Ch.3 (pagpapakilala)*edited*

4.9K 141 1
                                    

Felicity "Fel" Rivera Pov


Ako nga pala si SAMANTHA FELICITY ANN SMITH RIVERA. Oh diba? Pangalan palang napakahaba na..


Kaya pag-nag-eexam kami sa school noon or kahit saan  pa..pag-susulat palang ng name ko eh ubos na ang oras, minsan naiisip ko tuloy



"ampon ba ako?"




Ako lang naman ang may mahabang pangalan sa pamilya namin. Yung kapatid kong sumunod sa akin na babae "Sarah Smith Rivera" at yung bunso lalaki "Tomi Rivera" nasan ang hustisya diba?!






Pero tuwing nagrereklamo ako kay mama sa pangalan ko,



lagi niyang sinasabi na, ako daw kasi ang unang anak, pinaghalo lang yung name ni papa (Samuel Rivera) at ni mama (Felicidad Smith)..





They call me "Fel" sa bahay and "Chef Sammy"sa work..


Turning 23 this year December.. Chef cook sa isang sikat na restaurant dito sa Pampanga..


Sabi nila pag titingnan mo daw ako parang napakahinhin ko daw tingnan, napaka amo daw kasi ng hitsura ko.. Mestiza.. May look a like sa maamo at magandang mukha daw ni Liza soberano..






Pero lahat yun kabaligtaran ng ugali ko.. Oo.. Napakapranka ko, kalog, ayoko ng pabebe style, ayaw ko rin ng maraming kaartehan sa buhay.






Sabi nila hawig ko daw si mama ng kabataan nya, napakakaganda naman talaga ni mama, half pinay si mama.. Sa america sila nagkakilala ni papa..


I was born in tonopah nevada.. Pero when i was five they both decide na mag open ng sarili nilang Restaurant business sa pinas and stay here for good..




One year after ng pagkamatay ni papa. Nag decide si mama na bumalik nalang kami ng america,kaso hindi na ako sumama sakanila, kaya dito na ako sa pinas nagtapos ng pagaaral.. Graduate ako ng Culinary Arts, yes!. Pangarap ko kasing magkaroon ng sarili kong restaurant someday..
Like my Papa.. love ko yun eh..








"Anak.. Hindi kaba makatulog?" Boses ni manang glo.. "Ala-una na ng madaling araw ah?!.wala kabang pasok bukas?"





Bakas kay manang glo ang pag-aalala, si manang glo parang pangalawang ina ko na din,
buhay pa si papa kasambahay na namin sya.. Simula ng bumalik sina mama sa america.
Si manang glo na ang nagalaga sa akin, pakiusap din yun ni mama, pinangakuan narin ni mama na siya ang magpapatapos ng pag-aaral ng nag-iisa nyang apo na si Jose na 12 anyos na ..






"Maya-maya matutulog narin ako manang, ubusin ko lang po itong gatas na pinainit ko.." Sagot ko sakanya.. "Siyanga pala manang, naalala mo pa ba si ninang bella yun may kambal na anak?!"
I asked.







"Oo naman! Komusta naba daw si ninang bella mo? At yung dalawa nyang napaka cute na kambal?"
Said manang, na halata ang pag-ka-excite sa ekspresyon niya.








"Ok naman daw, balak ata umuwi ng kambal dito sa pinas, para hanapin Daddy nila..kaso,
Gusto ni mama at ni ninang bella dito muna sila mag stay at gusto nila ako mag-guide sakanila hanggang mahanap nila dad nila..." pouting my lips. Habang iniinom ang pinainit kong gatas.






"Oh e bat malungkot ang mukha mo? Dapat nga matuwa ka diba? Makikita mona ulit yung crush mo!" Sabay lagok ng tubig.. "Sana naman nagbago na sa kapasawayan yang kapatid niyang babae noh?!.diba lagi kang binubully nun nung araw?!"
Napakunot-noo pa si manang, mukhang napa-flashback siyang bigla.






"Ilang taon narin naman ang nakakalipas, malamang malaki narin ang mga pinagbago nila".. natahimik ako ng ilang saglit..







"Basta kung may problema ka, alam mo naman andito lang ako para makinig sayo ha!" Pag aalala ni manang glo.








"Opo manang.. Kayo rin po bakit gising pa?"









"Nauhaw kasi ako anak, at magbabanyo narin"sagot nya.. "O sige matulog kana anak"




Tango nalang ang naging sagot ko sakanya.. Ilang minuto pa ay bumalik narin ako sa kwarto ko para magpahinga at maaga pa ang trabaho ko bukas..



*************************************************

Sorry sa mga maiiksing chapter...😅

Unexpected Love (girlxgirl)Where stories live. Discover now