Siguro

10 0 0
                                    

*Trisha Pov*

Naranasan niyo na bang ma inlove? Yung tipong kapag nandyan siya hindi ka mapakali tapos yung puso mo parang may kabayong tumatakbo sa sobrang bilis. Yung bigla ka nalang mamula. Tapos yung manghahampas ka pa sa sobrang kilig.

Ako kasi oo, pag nandyan siya hindi ako mapakali. Alam mo yun tapos minsan pag nahuhuli mo siyang titingin sayo  kinikilig ka. Yung tipong mamumula yung braso ng mga kaibigan mo sa pagpalo at paghampas sa sobrang kilig.

By the way, Ako nga pala si Trisha Cortez. 16 years old. Kasama ko ngayon yung mga kaibigan ko nandito kami sa favorite place namin. Ang garden.

Tapos nang dumaan yung crush ko. Si Kristoff Jimenez. Tinukso naman ako nung barkada ko. Huhuhu. Lupa lamonin mo ko please, hiyang hiya ako sa sinasabi nila.

"YIEZ NAMAN TRISH"
"TRISHA NGA PALA "
"HI DAW KRIS"
"LABYU DAW"

Tapos bigla siyang tumingin sa amin tapos nginitian kami ヽ(*゚ー゚*)ノ
Oh my! Lord, pwede na kong mamatay.

Char lang pala. Hinde pwede yon. Marami pa kong pangarap. At Magiging kami pa ni Crush. Hihihihihi.

Hanggang sa nagbell na kaya pumunta na kami sa kanya kanyang room. Hindi kasi kami magkakaklase ng mga kaibigan ko eh. Tapos si crush, hindi rin kami magka seksyon pero kaklase niya yung isa kong kaibigan.

Si Justine Gozon. Tin tin yung tawag namin. Para samin siya yung pinakamaganda sa tropa. Tapos yung may magandang boses. Nakakainis lang kasi. Magkatabi po sila ni crush. Tapos ang hilig niya kong i blockmail. Huhuhuhu.

Uy. Pero maganda naman ako marami namang nagsasabi tsaka di naman maganda boses ko. Yung normal lang. Ganon. Pero kasi may pagkalalaki lang ako kumilos eh. Alam niyo may pag ka boyish pero pusong babae. Char lang. Tsaka joker rin kasi ako ng barkada.

Tapos alam niyo ba minsan nakakaselos na. Kasi alam mo yung feeling na parang gusto niya rin yung crush ko. Tapos close sila eh. Yung mga classmate naman nila botong boto sakanila. Syempre ako, di ako naniniwala. Alam ko namang wala eh. Kaibigan lang naman sila. Diba?

Tapos nung lunch na? Syempre pagkatapos namin kumain. Tiningnan ko naman siya.

Ang pogi niya kasi di lang yun mabait pa tapos matalino.

Napaisip namab ako bigla, mapapansin kaya niya ako?

**********
(The next day)

"Bheb, alam mo ba may crush ako" sabi sa kin ni tin tin. Oh yieeez nagcru crush din siya. Hahaha. Minsan lang kasi yan magka gusto eh.

"Oh. At sino yung malas na lalaki na yan" sabi ko sakanya ng pabiro. Haha

"Oy. Grabe ka naman malas agad. Haha. At secret di ko sasabihin yun. Bleehhh" tapos nagdila pa siya. Tsk.

"Grabe ang tagal na nating magkakakilala tapos hondi mo sasabihin sakin. Kakahurt. Huhuhuhh" tapos kunwari umiiyak ako. Sabay binatukan ako. Aray. Sakit kaya nun
* pout*

*****

Pumunta na man ako sa classroom nila tin. Susulyapan ko so crush tapos tatanongin ko na rin kong sino yung crush ni tin. Nang makita ko si Jasmine. Yung close ni tin dito sa Room.

"Jasmine, pst" tawag ko sakanya. Tapos lumingin naman siya sa akin.

"Oh? Ano yun Trisha?" Sabi niya sa akin.

"Jasmineee. Kilala mo ba yung crush no tin ayaw sabihin eh. Sige na pleaseeeeeee" sabi ko sakanya tapos nag pout pa.

"Sabi niya bawal sabihin ehhh" sabi naman siya sabay kamot sa batok niya.

"Sigee naaaaa" pilit ko sakanya.

"Aishhh. Sige na nga. Si Kris yung crush niya" sabi niya sa akin. Ano daw? Si
k - kris. Ha-ha-ha-. Imposiible. Teka. Baka mali ako ng rinig eh. Hayy.

"S-sino?" Sabi ko. Sakanya. Baka kasi mali ako ng rinig.

"Si kris nga. Alam mo ba ang sweet nila lagi sa classroom. Tapos  may gusto rin sakanya si Kris eh. Kasi nagtapat siya sa akin na gusto niya daw si Tin. Tsaka bagay kaya sila. Diba? " sabi niya sa akin ng nakangiti. Bagay sila? Oo bagay sila. Pero mas bagay kami.

"Ahh. Siya pala. Tsaka oo naman bagay sila" Sabi ko sakanya tapos umalis na.

Tama nga naman siya Trish bagay naman sila eh.

**********
(Nakalipas nang isang linggo)

Alam mo yung feeling na nakakawala ng gana. Yung kaya ka nga pumapasok para masilayan siya. Wala na. Sila na kasi ng kaibigan ko eh.

Alam mo yung masakit? Matagal ko na kasi siyang gusto eh. Matagal na. Simula second year. Tapos magiging sila? Ng kaibigan ko.

Pwese naman siyang magkagusto eh. Wag lang sa kaibigan ko kasi masakit.
Gusto ko lang naman soya diba? Pero bakit ganon bakit ako nasasaktan.

Mahal ko na ba siya? Siguro....
At alam mo yun sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Tumatawa.

Alam mo yung gusto mong manumbat, gusto mong magselos pero wala lang magawa. Kasi hindi naman kayo. Kasi walang kayo.

Anditi kami sa garden pero magkasama sila. Nag uusap eh. Tapos dun pa sila puwesto sa may kitang kita
《/( ̄(エ) ̄)ゞ》Nananadya yata sila eh.

"Uy. Trish, okay ka lang?" Tanong  ng isa ko pang kaibigan si kim. Gusto ko siyang sagutin ng hindi. Kaso ayoko, ayokong magsinungaling sa nararamadam ko kaya pinili ko na lang manahimik.

"Gusto mo pa ba siya?" Tanong niya sa akin.

"Gusto ko pa siya Kim. Kaso wala naman akong pag asa, diba? Di mo alam kong gaanong kagustong gusto ko siya. Naiinis lang ako. Kasi bakit sa dinami dami ng tao sa mundo sa kaibigan ko pa siya nagkagusto. Masakit yun sa part ko pero kailangan kong tiisin. Kasi alam mo, wala tayo sa bawat kwento na kapag nagkagusto ka sa isang tao magugustuhan ka rin nila. " sabi ko sakanya. Habang nakatingin sa kanila na masaya habang ako nalukungkot.

"Okay lang yan Trish nandito namin kami eh, kung kailangan mo ng karamay andito lang ako, este kami. Kaya nga tayo,kaibigan diba? Cheer up! Sige maiwan muna kita, alam ko namang kailangan mo munang mapag isa eh." Tapos pinat niya yung ulo ko at sira ulo yun ah ginawa pa kong aso. Tsk.

Naglakad lakad naman na ako ng may--

"Ouch" sabi ko. May nakabunggo kasi ako.

Tapos pagtingin ko si Xander Alex Castro.

Oh shit. Isa isa mga hearttrob dito sa school namin. Gwapo, matalino, gentleman, varsity ng basketball.

"Ah eh Trisha sorry ahh nagmamadali kasi ako ehh" sabi niya sa akin tapos tinulungan akong tumayo.

Tapos napatulala naman ako...
ki-kilala n-niya ako?

"Kilala mo ako? " sabi ko sakanya ng nagtataka. Tapos bigla naman siyang tumawa. Kyahhhhh. Ang cute niya.

"Syempre naman Trisha. Eh ang cute mo kaya ay este he-he-he ano ah basta kilala kita. Ah sige una na ko ah may gagawin pa kasi akong importante" sabi niya tapos kinurot yung pisngi ko at tumakbo....

Wahhhhhhh. Ang pogii niya pala pag malapitan. Tapos kilala niya akooo
(☆^ー^☆)
(☆^ー^☆)

Ay teka lang BH pala ako huhuhu. Pero seryoso....

Siguro ito na yung time para tumigil ako sa ganito. Siguro nga hindi kami para sa isat isa. Siguro hindi talaga kami para sa isat isa. Siguro nga kailangan ko nang mag move on. Kahit alam kong hindi naging kami.

Kahit masakit kakalimutan na kita.

Kristoff Jimenez
















One Shot StoriesWhere stories live. Discover now