"Hayaan n'yo lang akong uminom at malasing. Wala akong pakialam sa sasabihin niyong dalawa."
"Okay! Dahil dyan! Inom pa more!" Masiglang sabi ni Rubius sabay taas sa hawak na bote ng alak. Ginaya nilang dalawa ni Dominic ang ginawa nito. They cheers and the next moment he drown his self with alcohol.
Tama si Rubius. Inom pa more hanggang sa mawala ang sakit at pansamantala kahit ngayong gabi ay mawala siya sa reyalidad. Reality na masakit.
Ang kasawian niya sa pag-ibig.
PAGKATAPOS NA marinig ni Vix ang kwento ni Chloe tungkol sa nasaksihan sa pagitan ni Jake at Hyde at ang kagustuhan nito na mas lalong pag-igihan ang gagawin, natuwa siya. Katulad niya ay nakadama rin pala ng inggit ang babae sa atensyon na ibinibigay ng dalawang lalaki na nakaraan nito. Hindi naman niya ito masisisi dahil talagang nakakainggit ang nakukuhang atensyon ni Hyde sa dalawa. Siya nga, kahit na may paghanga at pagtingin siya sa dalawa ay sobrang nabi-bitter, ito pa kaya.
"Kailan ba natin gagawin ang plano, Vix?" Tanong nito saka lumapit sa kanya.
"Sa lalong madaling panahon. Don't worry yourself too much, Chloe, dear. Aabot tayo d'un. Kailangan lang na maging smooth sailing ang bawat mangyayari."
Ngumiti ito. "Hindi na ako makapaghintay na makita ang kamiserablehan ni Hyde kapag nangyari ang plano natin."
"Ako rin naman." Natigilan siya maya-maya nang maisip ang ginawa ni Chloe kagabi sa party at ang hindi nito pagsagot sa tawag niya pati ang pagpatay sa secret camera at communication nila.
"Bakit mo pala pinatay ang video cam kagabi?"
"Wala lang."
"Anong wala lang?" Nakakunot na gagad niya. "You even told Hyde the past between you and the boys. Sa tingin mo ano na ang mangyayari?"
"Hindi naman iyon makaka-apekto sa mga plano mo... natin." Cool na sagot nito.
"Anong hindi?" Naiinis na tanong niya.
"Well. I can say that because I have my own way getting near to Hyde."
"At ano naman iyon?"
"Ang kakambal niya."
"Paano?"
"May gusto sa 'kin si Clyde."
Namilog ang mata niya sa sinabi nito. His mouth also form a letter 'O' then he smiled wickedly. "Mukhang alam ko na ang susunod sa plano mo."
Chloe deviously smile. Malaki pala talaga ang maitutulong nito sa kanya kahit na minsan ay nakakaasar ang babaeng ito. Sino ang mag-aakala na may itinatago rin pala itong utak.
Natawa siya pati ito.
MASAKIT ANG ulo ni Jake dala ng sobrang kalasingan kagabi. Hindi na nga siya nakauwi at nagpalipas na ng gabi sa bahay ni Rubius. Katabi niya ang mga kaibigan na lasing na lasing din. Tumayo siya mula sa kama saka nagtungo sa banyo para maghilamos at umihi na rin. Isinara niya ang pintuan saka umihi. Pagkatapos naghugas siya ng kamay at naghilamos. Tiningnan niya ang repleksyon sa salamin. Basa ang kanyang mukha at bahagyang namumula ang mata niya dala ng kulang sa tulog at sa hangover. Magulo rin ang buhok niya na napaghahalatang galing sa pagtulog. Napansin niya rin na iba na ang suot niyang damit. Damit iyon ni Rubius. Hindi naman nakapagtataka dahil sumuka siya kagabi at nanghiram siya ng damit kay Rubius. Kahit na lasing siya ay alam niya ang pinagagawa kagabi. He even cried infront of his friend.
Eksaktong paglabas niya ng banyo nang marinig niya ang pagtunog ng cellphone niya. Nakita niya iyon sa bedside table saka kinuha. Ang mommy niya ang tumatawag sa kanya. Agad niyang sinagot ang tawag.
"Bakit 'My?"
"Umuwi ka na dito sa bahay. Dumating ang daddy mo kagabi." Excited na pagbabalita nito.
"O-okay, 'My." Sagot niya. Hindi niya maiwasan ang kabahan sa pagbabalik ng daddy niya. It can only lead to something else. Ayaw niyang isipin pero iyon ang naglalaro sa isipan niya.
"Sige, Jake. Ingat ka sa daan. Magpaalam ka na lang sa Tita Rina mo," bilin nito na ang tinutukoy ang mama ni Rubius.
"Opo."
Hanggang sa matapos ang tawag ay ang pagdating ng daddy niya ang nasa isipan niya. Nagpalit siya ng damit na hiniram niya kay Rubius. Hindi na siya nagpaalam sa dalawa na mahimbing pang natutulog.
Lumabas si Jake sa kwarto ni Rubius saka bumaba ng hagdan. Nagtungo si Jake sa kusina dahil doon nagmumula ang ingay. Naabutan niya ang katulong na nagluluto.
"Nasaan si Tita Rina?"
"Nasa taas, Sir. Kakain po ba kayo?"
Umiling siya. "Hindi. Sige."
Bumalik siya sa taas. Nagtungo siya sa kwarto ng mag-asawa at mahinang kumatok sa pintuan. Mga ilang minuto, lumabas ang mag-asawa. Nagpaalam na siya sa mga ito
YOU ARE READING
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Five
Start from the beginning
