Chapter Twenty-Five

Start from the beginning
                                        

Pabalik na sana siya sa loob ng bahay nina Clyde nang makita niya ang dalawa... at nasaksihan niya nga ang drama ng mga ito.

Nakakainggit na makita na iniyakan ni Jake si Hyde. Mas mauunawaan pa niya kung babae ito pero hindi naman. Hindi niya akalain na dahil sa pagmamahal ay magiging ganito si Jake, si Jake na kilala niya sa pagiging hambog, bully, mayabang at gagawin ang lahat para makuha ang gusto. Pero hindi naman maipagkakaila na kahit niloko niya ito noon pati si Devin ay nagkaroon ito ng puwang sa puso niya.

She envied Hyde. Sa nakita niya, dahil sa inggit, parang sumidhi ang hangarin niya na maiwang luhaan si Hyde. Parang buong-buo na siya na sumasang-ayon kay Vix sa plano nito.

SA HALIP na dumiretso pauwi sa bahay nila, nagdesisyon si Jake na magtungo sa bahay nina Rubius na may kasiyahan din. Sa bahay nina Rubius ilalabas niya ang sakit na nadarama sa pamamagitan ng pag-inom ng alak at pagpapakalasing. Pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi pati ang mga tumutulo pa.

Ilang beses ba niyang sasabihin sa sarili at itatanong ang mga salitang: Bakit ang sakit?

He was hurting so bad. Alam naman niya sa umpisa na sasagutin na ni Hyde si Devin pero...

Inihinto niya sa tabi ang sasakyan saka pinaghahampas ang manibela ng kotse niya. His vision was now blurry because of the nonstop tears coming from his eyes. Parang hindi maubos-ubos ang luha niya.

TWENTY MINUTES. Iyon ang tantiya ni Devin mula nang umalis si Hyde para ihatid si Jake sa kotse nito. Bente minutos na ang dumaan ngunit wala pa rin ito. Hindi niya rin nakita na pumasok ito sa gate. Well, aaminin niya na kanina pa niya ito inaabangan na pumasok mula nang umalis si Clyde sa tabi niya para asikasuhin ang ibang bisita nito. Nakita pa nga niya ang pagpasok ni Chloe, kinawayan pa nga siya ng babae at matamis siyang nginitian ngunit hindi naman niya pinansin. Ang buong atensyon niya ay nakatutok sa pagpasok ni Hyde.

Hindi pa nga sila tapos mag-usap nito kanina tapos ang tagal pa nito. Devin was left hanging by Hyde. Pakiramdam niya talaga ay isa siya sa malaking dahilan sa mga bagay na tinanong ni Hyde kanina. Bukod sa kanya, ramdam niya na si Jake ang isa pa. Hindi naman nagbigay ng clue si Hyde sa paraan ng pagtatanong nito pero may pakiramdam siya na ganoon. Maybe his instinct was telling and pushing it. May tampo rin siyang nadarama dito. Sa ilang buwan na pagsasama nilang dalawa, napansin niya na hirap si Hyde mag-open up ng mga bagay-bagay sa kanya lalo na sa damdamin at saloobin nito.

Huminga siya nang malalim saka tumayo. Lumabas siya sa bakuran.

Luminga-linga siya sa paligid para hanapin si Hyde. Wala siyang nakita kahit na anino nito. Nagdesisyon siya namaglakad-lakad para hanapin si Hyde.

IMBES NA magtungo sa loob ng kanilang bakuran, mas pinili ni Hyde na maglakad-lakad. Ayaw naman niyang humarap kay Devin sa estado niya ngayon dahil sigurado siya na mag-uusisa lamang ito katulad kanina. Walang katiyakan ang lugar na pupuntahan niya hanggang sa makarating siya sa playground na madalas nilang puntahan ng mga kapatid.

Pumwesto siya sa swing saka tumingala sa langit. Pinagsawa niya ang mata sa pagtingin sa madilim na kalangitan at sa mga bituin na kumikislap pati na sa bilog na buwan.

Nakapagdesisyon na siya, hindi ba? Pero may pag-aalinlangan pa rin sa puso niya. Gusto niyang humingi ng sign ngayon kung ipagpapatuloy pa ba niya ang pagsagot kay Devin o mas tama na lumayo siya sa dalawang lalaki na nagdudulot ng saya at lungkot sa kanya.

Why love is complicated? Komplikado na nga siya tapos pati sa usaping pampuso komplikado pa? Maswerte ba siyang maituturing dahil kahit na ganito siya, na bakla siya, may dalawang lalaki na nagkakagusto sa kanya at handa siyang ipaglaban?

String from the HeartWhere stories live. Discover now