Journey 4

6 2 0
                                    

Jersey Fujinami.


"Jersey Fujinami. 22 years old. Major in blablabla." Lutang akong nakikinig kay Regan na parang robot kung umasta. Magbabasa na nga lang hindi pa ginawang kawili-wili.

Pagpalain ng dyos -u-

"Hey." Pinalagitik niya ang kanyang daliri sa harap ko. "Did you hear me?"

Tumango ako ng walang oras. "You'll be working there for 2-3 months to earn their trust and ways. Then, in the middle of the process, I'll show up."

"Mkay. Teka, ginamit niyo real name ko?"

"Obviously." Pinaikot niya ang kanyang mata. "For your transformation. Hunter said that you'll go to Rodriguez' for your hair and makeup."

Tamad akong napatingin sa kanya. "Ngayon na?"

"Yep."

"As in ngayon na ngayon? Di ba pwedeng bukas?"

"I told you, 'ngayon', hindi 'bukas' so get your ass up and change, woman." Ang slang ng tagalog niya. Jume-James Reid ang peg. Gwapo niya rin yiiee.

Tamad akong lumakad papuntang kwarto ko pero bago magbihis ay humiga muna ako sa kama.

"Gagong Hunter. Alam niya namang ayaw kong lumakad tuwing Linggo. Nagsasadya ang gago. Gago."

Maya-maya ay lumakad na ako kahit labag sa loob. Naligo, nagbihis at pinaharot ang sasakyan papuntang mall. Muntik na nga akong mabangga dahil sa katamaran kong magdrive ngayon.

Pagdating ko doon hinanap ko yung mahiwagang parlor at pinasok.

"Oh, hija! Omayghad bestie! Nandito na siya oh. Totoo nga ang sinabi ni Blithe, sumo-snow white ang balat oh. Taray!"

Awkward akong napangiti habang hinahawakan nila yung kamay at mukha ko.

Pero teka, sinabi talaga ni Hunter yun? Yiee, malanding lalaki. Sakalin ko yun mamaya.

"Halika dito, Daliii! Eksayted na ako sa pagme-make up mo oh!" Mabilis niyang tinuturo yung upuan at yung isa naman tinutulak ako.

Really? Mas excited pa sila kesa sakin.

Sinimulan nila akong ayusin. Ako naman pumikit nalang sa di maintindihang ginagawa nula. Natatakot rin akong matusok yung mata ko sa mga daliri nila.

Matapos ang ilang oras (nakatulog ako). Ay natapos na rin nila akong ayusan. Pinasuot pa nila ako ng business attire (kahit di pa magsisimula ang trabaho) pero di ko pa nakikita ang buong mukha at kalabasan ng ginawa nila sakin.

"Ohh ehm geee! Ang gara ng pag-makeup mo bakla! Nagmature yung mukha niya. Galeeng!"

"Bagay din yung fashion mo sa make up ko! Bestie talaga tayo ih!"

Tumalon talon sila habang hawak ang kamay ng isa't isa. Naging excited tuloy ako at napanguso kasi ayaw nilang ipalabas ako sa cubicle na walang salamin.

"Pwede na ba? Sige na pleease?"

"Hindi daw pwede hangga't di pa nakikita si Blithe Prince charming mo."

"Asa siya maging prince charming ko. Mukhang palaka nga iyon, tas prince charming? No chance."

Napairap ako at napanguso. Ang tagal naman ng mangangasong iyon.

Naka-cross arms at de quatro ako habang naghihintay sa kanya sa maliit na cubicle habang yung dalawang bakla ay nasa labas at binabantayan ako.

Aghh, gusto ko nang makita yung sarili ko! Lalo na't medyo kinulot nila ito sa dulo.

"Asan siya?" Hingal na tanong ni Blithe. Si Blithe at Hunter ay iisa nga pala.

'Hunter' yung codename niya tuwing nagnanakaw kami. 'Blithe' yung totoong name niya.

Malakas kong sinipa ang pintuan ng cubicle at sinugod siya. Yung dalawang bakla naman humagikhik pa.

"Hoy ikaw! Plano mo bang patayin ako sa loob? Tagal tagal mo pang dumating!" Huminahon ako ng nakita kong may shake at french fries siyang dala.

Linabas ko yung palad ko at ngumuso. "Penge."

Lumaki yung mata niya at maya-maya ay ngumisi.

"Kiss mo muna ako." Sabi niya sabay nguso at linayo yung pagkain.

Tinulak ko naman mukha niya at agad kinuha ang pagkain. "Si Regan nalang i-kiss mo. Wala din namang pake yun."

Inakbayan niya ako kaya nalaglag yung isang french fries, "Tara na nga. Baka mamaya maging lalaki yang dalawang bakla kakatitig sayo."

"Ano bang meron sakin?" Litong tanong ko pero maya-maya ay naalala kong inayusan pala nila ako.

Pero mamaya nalang, nagugutom pa ako -u-

"Ang ganda mo ngayon. Mas na-mature yung mukha." Napatingin ako kay Hunter.

Natigilan ako sa sinabi niya. Napa-isip din ako kung bakit ako nandito at dahil yun sa isang fake bio. Kailan ko kaya ulit magagamit ang totoo kong pangalan?

"Aba, naghalikan kayo ni Regan noh?"

"Ulol! Minsan na nga lang nagko-komplement. Tsk." Ngumuso ito habang nakakunot ang noo.

Nginitian ko siya, "Thanks. I'm Jersey Fujinami by the way." Tumigil kami sa paglakad. "Ikaw, what's your name?"

"Nagaga kana ba?"

"Sumabay ka na lang, kako!"

A Thief's JourneyWhere stories live. Discover now