W.R - 18 ( Lost)

11.9K 203 7
                                    

Chapter 18

hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bahay pagkatapos ng gabing iyon. nabasa ko na lang kinabukasan ang kanyang text at mga miscalls.

Jaime:

Can i see you today, before my flight?.

ani ng isang text nito. hindi din ako nagreply, gulong gulo ang isip ko sa ngayon. kinalma ako ni Cathy kagabi ng halos mugto na mata ko sa kakaiyak.

akala ko ba iiwasan na niya ang babaeng iyon.?.

may karapatan naman siguro ako magselos dahil ako ang girlfriend. hindi din ako pumasok ng araw na iyon sa opisina.

narinig ko ang pag-ring ng aking phone, tiningnan ko ito. ng makita kung sino ang tumatawag wala na din ako nagawa kundi sagutin ito.

" hello.." tamad kong sagot.

ayokong marinig niya na sa boses ko na dati ako umiyak.

" hey' my Tabby pea..can i see you before i go?. tumawag ako sa opisina absent ka daw..? what happen?.."

huminga muna ako ng malalim bago ko ito sinagot.

" m-medyo masama lang ang pakiramdam ko ngayon. kaya hindi ako nakapasok sa opisina, hindi din kita maihatid sa airport ngayon dahil nanghihina katawan ko.."

kasinungalingan! nasasaktan ako.

" you sure your alright?. pwede ko ipa-cancel ang aking flight para masamahan kita."

dinig ko ang concern nito sa boses.

" hindi na...okay lang, lumarga ka na nandito naman din si Cathy kasama ko."

pinasigla ko pa ang aking boses para i-convince ito. narinig ko ang mahinang paghinga nito, bago sumagot.

" okay..you take care, my lady..i will see you pagbalik ko alright?."

" okay.." simpleng sagot ko dito.

kahit gustuhin ko man siyang komprontahin about kagabi ayoko na magka-problema kami. aalis pa naman siya ayoko bigyan ito ng mabigat na dalahin sa dibdib niya.

nagpaalam din naman ito agad sa akin. humilata lang ako buong hapon dahil sa wala ako gana gumawa ng kahit na ano.

nakita ko pa ang isang text ni Jaime sa akin ng hawakan ko ang aking cellphone.

Jaime:

i'll call you when i get there.

ngumiti ako ng mapait ng mabasa iyon. sa kaibuturan ng puso ko parang may inililihim ito sa akin. narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto ng aking kwarto.

sumungaw doon ang mukha ni Cathy, pinakita niya sa akin ang isang tabloid na hawak nito. kunot noo akong napatingin sa kanya.

kinuha ko ang tabloid, mas lalo akong nanlamig ng makita si Jaime at Grazilda magkasama.

ayun sa tabloid isang merging business ang mangyayari, dahil sa nalalapit na pag-iisang dibdib ng dalawa.

sumulyap ako kay Cathy, na nasa tabi ko ngayon. kuyom ang mga kamay nito sa galit dahil sa pinakita niya sa akin. samantalang ako parang namanhid ang bou kong katawan dahil doon.

" Tabitha naman!..ano wala ka bang gagawin?..hindi mo lang ba siya komprontahin dahil diyan?."

galit na sabi nito, nahulog sa aking kamay ang hawak kong tabloid. no! impossible, this can't be happening!. mahal ako ni Jaime.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDWhere stories live. Discover now