34- Tears are falling ❤

Começar do início
                                    

Di ko namalayan, nakikisabay na rin pala ako sa iyak ni mommy.

"Im sorry." sabi ni mommy habang patuloy pa rin sa pagiyak. Di na lang ako nagsalita at naiyak na lang.

Biglang bumukas ang pinto sa likuran namin.

Lalo ko lang binaon ang mukha ko sa balikat ni mommy. Nakarinig ako ng mga yabag na naglalakad papalapit samin.

Naramdaman ko na lang na may mga kamay na pumalibot saming dalawa ni mommy mula sa likuran ko.

"We're very sorry, anak."

Lalo lang akong naiyak.

Jessica.

Seeing them in that situation, breaks my heart into pieces. Krystal always wanted to feel loved. At nakuha na niya yun mula kila Jungkook, pero sinubukan ko pang agawin.

When in fact, nasakin naman yung gusto niya.

Ang sama ko. Ang sama-sama kong kapatid. Ang sama kong tao.

Tahimik lang akong umiiyak sa gilid habang pinagmamasdan sila. Naramdaman kong may umakbay sakin.

"Its not your fault. Everybody wants to be happy, okay? We tend to do things because of our thirst for happiness." sambit ni kuya habang nakangiti sakin, pero kitang-kita ko ang mga luhang tumutulo mula sakanyang mata.

Ngumiti na lang rin ako pabalik at pinunasan ang mga luha ko.

Mga ilang minuto rin ang lumipas ng kumalas na sina mommy mula sa yakapan. Pinunasan ni mommy gamit ang thumb niya ang mga luha ni Krystal.

"Babawi kami sayo, baby. We promise that." umiiyak na sabi ni mommy.

Hindi na sumagot si Krystal at tumango-tango na lang.

"Halika nga dito baby girl," nakangiting sabi ni kuya at hinila papalapit samin si Krystal.

Medyo kinabahan ako at napaatras. Baka kasi hindi pa ako napapatawad ni Krystal. Aalis na sana ako pero lalong hinigpitan ni kuya ang pagkakaakbay niya sakin.

"Magbati na kayo. Para maayos na rin natin ang pamilyang 'to." nakangiti sabi ni kuya at tinulak ako papalapit kay Krystal. Nakatingin lang siya sa taas at nakapamulsa.

Naiiyak na naman ako e.

"Sige na. Nagkakahiyaan pa, e." dagdag pa ni kuya.

"Sorry.." bulong ko sabay iyak. Napatingin siya sakin at nagyakapan kami.

"Sorry din." naiiyak niyang sabi.

"No, ako dapat yung magsorry. Wala ka naman talagang kasalanan, e. Sadyang selfish lang talaga ako. Im sorry."

"Basta, sorry din."

"Group hug!" sigaw ni kuya at pinalibutan nila kami.

Nagkatinginan kami ni Krystal at sabay nagtawanan. Pinunasan rin namin ang mga luha namin.

"Ano ba yan, lagi niyo na lang ako pinapaiyak." biro ni Krystal habang pinupunasan ang ilalim ng mata niya.

Ginulo naman ni kuya ang buhok niya.

"Last na 'to, baby girl. Next time, tears of joy naman." nakangiting sabi ni kuya at inakbayan kaming dalawa ni Krystal.

"Teka kuya, si Yannie pala naghihintay sa baba!" biglang sabi ni Krystal.

"Ha? Saglit!" nagmamadaling bumaba si kuya.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Krystal.

"Basta Yannie talaga e, mas mabilis pa yun kay flash." natatawa niyang sabi.

Krystal.

Nakangiti akong bumaba ng hagdan. First time ko ata na ngumiti ng ganito after everything na nangyari. And it actually feels good na wala ka ng sama ng loob na dinadala kada gising mo. Wala ka ng iniisip na worries, na puot sa kaloob-looban mo. For the first time, hindi na ako thug life. Enjoy life na ako ngayon.

"Good morning! Tara kain!" bati ni Jessica na nasa sala at hinila ako papuntang dining. Grabe, sobrang dami ng pagkain. Si mommy nakasuot pa ng apron at naglalapag ng omelet sa mesa. Napatingin siya sakin sabay ngiti.

"Good morning! Kain na tayo." bati ni mommy.

Napatingin ako kay dad na umiinom ng kape habang tutok na tutok sa newspaper niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sakanya kaya inangat niya ang kanyang tingin.

Ngumiti siya sakin.

"Good morning." bati niya. Ngumiti na lang ako.

Umupo ako sa tabi ni Jessica.

"Teka, asan nga pala si kuya?" tanong ko.

"Ah, hinatid pa si Yannie---" biglang may pumasok sa kusina. "O, andyan na pala siya."

"Tara kuya, kain na tayo!" nakangiting sabi ni Jessica at umupo na si kuya sa tabi ko.

Nagpray muna kami ng sabay bago kami kumain.

"Mommy, babalik po kayo ng States?" tanong ko.

I was actually hoping na she'd answer no, mas gusto ko na dito na lang kami magkakasama. Mas gusto ko pang matagal silang makasama.

"Yes," nakangiting sagot ni mommy. Bigla akong nalungkot. Iiwan na naman nila ako dito. "Actually, tayong lahat pupunta ng States. Diba sabi namin sayo na babawi kami?"

Napaawang ang bibig ko. Pupunta kami ng States? For real?

"Mom?" nagsalita bigla si kuya Jin. Napatingin ako sakanya. Naisip ko kaagad si Yannie. Kung pupunta kami ng States, pano na siya? Ang tropang bts?

Eh pano si... Jungkook?

"Don't worry, kasama natin si Yannie. Pumayag na din naman parents niya since nagpaplano na din sila na magsettle dun, inaayos lang nila ang business nila dito." paliwanag ni mommy.

Napatingin si Jessica sakin, tingin na parang nag-aalala. Tumango na lang ako at ngumiti ng alinlangan.

Is leaving really the best choice for now?

Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora