34- Tears are falling ❤

417 14 0
                                    

34.

Tears are falling

(P.S, listen to the song. Kahit na alam kong popular yan siya at maybe alam niyo na, pero it really suits this chapter/ Krystal's feelings.)

Krystal.

Napakapit ako sa laylayan ng damit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. May nakahuli na sakin, at baka maging epic fail na talaga yung plano. Nanatili lang akong nakatayo, di gumagalaw at nakatulala sa pader ng kwarto ko.

"Krystal? Ikaw ba 'yan?"

Napalunok ako. Ano ng gagawin ko? Alangan namang tumakbo ako, eh di ko pa nakukuha passport ko. What am I gonna do?

"Sobrang tagal ka naming hinintay na bumalik. Every night dito na nakakatulog si mommy, iniintay ka niya. Lahat kami dito nalungkot, Krystal. Lahat kami dito nagsisisi." sambit pa niya.

Nagbabadya ng tumulo ang mga luha ko pero kinagat ko ang labi ko, nagbabaka sakaling mapigilan ang mga ito.

"Kung panaginip man lang 'to, sasabihin ko pa rin sayo yung mga gusto kong sabihin. Im sorry, Krystal. Kahit saang anggulo tingnan, alam kong mali ako. Nagpakaselfish ako, hindi ko man lang naisip ang nararamdaman mo. Tama si Yannie, I don't have the right to be insecure kasi in the first place, na sakin naman na lahat ang gusto ko. Im sorry. Sana dumating yung araw na mapatawad mo ako, kami, at bumalik ka na dito ng tuluyan." naiiyak niyang sabi. Pinilit ko ang sarili ko na wag humarap. Kasi tumulo na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Krystal, sana bumalik ka na."

Lalo lang ako nanigas nung biglang dumilat ng paunti-unti ang mga mata ni mommy. Dahan-dahan siyang bumangon at kinusot ang kanyang mata, saka siya napatingin sakin. Napaatras ako.

"J-jessica? K-krystal?" tanong niya at napahikab. Nilapag niya ang picture frame na yakap-yakap niya sa kama. Tumayo siya at naglakad papalapit sakin.

Ako naman, mukhang tanga na atras pa rin ng atras.

Ayoko munang marinig ang sasabihin nila ngayon. Ayokong bumigay. Dahil di ko yata kakayanin ang lahat ng 'to ngayon.

"K-krystal? Baby?" halos paiyak ng sabi ni mommy habang naglalakad papalapit sakin. Umaatras pa rin ako hanggang sa maramdaman ko na sa likod ko si Jessica.

"Mag-usap kayo ni mommy, Krystal. Gigisingin ko lang sina kuya." sabi ni Jessica at narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Baby.." sabi ni mommy at umiiyak na niyakap ako. Nanatili lang akong nanigas, at di man lang gumalaw. Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko.

"Sorry, anak. Im sorry kung nagkulang kami sayo." naiiyak niyang sabi habang yakap-yakap ako ng mahigpit. Hindi ako umimik.

Aminin ko man o hindi, nakakamiss din pala ang yakap ng isang ina. Her arms were the safest, making me feel comfortable. Bata pa lang siguro ako nung huli kong naramdaman na mahal nila ako. Nung huli silang nagkaroon ng pakialam sakin.

"Sorry kung di namin pinaramdam sayo na mahalaga ka, na mahal ka namin. Im sorry kung di ka namin nabigyan ng sapat na atensyon. Sorry kung wala kami sa oras na kinailangan mo kami. Sorry kung di ka namin nasabayan lumaki." umiiyak pa niyang sabi.

Kahit gaano pala kalaki ang galit mo sa pamilya mo, isang sorry lang nila mapapatawad mo na agad sila. Siguro ganun talaga. Pamilya eh.

Kahit na sobrang dami kong gustong isumbat o sabihin, parang natuyo ang lalamunan ko at di ko magawang magsalita. Hindi ako umiimik, hanggang sa napansin ko na lang na kusang gumagalaw ang mga kamay ko at niyakap pabalik ang mommy ko.

Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)Where stories live. Discover now