CHAPTER 2: The Past part 1

Start from the beginning
                                    

Hindi ako pinansin ni pogi kaya lumapit ako ng kaonti. "Pogi? Buddy I'm here."

Lumingon 'yong babae sa akin at dahan dahan siyang tumayo. Sa hindi malamang dahilan, tila nag slow motion ang buong paligid at dahan dahan kong nakita ang kanyang mukha. Na-stun ako, damn! Ang ganda naman ng babaeng ito! Sabi ko sa sarili ko. Tila commercial ng shampoo ang pag harap niya sa akin. Ang ganda ng brown hair niya at ang puti ng kutis niya. Sobrang bumagay ang white dress na suot niya at parang sa kanya lang umiihip ang hangin. Natulala ako at hindi ko namalayan na bahagyang nakabukas ang bibig ko. Tila nakakita ako ng diyosa and she's gonna talk to me in a second now.

"Hi!" Bati niya kumaway siya sa akin nang napaka-hinhin. "Sorry, are you looking for someone? I'm pretty sure you said pogi, pero ako lang naman nandito."

Potek! Hiyang hiya ako. Parang nag sisi tuloy ako na Pogi ang pangalan ng aso ko. "Ah.. Eh.. Hindi ikaw 'yong tinatawag ko.." Napakamot ako ng ulo. "Yong aso.. Amm.. Pogi kasi 'yong pangalan niya eh."

"Oh! Sorry!" Sambit niya at natawa siya. "Ikaw pala may-ari ng cute na aso na 'to?" tanong ng babae.

Cute daw si pogi? I'm pretty sure kaya pogi ang pangalan niya kasi pangit siya. But this girl! Sobrang cute mo miss, bakit ngayon lang kita nakita?

"Mas Cute ka." Napangiti siya sa sinabi ko. "Ehem! I mean oo. Sorry nakawala siya eh," segway ko.

"Heto oh," sambit niya at inabot niya sa akin 'yong tali ni Pogi. Napansin ko pati pala 'yong boses niya napaka cute din. Ang hinhin masyado at parang napaka-bait niyang talaga.

"Thanks," sagot ko at wala akong balak palampasin ang pagkakataon. "Ako nga pala si Kier," Inabot ko sa kanya ang kamay ko para makipag kamay.

Inabot niya naman ang kanyang kamay sa akin. "No problem, h'wag mo na siya iwawala ah. I'm Jana."

"Nice to meet you Jana," Sambit ko at binitawan ko na ang kamay niya. "Buti nakita mo si Pogi. Bago ka lang ba dito? Parang ngayon lang kasi kita nakita."

"Ah oo. Nakatira kami sa America dati ni Mama. Our place is just five streets away from here," sagot ni Jana.

"I see." Hiyang hiya parin ako, nakaka-torpe talaga siya. "Nagustuhan niyo naman ba ang munti naming village specially this park?"

Tumingin siya sa paligid at sinagot ang tanong ko."Uhmm. Yeah? I like how this park was designed, though I think it needs some improvement. And I think a big tree in the middle of this park will make it more historical or unique. Plus a man-made lake with a bridge will make this park a romantic place."

"Wow!" Napahanga ako sa sinabi niya.

"Oh! Sorry I think I'm geek-ing out!"  Nahiya siya at natawa. "Architect kasi ako. Kaka-graduate ko lang."

"Ah kaya pala. Mukhang maganda 'yang mga naiisip mo para sa improvement ng park ah. Hayaan mo ipapakilala kita sa President ng village, baka ma-convince natin siya sa mga ideas mo." sambit ko.

"Talaga? Sige! I would really love to have this park as my first project. Sana ma-convince natin siya."

"Kaya 'yan! I think nakilala ko ngayon ang pinaka magaling na architect eh." Sagot ko.

Natawa siya sa sinabi ko.  "Hindi kaya. Wala pa nga akong project eh," sambit niya. "Lakas mo mang bola ah. Ganyan mo siguro napasagot ang girlfriend mo?" tanong niya.

Nagulat ako sa tanong niya hindi ko akalain na sa girlfriend stuff agad mapupunta ang topic namin.

"Ha? Hindi ah. Girlfriend? Ah.. eh.." Iniwas ko ang tingin sa kanya. "Actually 'yong girlfriend ko parang February 30."

Until I'm Over You (Published under LIB)Where stories live. Discover now