Tumayo si Seya at nagtungo sa table na kinaruroonan ni Dindo. Pinagmamasdan ko lang siya habang magkaharap sila ng target.

Hanggang sa makuha ng isang lalake ang atensyon ko, nasa bar counter ito at may nilagay siyang powder o tableta sa goblet na may lamang wine. Palihim niya yong ginawa pero nakita pa rin ng mga mata ko.

Sinusundan ko iyon ng tingin hanggang sa pumunta ito sa table nila Seya at ibinigay sa kanya iyon.

Agad akong tumayo para balaan siya. Pag akyat ko ng loft ay napatingin sakin si Seya, sumenyas ako na huwag niyang iinumin iyon pero mukhang matigas talaga ang ulo ng babaeng ito! Damn!

Ininom niya yong laman ng goblet!

Hindi ba niya naintindihan ang signal ko? Mukhang mabubulilyaso na naman kami neto!

Umupo ako dito sa katabing table at halos masuntok ko ang mesa sa inis.

"Ano nga ulit ang pangalan mo Ms. Beautiful?"si Dindo.

"Paloma."sagot niya.

Nakikinig ako sa kanila habang hawak ang phone ko. Kunyare busy ako sa pakikipag-chat para hindi ako mahalata ng mga tauhan niya.

"Ang ganda ng pangalan mo Paloma, parang ikaw."si Dindo.

Tinawag ko ang waiter at nag order ako ng drinks. Binigyan naman ako agad at nilapag dito sa harapan ko.

Napapalibutan kami rito ng mga bodyguard  ni Dindo.

"Sasama ka ba sa akin? Ituturing kitang reyna ng buhay ko Paloma."

"Next time sasama ako sayo hindi ako pwede ngayon marami kasi akong booking, pero pwede ko namang ibigay ang number ko sayo kung gusto mong magpabook sa akin."

"I-turn down mo lahat ng booking mo, Paloma. Babayaran ko nang doble lahat ng nakolekta mo sa mga customers mo. Ayoko ng tinatanggihan ako."

"Huwag ka namang mainip pogi bukas na bukas, iyong iyo ako. Babalik ako rito para sayo."

"Sinabi mo yan, ha? Aasahan kita."

"Yes pogi."sagot ni Seya.

Nahahalata ko na iba na ang kinikilos niya, parang napapasinghap siya at mahigpit ang hawak niya sa baso.

"Miss, bawal ka rito lumipat ka ng upuan."sabi sa akin. Mukhang tauhan iyon ni Dindo kaya tumayo ako at lumipat ako dito sa ibang upuan pero malaya ko pa rin napagmamasdan si Seya.

....

Nagchat ako kay Cyborge.

["Gumawa ka nang eksena rito para mailayo ko agad si Seya. Nanganganib siya.]

["Copy."]

Nakita ko ang pagpasok ni Cyborge dito sa loob ng bar at nagsimula siyang mag iskandalo. Kinuha niya ang microphone sa kumakanta sa stage at kumanta siya ng napaka-sintunadong boses.

Napalingon agad ang grupo ni Dindo kay Cyborge.

"Patahimikin niyo nga yang g*gong 'yan! Nakakarindi!"sigaw ni Dindo at agad silang bumaba ng loft papunta sa stage. Mukhang hindi siya nakatiis pati siya ay bumaba.

Kaya pagkakataon ko na!

Mabilis akong kumilos at hinila si Seya palabas ng exit door. Sobrang init ng katawan niya.

"Reign, I can't breathe...."

"Shit! Saglit lang ilalayo kita rito."

Kung hindi ka naman kasi pasaway!

Bigla siyang natumba buti nasalo ko agad siya. Pinilit ko siyang isampa sa likod ko at mabilis ko siyang binuhat papunta sa sasakyan.

Pinasandal ko muna siya sa gilid nitong sasakyan at binuksan ko ang pintuan dito sa backseat.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon