagal. Madalas matagal. 

Hindi pwedeng mag tantrums.


TwentysomethingWhere stories live. Discover now