Wattpad User... Chapter 35

Magsimula sa umpisa
                                    

To: Shayne

-Hindi ko man kaya ibigay yung friendship na hinihingi mo ngayon, pero alam ko in time, magiging okay din tayo. Mag-iingat ka kung san ka man pupunta. And sorry sa lahat, saka salamat!

 

Kahit na alam ko sa sarili ko, hindi pa din ako lubusang okay, somehow gumaan yung pakiramdam ko dun sa text ni Shayne. Well sabagay, sabi nga nila, time heals all wounds.

 

6:30pm

Nakahiga lang ako, nagiisip, at tingin ng tingin sa phone ko. Nagsasounds lang ako ng malakas. At humihinga ng malalim. Ng biglang tumunog yung phone ko.

Hindi na ko nagexpect na si Andrea yun. Pero syempre deep inside, gusto ko na pangalan niya pa din ang makita ko sa screen ng phone ko.

From: Andrea

-Okay :)

 

Nung makita kong nagtext siya, napabangon ako ng wala sa oras. At nagtatalon ako na parang timang! May sayad na ata tong utak ko, pero pati puso ko damay na din! Tsk.

Nanginginig pa ko habang dina-dial ko yung yung number niya sa phone ko. Ay mali hinanap ko lang pala siya sa contacts ko. Haha. Ano ba tong nararamdaman ko, natataran ako na hindi ko maintindihan. Para namang first time kaming mag-uusap eh.

Ring… ring… ri…

 

“Hello” siya yung unang nagsalita. Pero parang nalungkot ako bigla kasi parang pagod na pagod yung boses niya.

“Hi! Oh bakit ganyan yung boses mo?” Triny kong hindi ipahalata na nagaalala ako sa kanya, baka kasi magfeeling tong loko na to eh!

“Pagod ako, as usual, enrollment pa din, ilang araw na lang naman to.”

 

“Kawawa ka naman pala! Haha.”

 

“Hindi kaya ako kawawa, kasi magaling ako!” Grabe pagod pa siya niyan, nakuha pa nyang purihin ang sarili niya! Kakaiba talaga siya. Pero kahit ganun, hindi naman siya yung taong mahangin, yung mayabang, talagang makulit lang siya pag nasa mood!

“Ikaw na magaling!” Kasi napapangiti mo ako kahit wala akong ginagawa. Yan dapat yung kadugtong ng sasabihin ko pero syempre hindi ko tinuloy! Haha.

“Uy may kwento ako.” Parang nabuhayan siya ng loob. Ano naman kaya yung ikukwento niya? Magkakaron din kaya ako ng energy sa mga sasabihin niya? Parang kinabahan lang ako eh.

“Talaga? Ano yun?” Pinilit kong gawing exciting yung boses ko kahit na ang totoo, kinakabahan nga ako! Ang weird.

“Wag na pala! Haha” Tignan mo tong babaeng to, nangaasar lang ata siya eh!

Once upon a STRANGER (lesbian/ girlxgirl story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon