3

5.4K 116 5
                                    

Third Person's POV

Naalimpungatan si Alexander sa pagtama ng sinag ng araw sa kanyang muka.Napangiwi siya sa sakit ng ulo niya! Bumaba siya para utusan ang kayang asawa ngunit wala ito dito.

Naalala niyang pinalabas niya ito kaya pinuntahan niya ito sa labas at hinanap.

Nakita niya ang asawa nitong nakabayukyok sa ilalim ng puno sisigawan niya sana ito ngunit napansin niyang nanginginig ito at namumutla.

Dinala niya ito sa kwarto niya at inilapag sa kama. Basa din ito kaya pinaltan niya ito ng damit mahirap pero kinaya niya.

Inaapoy ng lagnat ang babae kaya nilagyan niya ng bimpo sa noo.

Ginala niya ang tingin niya sa kwarto at napansin ang notebook na may nakalagay ng Journal. Nagtaka ito kaya't ito'y binuklat niya at binasa

(AN: yung mga italic po eh yung mga nakasulat sa journal)

Entry #1

Birthday ko ngayon, pero walang nakakaalam kasi wala namang may paki sakin. Hehe! Happy birthday to me. Pinaghanda ko na lang ang sarili ko,bumili ako ng cake sa Kalahi Bakery yung Yema Cake na maliit.
Pero nasayang kasi tinapon sa mukha ko ni papa eh, wala daw kasi akong kwenta pero hinayaan ko na kasi papa ko parin yun at kahit ganun yun mahal na mahal ko yun.


Entry #2

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, sinasaktan na ako ng papa ko nakakaiyak kasi ang sakit hinahampas niya ako nung sintron niya, minsan sinusuntok niya ako at sinasapak sa di malamang dahilan. Sge, okay lang kasi kahit papaano pinaglalaanan niya ko ng oras kahit ganun.

Entry #3

Birthday ngayon ni Papa, binilhan ko siya nung cake na paborito niya kahit mahal. di ko ginagastos yung baon ko ng ilang buwan, konti pera lang kasi binibigay niya sakin eh. Hehe? Binigay ko sa kanya pero nagalit siya sana mamatay na lang daw ako. Pumasok ako sa kwarto at nag isip, sasaya kaya siya pag namatay ako? Kaya hinihiwa ko ng blade yung braso ko dumudugo na sguro katapusan na pero hindi pala pumasok kasi si papa may dalang kadena hinahampas yung likod ko. Sobrang sakit grabe sobra. Sorry Pa, hindi ko natupad yung hiling mo

Entry #4

Nagkaboyfriend ako pero niloko niya lang pala ako at pinagtripan. Akala ko may magmamahal na sakin wala pala. Hay buhay, ang malala pa lang si daddy kanina pinapaso niya yung likod ko gamit yung sigarilyo niya sobrang sakit na parang di na ako makahinga ng maayos. Padami na ng padami ang sugat,pasa,paso at mga peklat ko. Pero okay lang kasi pag nakikita niya yun napapangisi siya ibig sabihin sumasaya siya.

Entry #5

Hindi ko na alam ang gagawin ko, walang nagmamahal sakin.Masama ba ako? Bakit ganito? Gusto ko lang naman mahalin nila ako kahit katiting lang. Kahit isang oras o araw lang sobrang saya ko na pero hindi yata mangyayari yon? Wala daw kasi akong kwenta. Sguro nga dapat namatay na lang ako eh, kaso di ko magawa kasi baka malungkot si papa kasi wala na siyang mapagbubuntunan niya ng galit.

Alexander's POV

Naaawa ako sa mga pangyayari sa buhay niya, napaka dami niyang pinagdadaanan.

Siguro, time na para patawarin ko siya at ituring siya ng tama? Susubukan ko.




Kung kaya ko.



----------

Yung entry po ng Journal eh hindi totally lahat ng laman parang summary ganern.

A Wife's SufferingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon