Chapter 40

2.4K 113 2
                                    

Amber Paige a.k.a. Agent Reign

Three years and six months ago

"Laura, Laura! Stay with me. Malapit na tayo sa hospital." Lulan kami ng private car, nagmagandang loob ang driver para dalhin kami sa pinakamalapit na hospital. Nakaupo kami rito sa backseat ni Laura habang nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. "...Sir, pakibilisan po."saad ko sa nagmamaneho.

Nang magmulat si Laura ng mga mata ay nabuhayan ako ng loob.

"Hey, kaya mo 'to, lumaban ka huwag mo akong iiwan." Ang mga luha sa mga mata ko ay nag-uunahang malaglag, alam kong hindi ako mabuting tao but this time nagawa kong manalangin para sa buhay ng babaeng mahal ko, na sana malagpasan niya ang panganib na kinakaharap niya ngayon. Kahit nanghihina na siya ay nagawa pa niyang pisilin ang palad ko.

"Am....ber, h-huwag mo a-akong ka-kalimutan."

"No, don't say that. Malalagpasan mo 'to."

"Am...ber...."pinipilit niyang ngumiti. Halos hindi niya magawang sambitin ang pangalan ko. May tama siya ng bala sa likod dahil sinangga niya ito na dapat ay para sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa pisngi ko.

"Huwag kang bibitaw. Mahal na mahal kita...."bulong ko sa kanya. Tumutulo ang mga luha sa mga mata niya kaya pinahid ko.

"M-mahal na mahal kita A-Amber...."

"Mahal na mahal din kita, Laura...."

Hanggang sa mapansin kong kusang bumitaw ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.

"Laura! Laura!"sigaw ko. Pinakinggan ko ang tibok ng puso niya. Tumigil ang pagpintig ng puso niya. Niyugyog ko siya pero wala na siyang response. "...no!!!!"

Nagsimulang manlamig ang buong katawan ko. Ilang sandali pa ay nandito na kami sa hospital. Sinalubong kami ng mga nurse at doctor dito sa Emergency Room.

"Doc, gawin niyo po ang lahat nang makakaya niyo para ma-revive siya."paki-usap ko. Nagmamadali silang gawin ang procedure para marevive si Laura. Hindi ako mapakali. Ang mga kamay at damit ko ay punong puno ng dugo niya.

Tulala at halos wala na akong maiiyak dahil sa matinding pag-aalala. Hanggang sa narinig ko na para bang tumahimik ang buong paligid.  Ang tibok ng puso ko at paghinga ko ang siyang tanging naririnig ko.

Humarap sa akin ang doktora, sa mga mata niya ay nasasalamin ko na ang hindi magandang nangyari.

"I’m sorry we did everything we could but she didn’t make it."

Para na rin akong namatay nang marinig ko ang salitang iyon. Ilang sandali ring tumigil ang pagikot ng mundo ko. Wala akong ibang magawa kundi ang humagulgol ng iyak. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi dahil sa akin ay hindi siya hahantong sa ganitong sitwasyon.

Wala na siya! Wala na ang mahal ko!Nagluluksa ako sa pagkawala niya. Sobrang sakit na mawalan ng taong mahal. Hanggang sa huling hantungan ni Laura ay wala akong maramdaman kundi puot at galit sa mga taong pumaslang sa kanya.

Ilang araw na ang lumipas, nakatayo ako rito sa puntod niya at nangako na ipaghihiganti ko siya.

"Ipaghihiganti kita, hindi ako titigil hanggat hindi nila mapagdusahan ang pagkamatay mo."

Nagpahid ako ng luha, dahil pakiramdam ko ay may nagmamasid sa akin.

"...sino ka?! Lumabas ka diyan!"sigaw ko.

Ganon na lang ang pagtataka ko nang lumabas ang isang pamilyar na mukha.

"Ako 'to, yong doctor na humarap sa inyo noon sa emergency room." Natigilan ako, bakit nandito ang doktora na ito?

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon