Chapter Twenty-Five

Start from the beginning
                                        

"Wala." Mabilis niyang sagot. "Sige. Ihahatid ko na si Jake.Ikaw na ang bahala kay Devin na ipagpaalam ako." Bilin niya rito.

"Sige." Pagsang-ayon nito. Parang napipilitan nga lang.

Nilampasan niya si Clyde saka nagtungo sa loob ng bahay. Naabutan niya si Jake kausap ang lola niya. Nang bumaling ito sa kanya nagseryoso ito. Nawala ang ngiti sa labi.

"Sige, Lola Fe, aalis na po ako."

"Sige. Pahatid ka na kay Hyde." Bumaling sa kanya ang lola niya. "Ihatid mo na si Jake."

"Opo. Tara na Jake."

Tumayo ito saka siya nilampasan. Walang imik na sumunod lang siya rito. Tiningnan niya ang likuran nito. Huminto si Jake nang makalabas sila ng bahay. Humarap ito sa kanya. Natigilan siya nang makita ang pamumuo ng luha sa sulok ng mga mata nito.

"Pwede mo na akong iwanan dito." Anito.

"I-ihahatid na kita," nauutal niyang sagot.

"Please stop making things difficult for me, Hyde. Alam mo ba na sa simpleng mga ginagawa mo, katulad nito, umaasa ako. Umaasa ako na pwede pa tayo. Na pwede pa akong maging sa 'yo, na pwede pang maging akin ka. Na kahit papaano may nararamdaman ka sa akin higit pa sa pagiging kaibigan."

"Jake..."

"Napakatanga ko, hindi ba? At hindi ako nagsasawa na sabihin sa sarili ko ang salitang iyon. 'Cause I'm really stupid when it comes to you. Hindi mo ba napapansin na paulit-ulit na lang na nagkakaroon tayo ng ganitong komprontasyon pero hindi ako nagsasawa dahil sa nararamdaman ko para sa 'yo. Hindi ko naman ito matawag na peste, na bwisit sa buhay ko, dahil ang pagmamahal ko sa 'yo ang nagpapasaya sa 'kin. Inspired ako dahil sa 'yo."

"Jake..." Napalunok siya. Pinipigilan niya ang pagtulo ng luha niya. Seeing Jake like that make him to feel more miserable. Bakit ba ang sakit? Yeah. Importante sa kanya si Jake pero ang sakit na nakikita niya sa sa mukha nito ay nagpapadoble ng sakit na nararamdaman niya. Bakit ba... Dapat siguro ay ipamukha na niya kay Jake ang kung ano ang gagawin niya para isahan ang sakit at tuluyan na lumayo na ito sa kanya... para huwag na rin siyang makalapit dito at huwag magkaroon ng mukha na humarap pa dito pagkatapos nito. Pero tama nga ito na parang nauulit lang palagi ang mga bagay-bagay, ang komprontasyon sa pagitan nila. Ilang beses na bang nangyari ang ganito sa kanila?

"Pwede bang ako na lang? Pwede bang akin ka na lang?"

"Sasagutin ko na si Devin."

Tuluyan nang tumulo ang luha nito na kanina pa namumuo. "Pwede bang ako na lang? Akin ka na lang."

"Ma-mahal ko si Devin kaya siya ang sasagutin ko."

Nagulat siya nang bigla siya nitong kabigin palapit dito at yakapin nang mahigpit. Hindi siya nakakilos.

"I love you, Hyde. Mahal na mahal kita. Sobra. Lahat gagawin ko para sa 'yo. And if this will be the end..." Napasigok ito. Tila hirap na hirap sa sasabihin.

Tuluyan na ring tumulo ang luha niya.

"Then be it. Pero huwag mong aasahan na basta na lang akong mawawala sa tabi mo dahil sa gagawin mo. Papanindigan ko na ang katangahan ko. Hindi ako lalayo sa 'yo sa kabila ng kamiserablehan ko."

Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa luha na hindi maampat sa pagtulo. Nang kumalas si Jake sa pagkakayakap sa kanya at unti-unting lumayo, tuluyan na siyang napahagulgol.

Bakit ba ang sakit?

PARANG NANOOD ng isang live na drama si Chloe. Napailing-iling siya ngunit hindi naman maipagkakaila sa loob ng puso niya na may nadarama siyang inggit sa nasaksihan sa pagitan ni Jake at Hyde.

String from the HeartWhere stories live. Discover now