Chapter Twenty-Six (Part 1)

Start from the beginning
                                        

Nasa paanan na siya ng hagdan, paakyat doon ng muli na naman siyang mabuwal. Napasandal siya sa railings ng hagdan saka tumingala.

Ayaw man niyang umiyak ngunit hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha. Hindi siya iyakin pero ang mga luhang lumalabas ay tila dam na hindi maampat-ampat. Umiyak siya nang umiyak. Hinayaan niya ang sarili na maging emosyonal at ilabas ang sakit. Napasigaw siya

Umalis siya sa mula sa pagkakasandal sa railings saka mabagal na naglakad paakyat ng hagdan. Inabot yata siya ng kalahating oras sa pag-akyat pa lang. Tila nanantiya siya kasi. Inilalayo ang sarili sa kapahamakan.

Nasa harap na siya ng kwarto ng mga magulang nang marinig niya ang sigaw ng mommy niya. Umiiyak din ito. Lasing siya pero malinaw niyang naririnig ang salita mula sa mga ito.

"Dapat kasi sa 'tin lumaki si Devin! Alam mong kahit na hindi ko siya kadugo, mahal na mahal ko ang anak mong iyon, Joaquin. Kahit hindi siya nanggaling sa 'kin mahal na mahal ko ang anak mo." Humagulgol ang mommy niya.

Sa mga narinig. Tila nawala ang kalasingan niya. Napalunok siya. His senses suddenly in a hype.

Nagpatuloy ang mommy niya.

"Dahil kay Devin dumating sa 'tin si Jake. Natatandaan mo ba na limang taon na tayong mag-asawa pero hindi tayo mabiyayaan ng anak. Kahit na masakit sa 'kin na makita kang nakikipagmabutihan kay Dolor, dala na rin ng pag-uudyok ko at ayaw kong mawala ka sa akin, nagtiis ako. Nag-sakripisyo. Pero ang pagsasakripisyo ko, nauwi lang sa wala. Bakit ka ba kasi pumayag na kunin ni Digna si Devin at ilagay sa birth certificate ng anak mo na ang nagluwal sa kanya si Digna at ang ama..." Muling humagulgol ang mommy niya.

"Naawa ako kay Digna," tila talunang sabi ng daddy niya.

"Putang inang awa 'yan! Wala sa usapan natin na kapag nawala si Dolor ibibigay mo si Devin kay Digna. Mula nang mamatay si Dolor sa poder mo dapat mapupunta si Devin. Ikaw ang ama niya Joaquin. May karapatan ka sa kanya dahil kadugo ka niya. Hindi ka basta-basta kung sino sa buhay ng anak mo. Kung sa atin siya sana ako ang nag-aalaga sa kanya. Sana kahit na papaano tinatawag niya akong mommy."

"Patawarin mo ako."

"Hindi ka dapat humingi sa akin ng tawad." Matatag na sabi ng mommy niya. "Sa anak mong inabandona ka dapat humingi ng tawad."

"Hindi ko siya inabandona."

"Hindi? Anong tingin mo ang tawag sa ginawa mo?'

"I'm supporting him."

"Suporta? Suporta na tinanggihan ng ma-pride niyang tita!"

Nagsagutan pa ang mga ito ngunit wala na ang kanyang atesnyon sa mga ito. Lunod na siya sa kaalaman at reyalisasyon.

KAPATID NIYA SI DEVIN.

Tila mas lalong bumagsak ang enerhiya niya. Ang malungkot niyang damdamin ay mas sumidhi. Napalitan iyon ng gulat at hindi paniniwala.

Kapatid niya ang bestfriend niya. Ang kababata niya. Ang niloko niya at ipinagpalit niya para sa babaeng mahal na mahal niya.

Kapatid niya ang taong kahit kailan ay hindi niya mahihigitan.

Bumalik sa mga alaala niya ang mga sandaling kasama niya ito at mas pinapaboran ng daddy niya. Ngayon alam na niya ang dahilan sa mga aktuwasyon ng daddy niya.

Bumangon ang galit sa puso niya. Ang lihim niyang pagseselos at inggit kay Devin ay napalitan ng galit. He was always the second best, the second option and all the second when Devin is around.

Kaya magsimula ngayon tatahakin niya ang daan taliwas sa daan na tinatahak ni Devin. Simula ngayon wala na siyang kilalang Devin. Wala siyang bestfriend at higit sa lahat wala siyang kapatid.

NAGBALIK SA kasalukuyan ang lumilipad na isip ni Jake nang bumukas ang pintuan ng kwarto niya. Magkasunod na pumasok ang daddy niya at mommy niya. Makikita sa reaksyon ng daddy niya ang pagka-guilty at sorry. Ang mommy naman niya ay hilam ng luha ang mukha. Both of them were looking at him but no one dare to get near. Mukhang tinitimbang ang sitwasyon.

The look in his face was passive. It was stern.

"Kailan mo nalaman ang totoo, Jake?" Tanong ng daddy niya. Halos inulit lang nito ang tanong kanina.

"Fourteen pa lang ako, alam ko na."

"Bakit hindi mo sa 'min sinabi ng mommy mo? Bakit hindi mo kami kinausap tungkol doon? Bakit mas pinili mo na sarilinin at itago, Jake, anak?"

"What for?" He asked, sarcastically.

"Jake..." Anang mommy niya. Nag-umpisa naman itong umiyak.

"Sana napaliwanagan ka namin. Sana..."

"All my life, since na nagkamuwang ako sa mundo, you have been comparing me to Devin, dad. You have been comparing me to your first born child. N'ung umpisa sabi ko sa sarili ko, okay lang kasi talaga namang matalino si Devin sa lahat. Mapa-school man o hindi lagi siyang nag-e-excel at palagi lang akong nasa anino niya. Pero umabot ako sa point na nakakasawa na rin palang maikompara at masakit sa akin na ang sarili ko pang ama ang gumagawa noon. Na dapat sa lahat ng achievement ni Devin sa buhay niya... meron din ako. Na dapat mapantayan ko rin siya kahit papaano. I always envied Devin, dad. Naiisip ko na ako ang tunay na anak pero sa mga papuri mo kay Devin..." Napailing siya. "And then, one day I found out the truth. I felt betrayed. Kaya pala ganoon kasi anak n'yo si Devin. He was your first born child. Anong laban ko sa unang anak na matalino at nami-meet ang lahat ng expectation n'yo kahit na hindi alam ang totoo. Walang-wala ako, eh. Walang-wala."

"Tell us. Iyon ba ang dahilan kung bakit mo pinutol ang pagkakaibigan niyong dalawa?"

Sa pagitan ng pag-iyak, tumango siya. "I can't stand seeing him."

"I'm sorry Jake, anak."

Mapait na napangiti si Jake.

"I'm sorry. Hindi ko alam kung paano tayong magsisimula ulit. If you feel neglected with my actions, I'm sorry, anak. Sorry sa lahat ng comparison na ginawa ko sa 'yo at kay Devin. Naging ganoon ang attitude mo dahil sa kagagawan ko. I'm sorry."

His father was sorry. Natutuwa siya doon. Hindi na lang siya nagsalita. Umiiyak na rin ito. Sa dahan-dahan na paraan, lumapit ito sa kanya.

"Can I hug you?" Nag-aalangan na tanong nito.

Nang tumango siya saka ito kumilos at niyakap siya nang mahigpit. Mas lalo siyang naiyak sa ginawa nito. When his father hugged him, he already forgiven him.

String from the HeartWhere stories live. Discover now