Journey 1

15 2 0
                                    

The Thieves.

Third Person's P.O.V.


"Wow, your cooking is good."

"Well of course! I'm always good at anything." Sabi ng babaeng walang ka-alam alam na isa sa mga professional na magnanakaw ang kasama, si Regan.

"Pfft! Nakakatawa yang kabit mo Regan!" Tawang baboy ni Bullet mula sa comms(parang mini-bluetooth headset). "Ipa-try mo dawng magjumping jacks siya nang hindi tumatalon."

May tumawa ulit sa kabilang linya, ang isa din sa magnanakaw na si Hunter, "Tumahimik ka Bullet. Baka tumawa yan at mabuking tayo."

"Tumawa? Para nga yang robot na hindi nagpapakita ng emosyon, maliban nalang pag trabaho ang pinag-uusapan"

"Are you also good.." Linapitan ng binata ang babae at mabilisang hinalikan sa labi at may binulong. ".. in bed?"

"Kaazar. Naiihi ako sa kilig Hunter! Pwede bang time-out muna?" Humagikhik si Bullet pero hindi lang siya pinansin ng kasamahan.

Tumawa ng mataas na tono ang babae, napangiwi naman si Bullet at Hunter dahil sa static nito.

"Tangina." Napapikit si Hunter sa irita.

"Do you want to try it?" Mapang-akit na tanong ng babae.

"Free tester daw Regan. Minsan lang yan!"

Hindi nakasagot ang binata dahil sinunggaban siya ng halik ng babae.

'Tsk, damn it!' Isip-isip ni Regan.

Habang naghahalik sila ay hina-hack naman ni Hunter ang security system ng bahay. Hindi namalayan ng babae na pumupula na pala ang singsing niya na ibig sabihin ay may gumagalaw sa security system ng bahay.

Ang asawa kasi ng babae ay isang mayaman na matanda. Pero nasa isang business trip ang matanda kaya perfect chance ito ng mga magnanakaw.

Isang gold-digger lang ang babae at ginamit ng mga professional na magnanakaw ang chance na iyon para nakawin ang isang malaking diyamante na singsing. Ginamit nila si Regan na ipa-inlove ang babae.

"Oi Hunter? Kailan pa ba ako papasok? Naiihi na talaga ako huhuhu." Pagrereklamo ni Bullet. Napairap lamang si Hunter sa inaasal nito.

Sa paghahalik naman ng dalawa ay pinutol ni Regan. "Won't it be thrilling if you put something...more interesting?"

"Ipa-suot mo ng condom sa ulo niya Regan! Balita ko uso yun ngayon. Condom challenge ata yung tawag."

Tumatawa si Hunter habang si Regan naman ay napangisi pero hindi pinansin ng babae dahil mas naintriga ito sa sinabi ni Regan.

"You'll be surprised." Aniya at pumasok sa banyo.

"You're both so noisy." Napa-buntong hininga lamang si Regan nang nakapasok na ang babae sa banyo. "Are you done Hunter? She kiss so desperate, my lips hurt." Hinilot-hilot nito ang sentido.

Mga ilang segundo muna lumipas bago sumagot ito. "Aaand... done. We've got 15 minutes." Sabi ni Hunter. "Bullet, I choose you!"

"Who's dat pokemoooon?"

Pinutok ni Bullet ang baril na tali ang laman. Naka-abot naman ito hanggang bakod ng bahay.

"Be careful. Dobermans are roaming around." Babala ni Regan kay Bullet.

"Wag kang ma-alala! May dala akong buto para itapon sa kanila."

Napa-iling nalang ang dalawang binata sa sinabi ni Bullet.

A Thief's JourneyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant