My Binondo Girl After Two Years Chapter 24

Start from the beginning
                                    

   "Princess, pupunta ng work ang daddy. Bukas we will go to the park, gusto mo ba iyon?"

   "No, daddy!!! Sama," umiiyak na ito.

   Yumuko ito at saka kinarga ang anak. "Sapphire, daddy cannot bring you to work. So mommy will go swimming with you today," paliwanag nito sa malambing na boses habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ng anak.

   "S-ming, daddy? Okay," tango nito.

   "I love you, Princess," sabi ni Andy sabay halik sa pisngi ng bata.

   "Lab you, daddy," sabi nito sabay yakap sa ama.

   "Sama ka na kay Annika."

   Kinuha ni Annika ang alaga. Habang nakamasid lang si Jade sa tabi. Grabe ang bonding ng mag-ama niya, iyong ang nasa isip ni Jade habang nakatingin.

   "Anak, are you ready to go swimming with mommy?" nakangiti niyang tanong nang makaalis na si Andy.

   "Yes, mommy," masayang tango nito.

   Masayang-masaya si Sapphire na naglalaro sa pool kasama ni Jade,  may suot itong puddle jumper life jacket para sigurado ang kaligtasan.  Naka-isang oras din sila sa pool.

   "Mommy, park din," nagsusumamo ang mata nito.

   "Anak, hindi ka pa pagod? Pahinga muna tayo."

   "Mommy, park plishhh," pangungulit nito.

   "How about you sleep first then we will go to the park later, okay?" nakangiti niyang sabi.

   "Okay, mommy," sunod-sunod na tango nito.

   "Sumama ka na kay Annika," utos niya sa anak.

   Lumapit agad ito kay Annika na naghihintay sa bata.

   "Hello, Bebang. Ang Ma'am Jade mo?" tanong ni Andy sa kabilang linya ng telepono. Kanina pa niya hindi ma-contact sa cell phone si Jade, nag-aalala na siya.

   "Sir Andy, lumabas po kasama si Sapphire at Xian. Pumunta po sila ng park."

   "Sino pang kasama" kunot-noong tanong uli ni Andy.

   "Kasama po si Bella. Sir, naiwan po yata ni Ma'am Jade ang cell phone niya kasi po parang may naririnig po ako sa kuwarto ninyo kanina," bida nito.

   "Si Annika ba kasama?"

   "Hindi po. Kasi po sabi ni Ma'am Jade sandali lang naman raw sila sa park. Si Xander nga po ay hindi na pinasama kasi po natutulog po iyong bata noong umalis sila," tuloy-tuloy na bida nito.

   "Sabihan mo si Annika na sundan sila sa park at dalhin iyong cell phone ng Ma'am Jade mo," nag-aalalang utos nito. "Pagdating ng Ma'am Jade mo, pakisabi na pauwi na ako."

   "Opo Sir Andy."

   Masayang-masaya si Sapphire sa park, panay ang tanong nito sa ina ng lahat ng makita doon.

   "Mommy, look" tinuturo nito ang mga ibon sa himpapawid.

   "Birds, anak," turo niya. Naka-upo sila sa bench. Katabi niya si Bella na may hawak ng stroller na pinaglalagyan ni Xian.

   "Like here, Mommy," inosenteng ngiti ang ibinigay nito sa ina.

   "Me too, Sapphire," nakangiti niyang sagot sa bata.

   "Mommy, uhaw ko," sabi nito.

   "Teka, ibibili kita ng juice. Dito ka lang sa tabi ni Ate Bella mo. Huwag kang malikot," bilin niya.

My Binondo Girl After Two Years (Completed Story)Where stories live. Discover now