W.R - 8 ( Karera )

13.9K 264 24
                                    

Chapter 8

Montevallo Stadium ( MStadium)

Second time ko na nakapunta dito. hindi pa din ako komportable dahil sa dami ng tao dito. wala naman ako magagawa dahil bigla na naman ako kasi basta na lang sinama dito ng bipolar kong boss. tsk!

umupo ako sa may gutter ng stadium, habang tinitingnan ang ibang racer na nagaayos ng kanilang mga gears. nasa loob pa ng isang private room si JV. naghahanda para sa race. napatingin ako sa isang Porsche na tumigil sa gilid ng Stadium. the music is too loud. pero biglang natahimik ang mga nandun' ng lumabas ang nagmamay-ari nun'. napasinghap ang mga kababaihan pagkalabas ng lalake. sino ba naman hindi, kapag ganyang malayo pa nakaukit na isang pilyong ngiti sa mga labi nito.

saglit akong natigilan. siya 'yung guy na pumunta sa AMC last time. before i could utter any word biglang iniluwa dun' ang kasama ng lalake na siyang nagpasipol sa mga kalalakihan dun. ohkaay! the girlfriend Maria Ericka Lagdameo. swerte mo bakla!.

all smiled itong kumaway sa mga kakilala niya. naka-fitted jeans at hanging blouse na white ito. she scanned the crowd, nakita kong nilapitan niya si Jigz Alcantara. tinanong siguro kung nasaan si Jaime.

nahagip ako ng paningin ni Ethan. katulad ng una ko siyang nakita nandun' pa din ang boyish smile nito. kinalabit nito ang kasama habang nakikipagusap sa mga ibang racer dun.' tumingin sa may gawi ko si Ericka. she wave her hand, sa mga tao nandun' at nagpaalam saglit ng matanaw niya ako. naglakad sila palapit sa akin.

" why are you here? where's JV by the way.? " tanong sa akin ni Ericka.

hindi ko maiwasan hindi paikutin ang mga mata ko sa kawalan. jusko! why am i here?..engot ba siya alangan andito ako for my JV labs. hanudaaw?? .. ayan pati sariling utak ko nagsasalita na naman.

" nasa loob pa. nagbibihis.." sagot ko. nginitian ko si Ethan ng mapansin ko itong ngiting ngiti nakamata lang sa akin. okay! siya na po ang gwapo mayghad!

" by the way honey, meet Tabitha De Guzman. secretary ni Jaime, she's my friend too. " malambing na sabi ni Ericka sa kasama.

sasagot sana ako na nakilala ko na ang kasama niya ng biglang nagsalita si Ethan.

" Nice to meet you miss De Guzman. " pormal nitong sabi at pasimpleng kumindat pa. parang nakuha ko agad ang kanyang mensahe.

" Oh' its my pleasure to meet you Mr. ---? " pabitin ko pang sabi.

" Ethan James Lee.." sabi niya.

" okay Mr. Lee.." i hissed.

tiningnan ko si Ericka na ngayon nakamata lamang sa amin.

" Hindi talaga kita nakilala, nun unang makita kita sa opisina ni JV. sobrang ganda mo. " sabi ko bigla. i just want to cut the awkwardness.

ngumiti siya sa akin nang pagkatamis tamis. even her smile babaeng babae talaga.

" Well, alam ko naman lahat kayo magugulat. kahit nga si JV hindi ako nakilala eh. " maarte nitong pahayag. inakbayan siya ni Ethan, at hinalikan sa pisngi ng umakap sa kanya si Ericka.

masyadong malanggam! ibang klase..naiinggit ka Tabby?...

" You mean, nagpunta ka kay Mr. Montevallo without a permission from me.? " mariin na tanong ni Ethan kay Ericka pagkatapos nitong masuyong halikan ang pisngi ng huli.

WILD RIDE ( Wild Series 1 : Jaime & Tabitha) R-18 COMPLETEDWhere stories live. Discover now