Journey 3

6 2 0
                                    

Three Idiots.

Bullet's P.O.V.


"BUUUUUUURRRRRP!"

Napangiwi ako sa ginawa ni Hunter, "Ewww! Ang baho ng hininga mo! Galing ka bang uminom sa Ilog Pasig?"

Nagde-quatro lamang ito at inirapan ako. Bakla, pwe! "Hoy ka! Banal na hininga to! Wag kang ano jan."

"Banal daw." Napanguso ako. "Anong nakakabanal sa kanya Reg? Mukha palang parang si Satanas na."

Tumawa ako ng malakas dahilan para batukan ulit ako ni Hunter. Aray! Porke't ba matalino ako binabatuk-batukan lang ako? Tinaliman ko lamang ito ng tingin.

"Hunter, don't stoop down to her level." Sabi ni Regan.

Binelatan ko naman si Hunter, "Bleh, yan kasi. Ano nga yong sentence na yun?" Nagkunwaring nag-iisip ako ng maigi. "Ayy oo!" Tinuro ko si Hunter habang nakangisi. "Know your place! Isang bala ka lang!"

"Itapon kita sa labas dyan eh." Irap niya sakin. Kakainin niya sana yung cake pero natigilan siya. "Wag nalang, mabigat ka pa naman. Elepante."

"Butiki." Binelatan ko siya sabay taas ng tinidor sa dieksyon niya.

"Abnormal."

"Walang abs."

"Pandak."

"Pango."

"Hoy! Mataas ilong ko!" Reklamo niya sabay hawak sa ilong niya.

"Mataas pa sa eherm mo? AHahahah." Binatukan niya ako.

"Aray!"

Pero nung tumingin ako sa gilid si Regan pala ang bumatok sakin.

"Don't say things a woman shouldn't say."

"Hindi yan woman Regan. Wag kang bulag." Singit ni Hunter.

"Tama Reg. Dyosa ako! Di ko inakalang maging matalino si Hunter ni isang araw." Taas-noo kong halakhak.

"Wag kang assuming. Di ka dyosa. Elepante ka!" Deny noong denial na epal.

"Magandang elepante! Marunong kang maglagay ng adjective!"

"Hindi ka naman karapat-"

"Would you two please stop quarelling nonsense!" Napasigaw si Regan kaya natahimik si Hunter.

Binelatan ko naman agad siya at umirap. Akala niya huh!

"By the way," Tumahimik kami ni Hunter at seryosong nakinig. Yan palagi yung linya ni Regan pag may gagawin ulit kami.

"I've found something interesting. Which is why, Hunt. I need you to make some fake Bio for Bullet."

Tumango-tango naman si Hunter. "Then, send it to Ashford's Companies."

"Bullet I want you to go to the gymn starting tomorrow until next week. You need to shape up."

"Huh?" Lito akong tumango. Para saan ba at mag-gym pa ako? Sakto lang naman ang katawan ko.

"Elepante kase." Bulong ni Regan na sadyang iparinig sakin.

"Atleast may ipagmamalaki, ikaw meron ba?"

"Bakit, nakita mo na ba?"

"Oo no! Noong lasing kang umiihi tas naramdaman mong nasa likod ako kaya bumaling ka sakin. Umiiyak nga akong tumatawa kinaumagahan-"

"Gabi yun kaya hindi mo makita ng maayos!"

"U-huuuh?"

"Aba-"

"Hunter." Banta ni Regan.

Napa-buntong hininga si Hunter at tumayo. "Tara na, inaantok na ako."

Nagsimula na siyang maglakad kaya tumayo narin kami ni Regan. Noong nasa labas na kami ay nainitan ako bigla. Di kaya ang init sa kwarto ngayon? Napangisi ako nang may naisip.

"Hunteeer~ mage-aircon ka?" Tumakbo ako palapit sa kanya.

Tinaasan naman niya ako ng kilay, "Ha? Palagi naman akong nage-aircon."

"Ehe, patabi nga? Please? Ang init na kasi sa kwarto ko. Gi na?" Pa-cute ko sakanya. Gumana sana pagpacute ko. Sheet.

"Inaway mo ako kanina tas hihingi ka ng pabor ngayon? Yoko nga."

Tumigil ako sa paglalakad at yinugyog ang balikat niya, "Sige na. Sorry na kanina! Hindi totoo yung mga sinabi ko."

"Tsk tsk tsk." Narinig kong sabi ni Regan. "Just like a kid."

"Sige na nga! Basta tanday kita mamaya ha!"

"Sige lang! Sisipain naman kita sa mukha kaya walang problema!"

Inakbayan niya ako at ginulo-gulo ang buhok ko. Ako naman panay tulak sa kanya.

"Ang cute ng bangs mo! Kaya gumagana mga pacute mo eh. Pakalbo ka nga!"

"Si Regan nalang wag ako."

"I'm fine the way I am."

"Nah, I think na kailangan mo ng haircut Reg."

"Oo nga Reg! Parang may alaga kana yata sa kapal ng buhok mo."

Si Regan naman ang inaasar namin. Pero di man lang siya kumibo at umiling lang at ngumiti ng konti.

Robot talaga -.-

"Pwede bang Bullet Dyosa ang pangalan ko?"

"Di bagay. Parang kayo ni Jeremiah."

"It's like combining heaven and hell."

"Ewan ko sa inyo!" Ngumuso ako. 

"Kakalbuhin ko talaga kayong dalawa mamaya habang tulog kayo."

A Thief's JourneyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon