Chapter 42

1.9K 101 7
                                    


Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

Nasa laot na kami ni Cloud gamit ang bangka papunta sa kabilang isla para dalhin ang gintong maskara sa base camp, nandoon ang helicoter na magdadala sa amin sa Elite headquarters.

Isang lampara at liwanang na nagmumula sa buwan ang nagsisilbing ilaw namin. Pagdaong namin ay naka-park dito ang dalawang sasakyan, isang kotse at isang SUV. Sumakay kami rito sa puting kotse at naiwan ang SUV para sa mga kasamahan namin na nasa isla pa ni Yuson.


Si Cloud ang driver. Mga thirty minutes ang byahe bago namin marating ang location ng base camp. Hawak ko ang gintong maskara. Inilabas ko ito mula sa pouch na lagayan niya. Napakaganda pala nito----purong ginto.


Ibinalik ko rin agad sa lagayan niya at inayos ko ang pagkakabalot nito nang biglang itigil ni Cloud ang sasakyan.


"Anong problema Cloud?"

Hindi siya umimik basta na lang niya binunot ang handgun sa gilid ng chest holster niya na natatakpan ng itim na jacket, saka niya ito itinutok sa akin.

"Akin na yang gintong maskara at bumaba ka ng sasakyan."

"Anong ibig mong sabihin, Cloud?"hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya. Hinawakan kong mabuti itong gintong masakara.


"Akin na yan at bumaba ka na kung gusto mo pang mabuhay.

"Cloud paki-usap lang huwag mong gawin 'to, importante kay Reign ang misyon na 'to..."

"Wala akong paki-alam! Kapag nagmatigas ka pasensyahan na lang tayo!"

Imbis na iabot ko sa kanya ang gintong maskara ay hinampas ko ito sa kamay niya na may hawak na baril, saka ako nagmadaling bumaba at tumakbo sa kakahuyan.


"Seya!!!!"sigaw niya. Napapayuko ako dahil sunod sunod na putok ang pinakawalan niya. Agad akong nagtago rito sa likod ng puno.


Binunot ko ang baril ko. Akmang babarilin ko siya nang maunahan ako.


"Ahhh sh*t!"napasigaw ako at nabitawan ko ang baril ko dahil nadaplisan iyon ng bala. Buti na lang hindi ang kamay ko ang tinamaan niya. Magaling siyang umasinta.


"Ibigay mo na sa akin yan! Gusto mo ba talagang mamatay?!"

"Traydor ka Cloud! Pati ba naman ito pag iinteresan mo?!"sigaw ko. Nagtago ako nang mabuti nang pagbabarilin niya ang punong pinagtataguan ko.


"Kapag hindi mo ibinigay sa akin yan, papatayin kita at kasama mong mamamatay ang mahal mong si Reign!"

Alam niya ang tungkol sa amin ni Reign?

Halatang natatawa siya.

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon