Ang nakalagay sa lovket na yun ay picture nila mommy and daddy, pinagmasdan ko ng mabuti ang picture nila. Mahal na mahal talaga nila ang isa't isa

*tok* *tok* *tok*

"Anak naka impake ka na ba?" biglang kumatok si nanay Coring

"Opo nay" umupo siya sa tabi ko at yinakap ko siya bigla

"Oh bakit anak?" tanong ni nanay

Noong panahon na malungkot ako sa tuwing pinapagalitan o hindi pinapansin ni daddy nandiyan lang si nanay sa tabi ko, siya yung tumayong ina saakin kaya mahal na mahal ko si nanay at mamimiss ko siya ng sobra

"Nay, mamimiss kita ng sobra" at tumulo na ang mga luha ko

"Ako din naman anak eh, pero bisitahin mo nalang ako/kami dito" sabi ni nanay

"Opo nay, nay paano po kung matanda at masungit yung asawa ko?" tanong ko kay nanay

"Anak wag kang mag iisip ng ganyan, kung masungit man siya siguro may pinagdadaanan lang kung matanda edi matanda, basta ang mahalga mahalin mo ang asawa mo wag mo siyang papakawalan malay mo yun na ang matuturingan mong pamilya. Siguro mamahalin ka din nun mabait ka, maalagain at magaling magluto. Basta tandaan mo palagi na buksan mo ang iyong puso at sundin ito kung anong nararapat" makahulugan sabi ni nanay

"Opo nay tatandaan ko po lagi iyan, pakiss nga po nay" at hinalikan ko siya sa pisngi

"Marami pong salamat sa lahat nay hayaan niyo po balang araw masusuklian ko din po kayo" sabi ko sa kanya

"Wala yun abak basta ang mahalaga napalaki kita ng may halong pagmamahal, oh siya sige na naiinip na din si atty. sa baba at baka hinihintay ka na ng asawa mo, mag ingat ka palagi doon" sabj ni nanay

Bumaba na kaming dalawa na butbit ang aking maleta

"Tara na Mrs. Anderson" sabi ni atty

Nasa labas na kami at sumakay na siya ng limousine , ako yinakap ko pa mg matagal si nanay

"Nay, paalam. Mag iingat po kayo lagi at bibisitahin ko din po kayo" pagkatapos nun sumakay na ako at umalis na kami

Tahimik lang kaming dalawa ni atty. walang nag salita ni isa saamin. Sana maging maganda ang buhay ko sa asawa-ay este kay Mr. Anderson

Hays ayan tuloy nahahawa na ako >_<

Makalipas ang isang iras huminto na ang sasakyan at bumaba na kami

0_0 wow! Ang laki naman nito. Ito ba ang bahay ni Mr. Anderson shit ang laki! Mas dobleng laki nito kaysa saamin

"Mrs. Anderson yung lawa niyo po tumutulo" biglang sabi ni Atty

Shet >_< kahiyan naman, pinunasan ko yung labi ko at oo nga may laway

Pumasok na kami st binayi kami ng maraming maid

"Good Morning Atty. Castillo" sabi ng maid

"Good morning dun si Mr. Anderson pakitwag" utod niya

"Yes po" at umalis na

Umupo muna kami, shet ang yaman talaga lahat ng gamit dito ay mamahalin. Black and White ang motif ng bahay nita at karamihan ay made of glass. Pero ni isa walang nakasabit na picture frame o nakadisplay. Tapos malapi sa bintana may piano doon, so tumutugtog din pala siya. Hindi ko pala namalayan may nagsalita sa taas

Shet totoo ba to, I'am seeing demi-god, nakasuot ng fit na white t-shirt at nakapajama lang WTF ang hot niya. Yung perfect biyanv mukha ang gandang titigan, para bang may bumagsak na anghel sa baba

Nakatitig siya saakin at biglang ngumiti >////< mas lalo siyang gumwapo sa paningin ko

"I know I'm handsome honey" sabi niya

Wait teka what did he say honey? Ibug sabihin nun siya ang--

"Mrs. Anderson meet your husband Mr. Ashton Ice Anderson" pagpapakilala ni Atty

"Its nice to finally meet you Mrs. Ashley Kaye Flores- Anderson" hindi pa din ako makapaniwala na itong hunk na ito ay asawa ko

At mas lalo akong nagulat hinalikan niya ako bigla

"You are now MINE honey" sabi niya

At ako tulala pa din
_______________________
Tapos na din so how is it sorry sa wrong grammar thanks my dear reader don't forget to comment and Vote it 😘😘😘

My Ruthless Husband Where stories live. Discover now