WHEN YOU SAY NOTHING AT ALL...

28.9K 552 13
                                    




DWIGHT

May meeting kami ng parents ni Kirsten. Pag uusapan daw namin siya sabi ng Mommy niya. Ayaw ko sana pero sinakyan ko ang kalokohan ng anak nila eh so no choice kundi harapin ang tatay niya. Alam naman nila na hindi totoo ang relationship namin. Gusto lang yata nila bigyan ng leksyon tong si Kirsten at sa sobrang tigas ng ulo eh sumosobra na yata. Hindi na nila nako control. Pero nung nasa Texas Burger naman siya, mabait naman siyang kausap ng crew niya. I mean, kung hindi sana ayaw na siya kausapin eh. Oh di ba nga napagkamalan ko pa siyang waitress eh.

Kamusta na kaya ang batang yun? Binigay ko naman ang phone number ko sa kanya para tawagan ako in case may kailangan siya pero after the shopping na feeling niya eh disaster, wala na kaming communications. Ni hindi ko pa alam ang number niya. Lokong bata yun hindi niya ibinigay sa akin. Tapos pag nagpupunta ako sa resto wala siya. Sinasadya ba niyang huwag pumunta dun pag alam niya na pupunta ako or pinagtataguan yata ako nun eh. Ay bahala siya, siya yata may kailangan sa akin eh.


"Doctor Gonzales, nandito na po sina Dr Palafox."

"Papasukin mo sila."


Syet nandito na sila. Ano kaya sasabihin sa akin ni Architect? Ano kaya ang itatawag ko sa kanya. Si Doctor Palafox, Docotr lang tawag ko sa kanya eh. Kay Architect, ano kaya? Bahala na. Siya na lang magsasabi sa akin kung ano itatawag ko sa kanya. 15 years ang agwat namin,


"Hello Dwight, nandito na si Daddy. Hahahaha "


"Hello Doctor, hello Architect. Have a seat."


"NAsabi ko na kay Edward yung ginawa ni Kirsten sa Ateneo. HAynaku kung hindi ko siya pinigaln baka napalo niya si Kirsten ng wala sa oras kahit 18 na siya."


"Salamat Dwight at sabi ni Kristina hindi mo siya ipinahiya. Nakakahiya talaga yung pinag gagawa ng batang yun. So ano ang plano natin? Break na ba kayo? Hahahaha"


"Hindi pa Architect. Hindi ako pinapansin eh. Eh hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya di ko rin siya pinapansin. Ano ba dapat ang gagawin ko? Di ko kasi alam anggagawin sa quote unquote girlfriend. HAhahaha alam niyo na di pa ako nakikipag girlfriend sa tanda kong ito."


"Sa guapo mong yan bakit hindi ka pa nag kaka girlfriend?"


"Eh Honey kuna anu-ano tinatanong mo kay Dwight baka isipin niya tsismosa ka din hahaha."


"Okay lang yun Architect. Well, Doctor kasi wala pa akong nahahanap na pwedeng mahalin. I mean hindi ko pa siguro nahahanap yung babaeng magpapatibok ng puso ko."


Di nga Dwight? Hindi pa ba? Aminin mo na kasi, ayaw pa umamin eh. Pero since first time mo, enjoy na lang hahaha.


"Naisip ko ano Dwight, kung okay lang naman sa yo, kung wala kang ginagawa kulitin mo si Kirsten.Kasi honestly speaking, ayoko pa siyang magka boyfriend. I want her to finish schoolbago mag asawa. Pano na lang baka mainlove siya sa kaklase niya at may mangyari sa kanila. Alam mo naman na ang mga bata ngayon, mapusok. Kung pwede nga lang ikaw na lang maging boyfriend talaga. Kaso siyempre alam ko naman na hindi si Kirsten ang magugustuhan mo."


"Daddy naman parang ibinubugaw mo na anak mo eh. Dwight, gusto lang naman sana maka tapos siya ng pag aaral. Maging Doctor. Kaso pano pa makakapag doctor yan kung mag aasawa agad, tapos ang mapapangasawa niya kaklase niya? I want her to get a good life. at I want a guy na pwede siyang unawain at mahalin. Alam ko that will still be in years pa. "


"No worries po di ko naman sasamantalahin si Kirsten eh. Kuya lang naman ako sa kanya na pwedeng magbantay. Tsaka wala naman magagalit na babae sa kanya. DOn't worry I will try my best para bantayan siya. Di ko nga alam bakit nasabi ko sa sarili ko na kawawa tong batang to pag sinamantala siya."


"Alam mo kasi Dwight, may isang kaklase siya na anak ng politiko. Eh kulang na lang matulog sa bahay namin. Nililigawan niya si Kirsten, feeling ko nagugustuhan na siya ni Kirsten, di ba Mommy?"


"Oo at because I was a girl once, alam ko kung kinikilig ang isang babae over a guy. NAg aayos na si Kirsten eh pag nagpunta yun dun. Text ng text kahit saan. Kinuha na nga ni Dad yung phone at itinapon sa kalsada pero di pa siya tumigil. Natatakot ako kasi yung pamilya nung guy, sikat sila sa pambubogbog ng mga girlfriends at asawa nila. So baka mainlove si Kirsten dun, kawawa ang anak ko."


What, may ganung scenario sa buhay ni Kirsten? Akala ko tomboyish siya yun pala may gusto siyang lalaki? Kaya ba siya ilag sa akin kasi may gusto siyang lalaki? Kailangan ko bang makipagpaligsahan dun o pabayaan ko na lang? BAka inlove na siya dun? Teka masubukan nga mamaya.


"Ano oras pala dumadalaw yung lalaki?"


"Every night dati pero pinagalitan ko si Kirsten kaya ngayon every Saturday na lang. Minsan pag nag du duty si Kirsten sa resto, andun din daw yun nagtatambay kaya di na rin namin siya pinapapunta dun ng wala ako or nung Daddy niya."


"Sige Doctor at sasabayan ko yung lalaki dumalaw."


Walanghiya, naging body guard pa ang dating ko nito. Babantayan ko, iiiwas sa sakuna pa. Hay Kirsten,bakit ba nakilala pa kita?

Di mo matiis no? Oo na hindi na.

MY YOUNG BRIDEΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα