My Binondo Girl After Two Years Chapter 24

Start from the beginning
                                    

   "Bella, huwag kayong aalis dito. Bibilhan ko lang sandali si Sapphire ng juice," inulit niya ang bilin sa yaya ni Xian.

   "Opo Ma'am Jade," ayon nito.

   Tumalikod na at nagmamadaling lumakad si Jade para pumunta sa bilihan ng mga mineral water

at juice.

   "Sapphire, dito ka sa tabi ko. Sabi ng mommy mo huwag kang malikot," paalala nito sa bata.

   Naupo naman ito sa bench katabi ng yaya. Nang biglang umiyak ng malakas si Xian sa stroller, dali-dali nitong kinuha ang alaga para kargahin upang tumahan. 

   "Baby Xian, bakit ka umiiyak, tahan na. Gusto mo lang yata ng karga," alo niya sa bata habang kinakausap sa malambing na boses.

   "Tingnan mo si Ate Sapphire mo, behave sa tabi ko," sabi ni Bella habang nilingon sa tabi si Sapphire. Nanglaki ang mga mata nito nang makitang wala na sa tabi ang batang babae.

   "Sapphire, nasaan ka? Bumalik ka dito ngayon din kung ayaw mong isumbong kita sa mommy mo," natatarantang sigaw nito sa paligid.

   "Sapphire, hindi ako nagbibiro, balik ka ngayon din," halos hysterical na ang boses nito. Lalong umiyak ang bata sa braso niya.

   "Bella, anong nangyayari dito," nag-aalalng tanong ni Jade sa yaya, bitbit nito ang pinamiling mga juice.

   "Ma'am Jade, nawawala po si Sapphire," umiiyak na ito sa nerbeyos.

   "Ano!!! Saan nagpunta? Bakit hindi mo nakita?" parang binuhusan ng malamig na tubig si Jade sa narinig.

   "Ma'am, hindi ko po namalayan na wala na po sa tabi ko kasi po umiiyak si Xian kaya binuhat ko," tuloy-tuloy ang agos ng luha nito.

   Hindi na pinakinggan pa ni Jade ang sinasabi ni Bella. Nagsisigaw na siya sa pangalan ng anak.

   "Sapphire, Saphhire nasaan ka," sigaw niya habang tinitingnan ang paligid ng park.

   Walang sagot sa tawag niya.

   Diyos ko po huwag ninyong pababayaan ang anak ko. Please po sana po makita ko na ang baby ko.

 "Sapphire, mommy is here. Sapphire!!!," tuloy-tuloy na sigaw niya. Nagtatatakbo siya habang sinisigaw ang pangalan ng anak.

  Wala pa rin ang pamilyar na boses ng anak.

  Napasubsob sa damohan si Jade habang humahagulgol. Nasaan na ang anak ko, Diyos ko po hindi ko ito kakayanin.

   "S-apphire, bumalik ka na," halos mawalan siya ng ulirat sa kakahagulgol.

   "Mommy, mommy," masayang boses ng anak niya. Nanggaling ito sa may likuran niya.

   "Sapphire, anak ko," ubod ng higpit niya itong niyakap nang matiyak na ligtas ito at hindi siya nagha-haluucinate lang sa nakita.

   "Mommy!" pilit itong kumakalawa sa higpit ng yakap niya.

   "Anak, saan ka nagpunta?" nag-uumpisa ng mamaga ang mata niya sa kakaiyak. Hindi niya namalayan ang babaeng nakatingin sa kanilang mag-ina. Hawak nito ang sombrero at sunglasses sa kaliwang kamay.

   "Jade," tawag nito sa mahinang boses.

   Napaangat ng ulo si Jade nang marinig ang tawag sa pangalan niya.

   "Naomi! Ikaw!!! Walanghiya ka, bakit mo nagawa ito sa anak ko,"tili ni Jade habang sinusugod si Naomi ng sampal.  Ngayon lang siya nakaramdam ng matinding poot sa kapwa.

   "Jade, please let me explain," pilit nitong sinangga ang malakas na sampal na ibinigay ni Jade. "Please stop."

   "Bakit mo ito ginagawa sa amin, hayop ka," halos mabaliw sa galit si Jade.

   "I'm really sorry, Jade. Please forgive me. I'll explain everything, just give me a chance," pagsusumamo nito.

   "Sige, simulan mo na dahil talagang idedemanda kita, bruha ka," matalim na pahayag niya.

   "Jade, listen please. Matagal ko na kayong sinusundan dito, humahanap ako ng tiyempo na makuha ang anak ninyo ni Andy. Hindi ko matanggap na mahal na mahal kayo ng lalaking iniibig ko kaya gusto ko kayong gantihan. At dumating nga ang pagkakataon ngayon, habang busy ang yaya ng anak ninyo doon sa bata ay nakita kong tumakbo si Sapphire para tingnan iyong ibon na malapit sa kinatatayuan ko. Sinabi ko sa bata kong gusto niya ng ice cream at sumama naman sa akin. Naisip ko na tagumpay ako sa plano kong makuha ang anak ninyo pero nang isasakay ko na si Sapphire sa kotse ay bigla akong nakonsensya. Nakita ko ang inosenteng mukha ng anak mo, hindi ito kinaya ng konsensya ko. I realized na kahit ano pa ang gawin ko ay hindi ako mamahalin ni Andy. Lalo lang ako nitong kamumuhian. Siguro nga mas kakayanin ko pang tanggapin na wala talagang pagtingin sa akin ang lalaking sobra kong minahal kaysa makita ko sa mga mata niya ang pagkamuhi. Jade, patawarin mo ako sa nagawa ko. Babalik na ako sa Italy at hindi na muling manggugulo sa inyo, pangako hindi na uli ito mangyayari pa. Isa lang ang hihilingin ko, please huwag mo ng ipaalam kay Andy ang nangyari. Ayokong mamuhi siya lalo sa akin," nagmamakaawang sabi nito. Bakas sa mukha nito ang pagkatalo sa buhay. 

   Napabuntung-hininga ng malalim si Jade sa ikinuwento ni Naomi.

   "Naomi, pinapatawad na kita. Hindi ko alam kong makakalimutan ko itong ginawa mo sa amin pero pipilitin kong intindihin ka," nanglalambot niyang sagot sa kaharap.

   "Aalis na ako. Mamaya din ay ipapabook ko na ang ticket ko paalis ng Pilipinas. Salamat sa pag-unawa mo, Jade. Alam ko na kung bakit sobra ang pagmamahal ni Andy sa iyo," mapait ang ngiti nito. Tumalikod na ito at tuluyan ng umalis sa buhay nila.

********My dearest readers, thank you for your time. I hope I gave you something worth reading. Please do me a favor, write a comment about this chapter. It will be truly appreciated, believe me.

This story is almost coming to an end. So please continue reading. My other story, "The Love Story of Xian and Kim  chapter 1 is out. Please check it out if you have not read it yet.

Please follow me on Twitter @gidgetwitty if you want updates. Salamat po.

   

   

   

  

   

   

   

   

   

   

   

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Where stories live. Discover now