"Nah. Wala 'yon. Para sa 'yo, a-- Devin." Anito. Sandaling tila natuliro ito at nawala sa sarili. Hindi niya inaasahan iyon. Parang may sasabihin ito dapat na hindi natuloy na hind niya dapat malaman kung ano.
"May sasabihin po ba kayo sa 'kin?" Nakangiti niyang tanong. Binalewala niya ang reaksyon nito.
"Wa... Meron pala. Sa tingin ko hindi ito ang tamang pagkakataon para doon."
Tumango siya. "Okay po. May kasunod naman yata ito, eh. Siyempre pagkain na lang wala na ang mga ito." Aniya. Sabay taas sa mga hawak.
Natawa ito. "Oo. Sige. Puntahan mo na ang dapat mong puntahan, Devin."
"Opo. Sige po. Mauna na po ako, Tito."
Kumaway siya rito na ginantihan naman nito. Pupuntahan niya si Hyde sa isang fastfood chain. Doon nila napagdesisyunan na magkita. Tiyak niya na kanina pa ito naghihintay sa kanya. O baka naman siya ang maghihintay dito. Well. Wala naman kaso kung sino ang mauna basta tutupad sila sa usapan ng isa't-isa.
NASA loob lang ng kanilang bahay maghapon si Hyde nang magyaya at magdesisyon silang dalawa ni Devin na magkita sa isang fastfood chain. Siyempre agad naman siyang pumayag dahil gusto niya itong makita. Nakagayak na siya. Tinitingnan niya ang cellphone para sa text ni Devin nang pumasok ang kakambal niya sa kanilang kwarto.
"Kanina ka pa yata nakatingin sa cellphone mo. Kahit na anong gawin mo dyan, hindi lalabas si Devin dyan."
Napasimangot siya saka bumaling dito. Nakangisi ang loko.
"Makapanira ka ng mood. Wagas. 'Wag ka ngang pakialamero, Clyde."
"Saan ka pupunta?" Puna naman nito ngayon sa suot niya.
"Lalabas."
"Gayak na gayak, ah."
"Paki mo na naman."
"Highblood ka." Anito.
"Nang-aasar ka eh."
"Asar ka lang kasi."
"Sa 'yo lang kasi sobra kang mapang-asar."
"Grabe ka sa 'kin."
Nang tumunog ang cellphone niya, tumayo na siya saka iniwan ang kapatid na nakaawang ang bibig sa kanya. Lihim na lang siyang nangiti sa reaksyon nito. Hindi nito inaasahan kasi ang pang-iiwan niya rito.
MALAWAK ANG ngiting nasa labi ni Devin nang makita si Hyde na naglalakad papunta sa kinauupuan niya. Nasa loob sila ng fastfood chain na napag-usapan nilang magkikita. Nauna lang siya rito ng limang minuto. Sa totoo lang, masasabi ni Devin na biglaan lamang iyon dahil ngayon lamang siya nagkaroon ng oras para dito. Kanina kasi ay kasama niya si Tito Joaquin at ipinag-shopping nga siya. Sa tingin niya nga kanina ay hindi na ito matutuloy dahil doon. Mabuti na lang at hindi. Nakapagpaalam naman siya nang maayos kay Tito Joaquin at pareho silang masaya na naghiwalay nito. Kaya nga ito na siya. Ang akala niya nga ay mas mauuna pa si Hyde sa kanya pero mas nauna pa siya rito.
"Hyde," aniya. Tumayo pa siya para makasalubong ito.
Maluwang ang pagkakangiti ni Hyde. "Kumusta ka na Devin?"
"Okay na ako kanina pero mas naging okay pa nang makita kita." Sabi niya. With matching pacute.
Napailing lang ito saka umupo. Nang makaupo ito ay umupo na rin siya.
"'Buti hindi ako nakaabala sa 'yo. Pasensya na kung biglaan ito," aniya. Napakamot siya sa tungki ng ilong. Aaminin ni Devin na may hiya siyang nadarama sa biglaan na pagyayaya niya rito ng date. Kanina lang naman kasi ito at biglaan talaga.
"Hindi ka abala, Devin. Natutuwa nga ako na naisingit mo ako kahit na abala ka sa ginagawa mo, eh."
Ngumiti siya saka hinawakan ang kamay nito na nakapatong sa mesa. Gumanti naman ito ng ngiti.
"Kain na tayo."
"Okay." Pagsang-ayon niya. "I'm happy being with you, Hyde."
"Masaya rin ako," anito.
"Kumusta na?" Tanong niya. Sa paaran ng pagkakatanong niya ay parang hindi sila nagpapalitan ng mensahe at nagtatawagan. Well. Dahil long weekend ay medyo matagal naman na silang hindi nito nagkita. Iba rin naman kapag kasama niya ito at nahahawakan.
"Okay naman. Medyo abala rin sa school. Kailangang magsunog ng kilay. Mahirap ng mabagsak sa mga major o minor man. Kailangan ko ring kompletuhin ang ilan sa mga projects sa bahay. Eh ikaw? Kumusta naman?"
"Busy. Hindi lang sa school pati sa labas ng school. Ang hirap din na maging working student. Kailangan kong ipagkasya ang oras ko sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Pero infairness sa akin, Hyde. Nagawa ko pang mag-goodtime." Pagpapatawa niya.
Hindi iyon kumagat.
Nagulat siya ng haplusin ni Hyde ang kanyang mukha gamit ang malaya nitong kamay. Devin's heart fluttered. Pakiramdam niya ay mawawala iyon sa kinalalagyan sa simpleng bagay na ginawa ng lalaking mahal niya. He also saw concern in his eyes.
"Alagaan mo ang sarili mo, Devin."
Hinawakan niya ang kamay nitong nasa pisngi niya saka hinalikan.
"Para sa 'yo aalagaan ko ang sarili ko."
Umiling ito. "Hindi para sa akin, para sa sarili mo, Devin pati sa pamilya mo."
"Okay." Aniya. "Ngunit isa ka sa mga inspirasyon ko para magpursige pang lalo."
"Nakakatuwa na marinig 'yan mula sa 'yo, Devin."
"Dahil totoo 'yon. Importante ka sa 'kin, mahal kita, eh."
"Alam ko. At alam mo naman na mah.."
Pinigilan niya ito sa pagsasalita sa pamamagitan ng pamamatlang dito. "Alam ko ang sasabihin mo, Hyde, pero 'wag muna ngayon. Gusto kong paghandaan ang pagsagot mo sa 'kin."
Magsasalita pa sana ito ngunit marahan siyang umiling. "I'm serious about this, Hyde. Nadadama ko naman ang pagmamahal mo sa 'kin. At maghihintay ako na umabot ang tamang oras. Iyong maganda at magiging memorable sa ating dalawa. Iyong makakapag-focus ako sa 'yo."
"Pero.. Devin.." bumuntung-hininga ito. "Ikaw ang bahala. Pero alam mo ang nararamdaman ko. Matagal na ang dalawang buwan at mahigit na panliligaw mo sa 'kin. Gusto ko ng i-level up ang relasyon nito. I love you. Mahal kita at officially, gusto na kitang maging boyfriend."
Hindi napigilan ni Devin na maiyak sa sinabi ni Hyde. "I love you rin pero..."
"No buts, Devin. Mahal mo ako, mahal kita. Pareho nating mahal ang isa't-isa kaya kahit hindi maging grand ang pagsagot ko sa 'yo, okay lang. Ang sabi mo nga, ikaw at ako ang mahalaga. Tayong dalawa ang mahalaga. Saka alam ko na matagal mo na itong gusto na marinig sa 'kin. The long wait is over. Tayo na. Officially."
Tumayo siya mula sa kinauupuan saka lumipat sa tabi nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. "I love you, Hyde. I'm always willing to be your partner. And officially, tayo na."
Gumanti naman ito ng yakap. "Yeah. Officially, tayo na."
"Salamat."
KUNG ITO ang pagbabagong nadarama ni Devin mula nang magising siya kaninang umaga ay labis siyang nagpapasaya. Gusto pa niya nga sanang grand ang maging setting nila pero tama si Hyde. Unexpected ito pero... siya na ang masayang-masaya. Parang gusto niyang tumalon sa sobrang kasiyahan at kagalakan. Mas hinigpitan niya ang pagkakayakap kay Hyde. Namasa ang luha niya sa labis na nararamdaman sa pagsagot nito sa kanya. Sapat na ang mahigpit na yakap kahit walang salita basta nagkakainitindihan ang puso nilang dalawa.
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Six (Part 2)
Start from the beginning
