(15) The Story behind GeLaire. (★)

Start from the beginning
                                    

Hinawakan ko naman yung mga kamay niya. "Bakit, Air?"

"Alam na ba ni Ren?" Nakatingin siya sakin ng diretso ngayon, feeling ko nakikita niya ko kahit hindi naman talaga.

"Yung sakit mo? Hindi pa. Wag ka mag-alala. Hindi ako masyadong pumapasok simula nung nagkasakit ka," pagpapaliwanag ko.

"Hindi yun."

 

 

"Ah..." Oo. Yun. Mukhang alam ko na kung ano yung tinutukoy niya. "Hindi pa niya alam ang tungkol dun."

"Bakit di mo pa sinasabi?" Kami lang nagkakaintindihan nu?

"Siya nalang bahalang magsabi sa kanya." Tumayo ako at saka dumiretso sa bintana ng kwarto niya para dumungaw.

"Magiging ayos lang kaya?"

Nag-aalala siya. Nag-aalala din naman ako sa mga mangyayari, pero, ano pa ba magagawa namin? Nangyari na. Yun lang—masyadong malayo ang narrating ng mga pangyayari. Baka hindi na magandan ang kalabasan. Pero dahil ayokong mag-alala si Eclaire, sinagot ko siya ng "oo yan..."

"Pero pano kung ikaw naman talaga ang gusto niya?"

Tinalikuran ko na yung bintana. Tinignan ko si Air. Nakabangon na pala siya. Nakakulong narin yung mga binti niya sa gapos na gawa ng kamay niya. "Hindi rin. Baka mas gustuhin niya yun." Hindi ko inisip na mas gugustuhin ako ni Ren. It’s not that I don’t believe in my looks or whatsoever—alam kong pogi ako. Sinong hindi magkakagusto sakin? Pero... basta. Alam kong hindi ako.

"Pano mo nasasabi yan?"

"Mas nakakaangat siya sakin, Air. Maniwala ka nalang."

 

 

"Wow. Talaga lang ha?" Nangi-ngiti niyang sabi. Naglakad ako patungo sa tabi niyang mesa at naglagay ng maiinom sa isang baso.

Umupo ako uli sa tabi niya. "Wag kang mag-alala... Hindi kita iiwan."

"Sus. Joker ka."

 

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeWhere stories live. Discover now