OKAY KA LANG DWIGHT?

39K 709 14
                                    







DWIGHT

Andito na naman ang babaeng to. Sinabi ko na sa kanyang huwag ako puntahan dito sa ospital eh. Ang kulit pa din niya.

"Sheryl, sabihan mo yung reception na wala ako huh, may surgery or out of the country. Bahala na kayo ang irarason niyo basta huwag niyong sabihin andito ako sartistang yan."

"Doctor pinagkakaguluhan na nga siya dun sa reception eh."

"Basta sabihin mo wala ako dito."

"Sige Dok."

Makalabas na nga dito muna. Takasan ko yang babaeng yan.Baliw na eh. Nakita ko sa Senate Hearing, may nagging boyfriend pa siyang preso na drug lord. Gago pala siya at gusto niya ako isama sa kahangalan niya. Tawagan ko kaya yung pulis niyang boyfriend at pagsabihan niya yung babaeng yun.

BLAG!

"OUCH!"

"Oopss, Sorry miss. Are you okay?"

"Doctor Gonzales? Hi, si Kirsten from Texas Burgers. Okay lang ako. Ouch!"

"Okay ka lang pero ouch? Halika dito."

Bakit ko ba siya hinihila?

"Teka! Teka Doctor, wait lang."

"Ay! Sorry. Dito tayo sa clinic ko."

"Doc, okaylang kayo? Bakit parang may iniiwasan kayo?"

"Ahh, wala naman. Daming nagkakagulo dun kasi sa labas eh. May artista yata dun. Eh mukhang nasaktan ka kaya iniiwas kita dun at baka mabangga ka nila."

"Hehehe mukhang kayo ang hinahanap nung artista eh. Sino ba yun?"

"Di ko kilala!"

TOK! TOK! TOK!

"Doc, may naghahanap pos a inyo..."

"Dwight! Kanina pa kita hinihintay ah. Sabi nila wala ka dito."

"Maricel. Pasensiya na huh. Si Kirsten, girlfriend ko."

KIRSTEN

Baliw ba tong doctor na to? Anong girlfriend? Ako? Girlfriend mo? Teka lang ha! Pero nice naman ang shock expression ni Ms Maricel Geronimo. Hahahaha nagulat siya huh! Teka, pinagtataguan mo siya Doctor Dwight? Siya ang pinagtataguan mo? Hahahahahahha nakakatawa. SO therefore wala kang girlfriend at wala kang asawa. Kasi hindi ka hahabulin ng babae kung may sabit ka na.

Teka natulala yata lahat ng mga tao dito sa ospital, sige...clinic kasi nandito kami sa loob. Yung dalawang nurses, yung alalay ni Miss Maricel, yung isang reporter yata yun, at si Maricel mismo. Tumingin siya sa akin at parang nagulat.Pero bitch talaga eh, natauhan agad at nilait agad ako.

"Siya? Eh ang bata bata niyan eh."

"18 na po ako."

"Gusto mo sa bata Dwight?"

"Oo. Mas masarap magmahal at mahalin eh. At wala pa akong kahati."

At bigla akong kinabig ng doctor na ito. Nakakarami ka na huh. Patayin kaya kita ngayon dito. UNgas to ah. Ang sakit pa ng pagpisil niya sa braso ko. Pero bakit ako kinikilig? Ang bango niya in fairness kahit na sobrang pinagpapawisan siya kanina. Kaya pala nagmamadali itong lumabas kanina kasi may tinatakbuhan. Hahaha

Eksena nga ako.

"Dada, masakit yung ankle ko, sabi mo titignan mo?"

Gulat ka ano Dr Gonzales, akala mo di ko kaya sumabay sa panloloko mo sa manliligaw mo huh.

MY YOUNG BRIDEWhere stories live. Discover now