24- She's back ♥

469 14 0
                                    

24.

She's back

KRYSTAL's POV

"Huy Krystal magkwento ka naman, ano na nangyari sainyo ni Taehyung?" Kinikilig na tanong ni Yannie. Ewww.

"Wala." sagot ko. Eh wala naman talaga, sinabi niya lang na gusto niya ako tas wala na.

"Ano?! Wala?!" reklamo niya sakin. Tiningnan ko siya ng masama.

"Ano ba ang dapat na mangyari ha?" sabi ko at tinaas baba ang kilay ko. Ngumiti naman siya ng nakakaloko.

"Hindi ba siya nanliligaw sayo?"

"HA?!" Napatayo ako bigla sa tanong niya. Tangina, anong ligaw-ligaw?! Ayaw que nga, strict parents ko hihi. Oke joke. -______-

"Hindi ka niya nililigawan?" takang tanong niya.

"Hindi! Required ba talaga paggusto mo ang isang tao liligawan mo siya agad?" sabi ko sakanya.

"Hay, wala ka pa talagang alam sa mga ganyan. Tsk tsk." sabi niya at umiling-iling. Tang na juice, ano problema ng babaeng to? Anong wala pa akong alam sa ganyan?

Baka sa kalandian. Hay, yung taong hipon maraming alam. Haha, wawa talaga. Nahiponzoned eh. Tangina.

"Asan nga pala sina Faye at Ash?" tanong ko at humikab. Nasa tambayan kaming dalawa ngayon ng Tropang Budots este BTS.

"Nasa cafeteria. Pinabili ko ng pagkain," pagmamalaki niya sakin. Aba tanginang to ah, ginawa pang utusan sina Fayelee.

"Ayos ka rin ah, kaninong reyna kang anak?" sarkastikong sabi ko. Tinawanan niya lang ako.

"Queen Elizabeth, beetch." sabi niya at nagflip hair. Ayun, tumama yung ilang hibla ng buhok niya sa mukha ko.

"Tangina andami mong split ends Yannie" sabi ko sakanya. Napahawak naman agad siya sa buhok niya

"Talaga? Madami?" gulat na tanong niya.

"Malay ko ba, di ko nga alam kung ano yung split ends eh."

"Gaga"

"Uy, andito pala kayo!"

Biglang sumulpot ang taong gilagid. Sino pa ba, edi si Suga. Nah, katamad ng tawagin silang oppa. Haha, bait kong bata 'no?

"AH hindi, picture frame lang namin 'to." pambabara ko.

"AH ganun ba, bakit kayo nagsasalita?"

"Omygod you no fun, no fun Suga. Ang bobo mo" biglang dumating si Hoseok.

"Nagsalita ang balikdictorian!" sarkastikong sabi ni Suga.

"Edi wow. Asan si Jin oppa?" tanong ko. Oh ha, kay Jin oppa lang ako nagkukuya. Bleeh.

"Nasa puso ni Yannie."

"Tangina, pano siya nagkasya dun?"

"Bobo!" sigaw ko at binatukan si Hoseok. Aish, bakit ba puro bobo tong kasama namin ni Yannie.

"Nakakahiya sayo eh, ang talino mo kasi." sarkastikong sabi ni Hoseok sakin.

"Oo, ganun talaga." sabi ko at inirapan siya.

"KRYSTAAAAALLLL!" Napatingin kaming apat sa sumigaw.

"Hay. Ayan na naman sila." bulong ni Yannie. Pfft.

"KRYSTALL- putangina mo Jimin lumayo ka nga sakin!"

Magkasama na naman sina Jimin at Fayelee. Pfft. Hay, tingin ko talaga crush nyang si Jimin si Faye eh. Pano kaya nuh?

Courting Jeon Jungkook (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin