30- Confrontation ❤️

400 17 0
                                    

30.

Confrontation

KRYSTAL's POV

Isang linggo na din akong kinukulit at nililigawan nung dalawang itlog, isang alien at isang malaki ilong. Hutaengina, alam ko namang maganda ako ng super pero tama bang pag-agawan ako? Take note ha, dalawang itlog pa! Shet na buhay to.

Wala silang ibang ginawa kundi magpadala ng bulaklak at chocolates dito sa bahay. Ampota mahal na mahal ko ang chocolates pero ayaw ko namang magkadiabetes dahil sa araw-araw kong pagkain non! No thanks na lang uy! Ito ngang kwarto ko punong-puno ng bulaklak, shet talaga. Ginawa pang flower shop tong kwarto ko, hindi na nahiya! Buti nga at di pa nila naisipang magpadala ng bulaklak pampatay, mga bobo pa naman yun! Tsk!

Nakakainis lang! Grr! Kung ibang babae to siguro tuwang-tuwa na tas sasagutin agad nanliligaw sakanya, pwes ibahin niyo ko! Naiirita ako sa mga bulaklak! Ayoko namang itapon na lang dahil baka may makakita pa neto sa basurahan at baka usisain ako bigla. Pota hirap ng buhay kong to. Kung patigilin ko na lang kaya sila?

"ARAAAAAY!" Napahiyaw ako ng may mangbatok sakin. Ampucha, mambatok man daw ba ng biglaan? Inosente ako ha! Wala akong ginawa kundi patayin sa isip ko yung dalawang itlog na manliligaw! Yuck, manliligaw. Kadiri.

"Alam ko na yang mukha mong yan, Krystal. Wag na wag mong subukan yang iniisip mo, kundi mapapatay talaga kita." pagbabanta ni Yannie sakin at dinuro ako sabay sama ng tingin. Napangiwi naman ako at inirapan siya.

"Yannie naman eh! Sirang-sira na buhay ko oh! Tahimik lang naman buhay ko, wala naman akong ibang inaalala kundi pagkain tas biglang ngayon ginugulo na nung dalawang itlog isip ko tas-----" natigil ako sa pagsasalita ng tinakpan ni Yannie ang bibig ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Shut up ka nga, dami mong reklamo sa buhay mo. Pasalamat ka nga't nililigawan ka ng isang Kim Taehyung at isang Jeon Jungkook eh! Alam ko bang ilang babae ang nangangarap na ligawan ng dalawang itlog na sinasabi mo?!" Panenermon sakin ni Yannie. Edi wow, ayan na naman siya. Yannieger. Yannie + Nagger. Shet parang Yannie nigger. Pfft. Huehuehue

Tinanggal ko naman pagkakatakip ni Yannie sa bibig ko. "Puta, baho ng kamay mo. Naghuhugas ka ba? Gumagamit ka ba ng sabon?"

"Gago." sabi niya at tinulak ng malakas ng ulo ko kaya napahiga ako sa ginawa nya.

"Aray!" daing ko. Walanghiya talaga si Yannie, grr! YANNIE KIM PAPATAYIN KITAAAAA! Sa utak ko nga lang hehe. Pero kahit na. Sa utak ko ko tinadtad ko na siya gamit ang butcher knife. Tinanggal ko na ang mata niya gamit ang pliers. Oo kayang tanggalin ng pliers ang mata kaya shut up ka na lang. Kinuha ko na lahat ng booger nya sa ilong gamit ang isang barbecue stick, pati mga tutuli nya sa tenga. Atleast nalinis man lang siya nung patay na siya. Hehe.

KADIRI PUTANGINA

"Wag mo nga ko titigan ng ganyan" sabi ni Yannie at umayos ng upo saka nagpatuloy sa pagbabasa ng libro. Napaayos naman ako ng upo at tiningnan lalo ng masama si Yannie. Pinapatay ko si Yannie sa iba't-ibang paraan sa utak ko, kaya shut up ka na lang.

"Oh, bat ganyan ka makatingin sa isa dyan?" Bungad na tanong ni Ashley pagkadating nila ni Faye. Himala walang nakabuntot na pandak na walang jams kay Faye ngayon, kundi madadagdagan ang mga papatayin ko sa isip ko.

"Asan yung asong walang jams mo Faye?" tanong ko. Tinaasan nya ako ng kilay at napatingin naman sakin si Ashley.

"Wala namang aso si Faye?" sambit ni Ashley. Tiningnan ko naman siya with a bitch face.

"Bobo, si Park Jimin na jamless kid ang ibig kong sabihin." sabi ko sabay irap.

"Ah, yun pala." Sabi naman ni Ashley kaya binalingan ko ng tingin si Faye. Mukhang malungkot ang gaga, siguro wala ang jamless kid nyang tinuturuan nyang magkaroon ng jams. Edi wowszxc.

Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)Where stories live. Discover now