Ipinikit niya ang mata. Sa isip siya bumuo ng sign.
At nang imulat niya ang mata, sinalubong siya ng matiim na titig ni Devin. Nakatayo ito sa harapan niya, nakayuko.
"Okay ka lang ba? Bakit nandito ka?"
He sighed then force a smile. "Kailangan ko lang huminga."
"May problema ka nga." Anito.
"Meron nga." Pag-amin niya.
"Ano ba 'yan?"
"'Wag na nating pag-usapan."
Um-squat si Devin sa harap niya para magpantay ang paningin nila.
"Ikaw ang bahala. Kung isa ako sa nagbibigay ng problema sa 'yo, sabihin mo sa akin. Bibigyan kita ng space. Bibigyan din kita ng oras para makapag-isip-isip ka."
Napangiti siya saka hinawakan ang pisngi nito. Hinawakan naman nito ang kamay niya na nakahawak sa pisngi nito.
"Hindi mo ako kailangan na bigyan ng space. I can still breathe with you by my side. Hindi mo rin kailangan pang bigyan ako ng oras dahil marami na ako niyon. Nakasalalay lang sa akin kung paano ko gagamitin iyon."
"Ayokong nakikita ka na malungkot."
"Hindi naman maiiwasan na malungkot ako. Ikaw o ibang tao man ang dahilan."
Niyakap siya nito na tinugon naman niya. Napatingala siya sa langit at nakita niya ang pagdaan ng isang falling star. So its decided. Sinagot ang sign na hiningi niya. Ang taong nakayakap at niyayakap niya ang para sa kanya.
"AT ANG katangahan award goes to..."
Napailing-ilingna lang si Jake saka tinungga ang laman na alak ng boteng hawak niya. Inisang lagok niya iyon saka bumaling kay Rubius na sadyang binitin ang pang-aasar para makita ang magiging reaksyon niya. Pagkatapos niyang mag-emote sa loob ng kotse niya at pagpapakalma sa sarili ay nakapunta na siya sa bahay nito. At ito na nga... nagpapakalunod siya sa alak para pansamantala ay makaiwas sa reyalidad at sa sakit na kinasusuungan niya.
"...Jake! Bigyan ng jacket 'yan!"
"Puro ka talaga kalokohan, Rubius." Saway dito ni Dominic.
"Hindi ito kalokohan. Tamang-tama may jacket ako na hindi pa nagagamit. Tama iyon kay Jake para pananggalang sa lamig at mawala ang lamig na nararamdaman niya. Tama rin iyon para pantakip sa mukha o sa mata niya once na makita niya ang magiging katapusan ng story niya kay Hyde. Pati na rin sa ending ng dalawa."
Hindi siya nagsalita.
"Bakit jacket?"
"I already said the reasons, Doms. 'Wag kang tatanga-tanga."
"Para kang ewan." Umiiling na sabi ni Dominic.
He just keep his self busy drinking alcohol. Wala siyang balak na sakyan o kaya hindi sang-ayunan ang mga pinagsasabi ni Jake.
"From the very start, alam na nating lahat na talo na si Jake. Hyde loves Devin so much. Sa totoo lang din, hindi ako naaawa sa 'yo, bro." Tinapik pa nito ang balikat niya. "Ginusto mo naman kasi ang pinagdadaanan mo eh. Alam mo na wala kang pag-asa pero sumige ka pa rin. Imbes na lumayo ka, mas pinili mo pa na maging kaibigan mo siya. Hayan tuloy. Imbes na mawala mas lumala."
"Kahit na ano pa ang sabihin mo, Rubius. Nangyari na ang nangyari. Nandito na ito kaya suportahan na lang natin si Jake," ani Dominic.
Nagmumukha tuloy na defender niya si Dominic. Mukhang natunugan nito na wala siyang balak na sagutin ang pang-aasar ni Rubius.
ESTÁS LEYENDO
String from the Heart
RomanceTransferee at new student si Harold Yde Ilagan o Hyde sa bagong school niya. All set siya pero hindi niya maiwasan ang kabahan sa bagong environment lalo na at unang pagkakataon na nawalay siya sa kakambal niya na si Clyde. His first day was a mixtu...
Chapter Twenty-Five
Comenzar desde el principio
