KIRSTEN, SINO BA TALAGA BOYFRIEND MO?

25.3K 502 3
                                    

KIRSTEN

Si Dwight yun ah. Bakit ano ginagawa niya dito sa school? May business ba siya dito at nandito to? Bagong gupit ba siya or what? In fairness guapo siya ha, at as usual pinagkakaguluhan na naman siya ng mga babae. Bakit kaya ang mga to kahit alam na nilang may sabit na yung guy basta guapo, okay lang sa kanila. Haynaku talaga. Teka sabi sa akin ni Iggy sabay kami uwi ngayon. Hindi naman ako nakita ni Dwight, iwas na lang ako at baka hinihintay na ako ni Iggy sa cafeteria ngayon.

"Kirsten!"

Shucks nakita niya ko, pano ako lulusot nito?

"DWIGHT."

"I came to pick you up. Sabay tayo lunch."

"Huh?"

"Dimo naman sinabi na dadating ka"

Swerte mo Gonzales at maraming tao ngauon. Kung wala mga ito sinigaw sigawan na kita eh.

"Tapos na surgery ko kaya I thought we can have lunch together."

Syet nakikinig sila lahat dapat sweet din ako dito sa matandang to. Pano na si Iggy?

"Punta muna ako sa cafetria may kukunin lang ako."

"Samahan na kita para dika pabalok balik."

"HUWAG NA!I can manag naman Dada eh."

"No I insist!"

Bruhong ito. Pano ako magpapa alam kay Iggy kung nandiyan ka naman.

"Huwag na lang. Tara na, Dada kain na tayo."

HOLDING HANDS???

Nagulat ako dun ah. I did not expect na kkukunin niya kamay ko. Alangan namang magwala ako dito. Pagdaan namin at nakita ng mga kaklase ko ang scene namin na magkaholding hands, nang asar na naman sila

"Kirsten, boyfriend mo? Ang guapo!"

"Kitty, ako naman paholding hands kay Dr Gonzales."

Di ko sila pinansin, worried lang ako kay Iggy. Naghihintay yun sa cafeteria. Eto namang lalaking to parang happy pa na magkasama kami. Ewan ko ba para namang umaarte lang to eh. Siya mag da drive, wala si Mang Roger eh. Buti naman para pwede ko siyang awayin.

Pag kasara ng pintuan ng Rubicon (eto sasakyan niya, dark blue na Rubicon)

"Ano ba problema mo? Bakit may pasundo sundo ka pa sa akin? Alam mo naman na hindi natin type isa't isa bakit may paganito pa."

"First Kirsten, I was peacefully livin in my own world when you barged in un announced. Tapos gagawa ka ng eksena at isasabay mo pa na nandun ang Nanay mo. Sa tingin mo gusto ko ang ginagawa ko? Mas gusto ko pang matulog na lang kaysa kumain kasama mo. Pero dahil ayoko na mapahiya ang mga magulang mo, ginagawa ko lang dapat ko gawin.

Second, nung sinabi mo na boyfriend mo ako in so many words dun sa symposium sa Ateneo, you just sealed your fate. As far as I know, boyfriend mo na ako, girlfriend na kita. And I suggest kung ayaw mo na, go and tell those people present especially your Mom na it was just a big joke. Okay lang sa akin. Kung hindi mo naman kaya, enjoy mo na lang tong drama na inumpisahan mo."

MY YOUNG BRIDEWhere stories live. Discover now