Chapter 32

2.3K 135 9
                                    

Laurice Lazares a.k.a. Agent Seya

'You got it all wrong, Seya. Gusto kitang protektahan, iyon ang totoo. Dahil ayokong mapahamak ka. Masama bang mag-alala para sayo?'

Nag-aalala ba talaga siya para sa akin? Ayaw ba talaga niya akong mapahamak? Kaaalis lang niya, naiwan kami ni Rio dito. At mamaya lang daw ay pupunta rito ang ibang Agents.

Nilalaro ko ang Elite ID card dito sa kamay ko habang nakaupo dito sa veranda. Ilang beses akong nagpakawala ng malalim na hininga habang nakaupo rito.

Siguro kapag nalaman ng iba ang pinagkaka-ganito ko, iisipin nila na OA ako, pero hindi kasi ganon kadali para makalimutan ang nararamdaman ko para kay Reign. Kahit kasi layuan ko siya at taguan ko siya nahahanap pa rin niya ako.

"Wala ka bang gustong sabihin, Seya?"

Napasulyap ako kay Rio, at umupo siya rito sa tabi ko. Lagi siyang nandiyan para i-comfort ako. Para siyang matalik na kaibigan na laging nag-aalala sa akin.

".....you've been very quiet for hours, hindi talaga ako sanay. Why? Si babes na naman ba?"

Hindi ko sinagot yong tanong niya. Alam naman niya 'yan eh.

"Anong gusto mong sabihin ko, Rio?"

"Sabihin mo sa akin kung bakit hanggang ngayon nagkakaganyan ka."

"Ah, ganon pa rin, iyon pa rin ang dahilan ko at alam kong alam mo yan."

"Si babes nga." sagot niya.

Ewan, inaasar na lang ata niya ako kapag binabanggit niya ang call sign ko kay Reign.

"Rio, sa tingin mo anong mali sa akin?"

Tinitigan niya ako, saka niya hinagod ng tingin ang kabuuan ko.

"There's nothing wrong with you, Seya. Sa totoo lang, gusto ko ang personality mo. Gusto ko kasi sa mga taong, madali kong makapa-lagayan ng loob. Isa ka na du'n."

Napangiti ako pero hindi pa totally na masaya ang nararamdaman ko, napangiti lang ako dahil sa sinabi niya.

"Salamat Rio, nandiyan ka palagi para sa akin. Na-a-appreciate ko yong effort mo na samahan ako, at pagaanin ang loob ko. Pasensya ka na pala kung tinakasan kita sa restaurant."

Natatawa siya.

"Ahh, muntik ko nang makalimutan na tinakasan mo ako. Di bale, bumawi ka sa akin sa susunod, okay?"

Tumango ako at napangiti sa kanya. Cool ang taong ito, siya yong tipo ng tao na madaling magpasensya. Pero para sa akin ang personality pa rin ni Reign ang nangingibabaw sa lahat. Yon nga lang may kinababaliwan siya at mahirap makipag-kompetensya sa taong sumakabilang buhay na.

"Rio, feeling ko hindi ko deserve ang maging masaya."

"Bakit mo naman ini-isip yan, lahat tayo deserve maging masaya. The point is, huwag ka masyadong umasa para hindi ka nasasaktan. Happiness is a choice, kaya choose the best. Kung hindi mo pipiliin ang maging masaya then tanggapin mo ang consequences ng pipiliin mong desisyon para sa sarili mo."

Tumango ako.

Si Rio ang nagsilbing outlet ng feelings ko. Nasasabi ko sa kanya ang nasa isip ko ng walang alinlangan.

...

DUMATING ang mga Agents na sina Heart, Cloud, Cyborge at Night bandang hapon. May dala silang generator kaya may ilaw na dito sa bahay ko nu'ng maiset-up na nila. Nagtaka sila kung bakit wala rito si Reign. Sinabi ko na lang na umalis.

"Seya, balik ka na sa Elite. Miss ka na namin."si Cyborge.

"Hindi na talaga ako babalik. Huwag na kayong umasa pa."

SA1: She Captured My Heart (GXG) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon