Chapter Twenty-Six (Part 1)

Start from the beginning
                                        

"Ikaw Jake? Kumusta naman ang standing mo sa school n'yo?"

"Okay lang." Walang gana niyang sagot. Alam na ni Jake ang kasunod sa tanong nito... at sa mga mangyayari. Wala namang bago.

"Anong okay lang'?"

"Okay. As in okay. Nothing is new."

"Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi 'okay lang'?"

"Wala na. Basta okay lang," sagot niya na sinamahan pa niya ng pagkikibit ng balikat.

"Jake." Tawag nito sa pangalan niya. Nagtitimpi.

"Wala akong ibang sasabihn, Dad. Basta ang alam ko, ginagawa ko naman ang lahat na kaya ko. Hindi na rin ako nambu-bully tulad ng dati. Tulad ng pagkakaalam n'yo sa akin." Aniya. Maririnig ang pagiging sarkastiko.

Ngumiti ito. Nawala ang pamumula ng mukha.

"That's good to hear. Gayahin mo si Devin."

"Tapos na po ako," sabi niya. Tumayo siya mula sa kinauupuan saka nagtuloy-tuloy na lumabas ng dining room at nagtungo sa kanyang kwarto. Hindi niya pinansin ang pagtawag ng mommy niya sa kanya.

Pagkarating niya sa kanyang kwarto, binalibag niya ang pagsasara ng pintuan. Dahilan para lumikha iyon ng malakas na ingay. Ini-lock niya saka siya padapang humiga sa higaan niya. Hindi nga siya nagkamali. Kailan ba siya nagkamali sa ganoon na pag-uusap? Na ang mga achievements niya at achievements ni Devin ay ipagkokompara at sa huli ay sasabihin na gayahin niya si Devin.

Napatingin siya sa pintuan ng kwarto nang marinig ang mahinang katok kasunod ang boses ng mommy niya.

"Jake, anak, okay la lang ba?" Nag-aalalang tanong nito. "Pagpasensyahan mo na ang daddy mo. Alam mo naman na palagi iyong ganoon. Just bear with him, okay?"

"Don't worry, 'My. Okay lang po ako."

"Sigurado ka ba?"

"I'm sure, 'My. Bakit mommy? Kapag sinabi ko bang hindi ako okay, na nasasaktan ako, may magagawa kayo? Yeah. From the very start nasanay ako na ikinokompara kay Devin pero hindi ibig sabihin niyon hindi ako nasasaktan, na hindi sumasakit ang kalooban ko. Mas masakit pa na ikinokompara ako sa unang anak... sa kapatid ko." Pumiyok siya sa huling sinabi. Ngayon lang niya ito sinabi sa mga ito.

"Jake, anak, matagal mo na bang alam ang totoo?" Tanong ng Daddy niya.

"Matagal na. Matagal na matagal na."

Parang isang eksena na bumalik sa alaala niya ang nangyari noon...

BROKENHEARTED na umuwi si Jake sa kanilang bahay. Sobra siyang nasasaktan. Ginawa naman niya ang lahat para kay Chloe ngunit nagawa pa rin nitong saktan siya. Dahil sa pagmamahal niya rito ay nagawa niyang talikuran ang pagkakaibigan nila ni Devin. Alam ni Jake na nagkakamabutihan na si Chloe at si Devin ngunit gumawa pa rin siya ng paraan para makuha si Chloe dito. Ipinagpalit niya si Devin kay Chloe pero... niloko lang siya nito. Nagawa lang siya nitong sagutin, hindi dahil sa may pagtingin ito sa kanya kundi sa materyal na bagay na kaya niyang ibigay rito.

Sobrang sakit din na makita na yakap-yakap ng babae niyang mahal ang totoong lalaking mahal nito.

Nabuwal siya mula sa paglalakad. Pinagbabawalan pa siya ng kanyang magulang na uminom ngunit hindi niya iyon sinunod dahil sa kamiserablehan na nadarama niya. Ang sakit-sakit lang ng sobra na...

Napapikit siya. Nanlalabo na rin ang kanyang paningin dala ng kalasingan. Tila anumang oras ay mabubuwal siya at tuluyang lulugmok sa nilalakaran niya.

Ang akala niya kapag uminom siya ay mawawala ang sakit na ndarama niya, hindi pala. Malaking kalokohan iyon. Naaalala pa rin niya ang sakit na idinulot sa puso niya ni Chloe, sa inggit na nadarama kay Devin, sa galit sa kanyang sarili at sa panghihinayang sa pagkakaibigan nila ni Devin. Alcohol can easily ease the sadness but just temporarily because the pain will still consume you. Parang pirated na CD na paulit-ulit na magpe-play sa utak at sa puso niya ang sakit.

String from the HeartWhere stories live. Discover now