List Number 1

104 5 3
                                    

Pasensya na guys at ngayon lang ako nakapagUD naging busy lang noong bakasyon..and dahil sa pagpipilit ni @TheMajesticPrincess na magUD na akoo kaya naisingit ko to kahit hectic ang sked ko..hope you understand and hope you like it..thankie so much..

Ylize (POV)

Hindi ko alam kong saan ako pupunta basta nagdrive ng nagdrive lang ako.Bahala na basta matanggal lang tong init ng ulo ko.Napahinto ako sa isang mataong lugar.

Hindi ko alam kong saan to pero maraming tao,may bata,matatanda,binata,dalaga. Tapos marami ring nagbebenta ng kung ano ano.Ewan ko ba parang may humihila sakin na pumunta doon.

Lumabas ako sa kotse at ginala ang paningin ko sa paligid.Napakaingay dito halos hindi na nga nagkakarinigan ang mga tao pero bakit okay lang sakin.Akala ko kanina sa sarili ko na gusto kong magrelax pero dito ang tinungo ko. Hay ewan.

Bigla kong naalala yung unang nilista ko na gagawin ko bago ako mamatay.

1. Kumain ng mga pagkaing hindi ko pa natitikman.

Yun yung una kong naisip.Kasi mula nong bata ako hindi ko naranasan ang kumain gaya ng kinakain ng karamihan.Puros fine dining restaurant ang pinupuntahan namin ni Papa.Sabi kasi ni Papa madumi daw ang pagkain kung bibili kami sa lansangan.

Nagsimula na kong maglakad lakad.Ang dami talagang tao.Halos siksikan dito pero tuloy tuloy pa rin ako.May bilihan ng bag,damit,pantalon,sandals at marami pang iba.Siguro ito ang mall nila dito.

Lakad lang ako ng lakad hanggang mapahinto ako sa isang stall na nagtitinda ng di ko alam.Basta may nakita akong bata na bumibili doon.

Lumapit ako don sa Mama na busy sa pagpriprito.

"Kuya ano pong tawag sa mga ito?"

tanong ko sabay turo don sa niluluto nya.

"Ay yan ba Ineng,itong puti Fishball ang tawag dyan,itong brown na pahaba kikiam ang tawag."ay yun pala ang tawag dito.

"Eh kuya ano pong tawag dito sa orange thingy na to?"turo ko ulit don sa orange na bilog.

"Kwek-kwek ang tawag dyan sa maliit tapos Tokneneng naman dyan sa malaki."Tumango tango naman ako.

"Kuya bakit po orange ang kulay ng kwek kwek at Tokneneng bakit hindi po Pink or blue." para akong batang musmus sa lagay ko,eh malay ko ba,Tawagin nyo na akong ignorante pero talagang ngayon lang ako naka encounter ng ganyang food.

Tinawanan naman ako ng matandan sa sinabi ko."Ewan ko rin Ineng basta ako nakikisabay lang sa uso." at tumawa ulit sya.Nahawa tuloy ako sa tawa ni Kuya kaya nakitawa na rin ako.

Ang saya ng feeling yung tipo bang bumabalik ako sa pagkabata,yung mga hindi ko pa naranasan nong bata pa ako parang gusto kong maranasan ngayon.

"Kuya masarap po ba yan?"

"Ay Oo naman ineng.Masarap na Masarap yan."

Napangiti naman ako sa sinabi ni Kuya kaya sinimulan ko nang kumuha.

Tumusok ako ng isang Fishball at sinawsaw ko don sa kulay brown na sawsawan. Ang sarap pala lasang isda.

"Kuya isda po ba ito?"tAnong ko habang patuloy pa rin ako sa pagkain ng fishball.

"Oo Ineng kaya nga fishball diba kasi Fish." natawa naman ako,Oo nga pala FISH nga pala talaga.

Tumusok ulit ako don sa Kikiam tapos sinawsaw ko ulit.

"Kuya eh ano naman pong sangkap nito?"

"Karne."

"Kuya kung karne ito bakit hindi Meatball ang tawag.Kasi yung isa fish kaya fishball eh bakit ito?"

10 Things To Do Before I DieWhere stories live. Discover now