CHAPTER 4: The Past part 3

Start from the beginning
                                    

"Ah I see. Basta ako excited sa date natin," sambit ko.

"Ikaw talaga," sagot niya at namula na naman ang mga pisngi niya.

Inalok ko na kumapit siya sa aking braso, "Lika na, medyo malayo 'yong lugar eh." 

Kumapit naman siya sa braso ko. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko siya at ganito kami na sobrang dikit. Pakiramdam ko ang gwapo gwapo ko.

Sumakay kami ng Taxi. Tinatanong niya kung saan kami pupunta, but I kept on changing the topic and just telling her that it will be a surprise.

After 30 minutes of travel time, nakarating din kami sa restaurant. Pumunta kami sa isang napaka eleganteng fine dining restaurant, 'yong tipong ang mga kumakain sa loob ay mga mayayaman at may mga tumutugtog pa ng piano at violine sa loob. Pag pasok namin sinalubong kami agad ng Usher.

"Good afternoon Sir and Ma'am!" bati ng Usher sa amin.

"Hi, reservation for Kier de Leon, a table for two please," sagot ko sa Usher.  Nagcheck siya ng reservation list at nakita niya ang reservation ko.

"Welcome to Italia Ilaya, Mr. Kier de Leon," sambit ng Usher at inasikaso niya kami papunta sa table namin.

Napansin kong tahimik lang si Jana. Parang hindi yata siya na-impress sa pinagdalhan ko sa kanya.  Inisip ko nalang na baka nahihiya siya. Tumingin siya sa menu then I cleared my throat and said. "So.. What do you want to eat?"

"Can we go home?" bigla niyang tanong nang hindi nakatingin sa akin.

Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Kaya't tinanong ko siya kung bakit, "Uhmm.. We just got here, why?"

Hindi siya umiimik kaya nagtanong pa ako ulit, "Hindi mo ba nagustuhan dito? We can go somewhere else nicer than this."

Biglang tumayo si Jana at nag walk out. "Sorry, Kier."

"Jana wait!" sambit ko. Hahabulin ko sana siya kaya lang pinigilan ako ng Usher.

"Going out already, Sir?"

"Sorry, please cancel my reservation." sagot ko sa Usher.

Nasa labas na si Jana at nag hihintay ng taxi nang mahabol ko siya.

"Jana, wait! Anong problema? Ayaw mo ba ng pagkain doon?" tanong ko sa kanya.

Humarap siya sa akin at mukha siyang disappointed, "Kier, what were you doing?"

"I'm was trying to impress you," sagot ko.

"I just thought that this is how I'll make you feel that you are special," dagdag ko pa.

"Why do you have to try so hard to the point where it seems that it isn't you?" tanong niya.

"Why don't you just be yourself?"  tanong niya ulit.

"This is why I don't like Andrew. I don't need any luxury stuff.  I thought you are someone different. Nag kamali pala ako, Kier. Thanks for bringing me here anyway," sambit niya.

Dumating ang taxi at agad siyang sumakay doon. Natigilan ako sa sinabi niya kaya hindi ko siya nagawang pigilan pa. Hindi ko maintindihan kung ano 'yong mali. Mahirap talaga intindihin ang mga babae, parang panahon, global warming.

Minabuti kong umuwi na lang sa apartment. Tuwang tuwa si Pogi pag dating ko. Siguro akala niya maganda kinalabasan ng date namin ni Jana.

"Hey Buddy! Sorry I failed," sambit ko kay Pogi at pinakain ko nalang siya ng dog food niya.

Humiga ako agad sa kama at hindi ko na nagawang kumain dahil hindi ko rin ramdam ang gutom. Tulala lang ako sa kisame at iniisip ko kung saan ako nag kamali. Hindi ko maalis sa isip ko si Jana. Tinignan ko ang mga litrato niya sa social media habang iniisip kung may chance pa ba kami. Sayang talaga. Natulala na lang ako ulit sa kisame matapos kong makita lahat ng pictures niya.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now