Wattpad User... Chapter 35

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ano nga kasi yon?” Medyo napalakas yung boses ko, kasi nakakainis naman talaga siya! Sana hindi na lang niya inopen, kung hindi din naman pala niya itutuloy. Tsk!

“Hahaha, nakakatuwa ka, halatang nainis ka eh! Haha.” Oh diba ang saya nyang pinagtatawanan niya ako! Pero kahit naiinis talaga ako sa kanya. Natutuwa naman ako, kasi kahit pagod siya, napatawa ko siya.

“Binibiro lang kita, kasi naman pikon ka! Ang sarap srap mong asarin!” Dagdag pa niya. Haaaaay nako kung hindi lang talaga ako natutuwa sa kanya, kung hindi niya ako napapasaya, baka nainis na ko talaga. Haha

“Lakas din talaga ng trip mo sa buhay eh! Pagod ka pa ng lagay na yan ah!” Ayan medyo kumalma na yung boses ko.

“Pero seryoso may ikukwento nga kasi ako.” Ang lakas din ng trip niya! So tuwang tuwa talaga siyang inisin ako eh. Ang kuliiiiiit!

“Ano nga kasi yun?”

 

“Alam mo ba, ang cool kasi yung isang wattpad user na nakausap ko dito sa wattpad na nagbabasa ng story ko, eh malapit lang pala siya dito sa min.” Sabi ko na nga ba hindi ako matutuwa sa ikukwento neto eh! -___-

“Talaga? Ang cool naman! So nagmeet na kayo?” Yung boses ko, talagang sinadya kong parang tuwang tuwa ako. Yung tipong excited ako sa kwento niya about dun sa wattpad user na yun. Pero ang totoo, ayoko ng marinig yung mga susunod niyang sasabihin. Parang hindi ko ata kayang marinig at malaman na nagkita na sila, pero nung kami ang magkikita hindi natuloy! Kainis!

“Hindi pa! Basta nagkakatext kami, at kahit na malapit lang siya sa kin, ayoko pa muna makipagmeet. Busy ako sa pagaaral ko, at sa enrollment.Haha”  Napangiti ako sa sinabi niya!

“Yes.” Mahina kong sabi, eh hindi ko napigilan eh, natuwa talaga akong malaman hindi pa sila nagkikita!

“Huh?”

 

“Ah wala wala, so ano na, tuloy mo na kwento mo about dun sa wattpad user na yun!” Ano ba to, narinig pa ata niya yung pag yes ko! Nakakahiya lang! -___-

“Wala naman, nakwento ko lang siya, kasi makulit din siyang kausap, nakakatuwa siya, hindi nga ako naboboring kapag kausap ko yun eh.” Shit! Ibig sabihin ba nun pag ako ang kausap niya naboboring siya sa kin. Saka bakit ganun? Parang ang saya saya niya habang nagkukwento? Hindi kaya may gusto na siya dun! Waaaaaaah, wag naman sana!!! -___-

Pero teka lang, eh ano naman kung may gusto siya dun? Ano naman ang pakialam ko. Bakit ba ko apektado? Haaaay, ang dami kong tanong sa sarili ko! Naguguluhan na naman ako! Lagi na lang akong ganito eh.

“Huy ano ng nangyari sayo dyan? Wala ka man lang bang sagot sa tanong ko?”

 

“Ha? Anong tanong?” Shit parang wala naman akong narinig na tinanong niya sa akin ah! Kasi nga nagkukwento lang siya!

“Ayoko na nga! Minsan lang akong magkwento hindi kappa nakikinig!” Oha may mga ganyang eksena din pala siya, Marunong din pala siyang magtampo kunwari. Oo halatang kunwari lang, kasi bakit naman siya magtatampo, ang babaw naman kung ganun! Haha.

Kung ano ano naman kasing iniisip ko kaya hindi ko talaga narinig yung sinabi niya! -___-

“Sorry na, kasi ano, may naalala lang ako! Ano na nga ulit yung tanong mo? Wag ka ng magtampo dyan! Arte mo din eh! Haha.”

 

“Hindi ako nagtatampo! Hindi naman ako ganun kababaw na tao!” Sabi ko na nga ba! Siya na talaga! :)

“Oo na nga lang ako! Oh anon a yung tanong mo! Dali na!”

 

“Tinatanong ko, kung makipagkita na kaya ako sa kanya? Kasi sabi niya magmeet daw kami, tutal, malapit lang naman yung bahay naming, so kapag may free time daw ako magmeet daw kami.”

 

SPEECHLESS! Yan talaga ako ngayon. Wala akong masabi.

“Ikaw bahala.” Yan na lang ang naicomment ko sa tanong niya! Haaaaay. So nagiisip nga siya kung makikipagkita siya dun!

Nalungkot ako. At masasabi kong, ang sakit ng naramdaman ko.

 

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon