CHAPTER 3: The Past part 2

Start from the beginning
                                    

Nakipaglaro si Jana kay Pogi hangang sa medyo napalayo sila sa amin at naiwan ako kasama si mokong Andrew.

"So pare, saan naka-park ang car mo? Do you own a house nearby?" tanong ni Andrew.

G*g*ng  'to. Ang yabang talaga! Sabi ko sa isip ko. Teka easy lang Kier baka magalit sa akin si Jana pag pinatulan ko 'to.

"Malapit lang ako dito kaya nag lakad lang kami ng Aso ko. Diyan sa may malapit na apartment." Sagot ko.

"Ah apartment lang?"  tanong niya na may halong pagyayabang. "Eh ano naman ang car mo?  Mine is the one parked over there." Tinuro niya ang isang kulay red na kotse. "That's a Toyota 86 dude. Isn't she a beauty? Mind you bro, that's two million pesos in case you don't know."

Aba! Hindi lang pala mayabang itong mokong na to, Mr. Price-Tag pa. Hindi ko nalang pinansin 'yong mga pagyayabang niya wala naman ako makukuha eh. Sabi nga nila ang latang may laman tahimik lang pero ang wala, maingay.

Tinignan ko nalang si Jana at si Pogi na naglalaro sa 'di kalayuan ng fetch.  Nakakawala ng stress talaga pag nakikita kong masaya siya.

"Nanliligaw ka ba kay Jana?" tanong ni Andrew sa akin.

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ka agad ako nakasagot pero sa asta niya parang inaangasan niya ako. Kaya't kahit hindi ko pa sigurado kung doon talaga ako pupunta...

"Oo pre. Bakit?" sagot ko na may halong angas.  Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko. I know 2nd time pa lang namin ni Jana magkita pero wala eh, I think tinamaan talaga ako ng malupit.

Natawa si Andrew sa sinabi ko, "Goodluck pare. Matagal ko nang nililigawan 'yan si Jana, since college pa."  Pinatong niya ang kanyang kamay sa balikat ko.  "Tumigil ka na lang pare habang maaga, baka masaktan ka lang."

Hindi ko na lang ulit siya pinansin. On the other hand, kawawa din pala itong mokong na 'to kasi matagal nang nag hihintay kay Jana pero 'di pa rin siya sinasagot. Well, siguro dahil sa ugali na rin niya. Napaka yabang kasi. Mukhang ibang babae si Jana. Hindi niya kayang silawin ng pera.

Okay lang naman kung hindi ako sagutin ni Jana. Masaya siyang kasama at gustong gusto siya ni Pogi, kaya okay lang kung ma-friendzone ako. Pero h'wag sana.

Lumapit si Jana sa amin at kinausap niya si Andrew, "Andrew can I ask you a favour?"

"Yes of course, anything for my Princess," sagot ni Andrew.

"Si mama kasi nag text, gusto daw niya pumunta dito. Pwede mo ba siyang sunduin?" sambit ni Jana.

"Sure! I'll get Tita Jizelle for you,"  sagot ni Andrew nang may maamong boses.

Nginitian naman siya ni Jana, "Thank you."

Umalis siya at sumakay sa kotse niya. Pinatunog niya ng malakas ang makina para mag yabang sa'kin bago niya ito pinatakbo. Mukhang wala akong laban sa kanya pag dating sa porma at pera. Most of girls' pa naman mas gusto 'yong mga ganitong rich guy type. Sana na lang tama ako na hindi gano'n si Jana.

Sinanggi ni Jana ang braso ko ng balikat niya pag alis ni Andrew,  "So where are we going?"

Nagulat ako sa tanong niya,  "Huh? Teka akala ko pupunta dito si Mama mo?"

Tinawanan niya ang sinabi ko, "Hindi, pinaalis ko lang si Andrew. Kulit kasi non eh. Sinabi ko naman na dati na hangang friends lang kami pero nanliligaw pa rin siya. Tsaka kayo talaga ni Pogi hinihintay ko dito,"  sagot ni Jana.

Wow! Akalain mo 'yon kami pala hinihintay niya. Mukhang lalo talagang lumalaki 'yong chance ko sa kanya. 

"Ah sige," nahihiya kong sinabi. "Uhmm.. Pwede tayong mag punta sa Mall. Lalagyan ko lang ng diaper si Pogi,"  sambit ko.

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now