Meet Ylize Reymundo

255 10 5
                                    

Ylize (POV)

"Good morning baby girl." bati sakin ni papa pagpasok ko pa lang sa kusina.

As usual nagkakape nanaman sya habang nagbabasa ng dyaryo.Bakit kaya hilig na mga matatanda sa ganyang gawain?

Lumapit naman ako sa kanya at humalik sa pisngi nya.

"Good morning din pa." nakangiti kong ganti sa kanya sabay upo sa

harapan nya.

"So kamusta po ang business natin sa abroad?" tanong ko habang kumakagat ng hotdog. Kauuwi lang kasi ni Papa galing sa states,nagkaroon daw kasi ng problema kaya pinuntahan nya,bale 2 months din sya don.

"Well naayos ko na,kaya wala ka na dapat pang problemahin." sabi nya na nakatitig pa rin sa dyaryo.Tumango na lang ako,sa edad ko na 19  tumutulong na ako kay Papa sa pamamalakad ng Kompanya.

"Pa napansin ko,medyo nangayayat ka ha. Di ka ba kumakain doon?" tinignan ko sya ng maigi,mataba kasi si papa noon tapos ngayon medyo mapayat na sya tapos maputla pa.

"Medyo stress lang this past few days." sagot nya sabay higop ng kape. Parang di benta sakin ang palusot nya,dati kasi kahit gano sya kabusy hindi naman sya nangangayayat ng ganyan.

"Are you sick?"walang preno kong tanong.

*cough* *cough* *cough* nabigla

siguro sya sa tanong ko, umiinom kasi sya ng kape nong time na yun.

Lumapit naman ako sa kanya at hinagod ang likod nya.

"Pa are you okay?" tanong ko habang patuloy pa rin ang paghagod sa kanya.

"Yes baby im okay." sumimangot naman ako at bumalik sa upuan ko.

"Pa I told you, stop calling me baby. Im not baby anymore, im full grown woman now."maktol ko.

Tumawa naman sya."You can't blame me baby, nasanay lang kasi ako sa tawag ko sayo." naiintindihan ko naman sya eh,nag-iisang anak ako kaya ganyan na lang ang turing nya sakin.

"Ah Dad may lakad kami ngayon ni Ji-An, dadaan na lang ako mamaya sa opisina,give yourself a rest. Ako ng bahala sa lahat." Si Ji-An nga pala ang one and only bessy ko.

"But---" i cut it.

"No buts Pa. Just leave it to me. Pahinga ka na. Masyado ka ng Stress,baka gusto mong samahan kita sa hospital." Naiisip ko kasi na ipacheck-up si Papa baka mamaya may sakit na sya sa sobrang trabaho..

Todo iling naman sya.

"Wala akong sakit baby,Im perfectly fine.Go ahead pumunta ka na sa pupuntahan mo." pagtataboy nya sakin.

Tinaasan ko naman sya ng kilay"Malaman ko rin Pa kung lalabas kayo,kaya wag mo ng subukan." pagbabanta ko sa kanya. Nakakatawa nga eh,para ako yung magulang tapos si papa ang anak.

"Oo na baby mag-ingat ka." sabi na lang nya.

Tumayo ako at yumakap sa kanya.

"Bye pa." sabi ko at ngumiti naman sya.

Pagkalabas ko ng bahay dumiretso na ako sa garahe para kunin ang kotse ko. Napag-usapan kasi namin ni Ji-An na magkita na lang kami sa mall.

Ako nga pala si Ylize Reymundo

(I-LAYZ po ang pronounciation ng name ko.) 19 years of age. Taking up bachelor of science in business Administration. Mag fofourth year college na ako sa pasukan.

10 Things To Do Before I DieWhere stories live. Discover now