Chapter 5

4.6K 189 5
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Two One Zero Zero Military Time.
Ang mission namin ngayon ay si Dindo Joaquin.

Sinuot ko na ang leather Jacket ko at  napatingin ako kay Seya.

Naka suot siya ng sexy tube top dress na kulay pink. Ang sexy niyang tingnan lalo na nakalugay ang buhok niya.

"Baka matunaw po ako sa mga titig niyo sakin Commander Reign."nakangiti niyang saad at parang may halong pang aasar na naman ang mga salita niya.

Inirapan ko siya.

Paglabas namin ng kwarto naghihintay na pala si Cyborge dito sa sala.

"Wow! Seya! Ang sexy mo naman! Lalo tuloy kitang naging crush."

"Talaga? Bagay ba sa akin ang suot ko?"

"Absolutely! Ang hot mo tingnan."

"Thank you, Cy. Tara na."

Humawak si Seya sa braso ni Cyborge at sabay silang lumabas ng bahay.

Napapailing na lang ako.

Umupo ako dito sa backseat habang pinagmamasdan ko ang dalawa. Si Cyborge ang nagdadrive at nasa passenger seat si Seya.

Yong kamay ni Cyborge na nakahawak sa gear hindi mapakali, parang gusto niyang abutin yong legs ni Seya.

"Pwede bang ituon mo ang tingin mo sa daan, Cyborge!"

"Ah yes, Reign."

Nakailang lingon din kasi siya sa legs ni Seya.

"Nakakamiss ang mag bar."saad ni Seya nong huminto ang sasakyan dito sa gilid ng bar.

"Team, kailangan natin makuha ang atensyon ni Dindo. Cyborge ikaw ang look out manmanan mo ang kilos nila, Seya ikaw na ang bahala sa target, ako ang aalalay sayo."

Nakangiti si Seya paglingon sa akin. "Ikaw ba ang magbabayad ng bills ko, Commander Reign? Wala akong dalang cash."tanong niya sa akin.

"Bakit maglalasing ka ba?"

Nakangiti siyang tumango.

"Seya, ako na bahala sa iinumin mo. Sagot kita."si Cyborge.

"Sira magfocus ka sa assignment mo. Si Commander Reign na ang bahala sa akin."

Lumabas na ako ng sasakyan at ganon rin si Seya. Naiwan si Cyborge dahil siya ang lookout dito sa labas.

"Seya, pwede bang tigilan mo ang pagtawag sa akin ng Commander. Hindi ko alam kung paggalang ba ang pagtawag mo sa akin ng ganyan o nangaasar ka lang."

Bigla na lang siyang humawak sa braso ko.

"Gusto mo ba tawagin na lang kitang babes?"

Tinulak ko siya!

"Nababaliw ka na ba?!"

"Ang suplada mo, Reign."sabi niya saka siya dumirecho sa loob ng bar.

Grabe ang kembot niya maglakad. Damn!

Napakakulit niya.

Mula rito sa kinauupuan ko pinagmamasdan ko siya. Nakaupo siya sa may bar counter. Hinanap agad ng mga mata ko kung saan nakapwesto si Dindo at sa description ni Agent Heart sa akin noong nakaraan ay tumutugma sa nakaupong lalake sa loft. Sa bandang taas mismo ng bar counter.

Umiinom ng cocktail drink si Seya nong lapitan siya ng isang lalake, mukhang na-spot-an agad siya ng mga tauhan ni Dindo at binulungan siya nito.

Napakadali niyang nakuha ang atensyon ng grupo ni Dindo kahit wala siyang ginawa kundi umupo at uminom. Ganon siya kaganda para mapansin agad ng mga kalalakihan.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon