(13) And Now I'm Falling, Falling Fast Again~ (★)

228 5 1
                                    

(13) And Now I’m Falling, Falling fast again~

(REN)

Panaginip... Tila panaginip. Pero nangyayari sa katotohanan. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko; pati ang tibok ng puso ko, hindi ko na mapaniwalaan. Ang mga mata niya – nakikita ko ang sinceridad sa mga ito. Paano ba niya ko napapasaya ng ganito?

Matapos ang wagas na pagtitinginan kanina, parang nailing kami sa isa’t isa. Umupo kami ni Gerard sa sahig. Hindi ko alam kung anong mafi-feel ko sa paghahalintulad na narinig ko kanina. He just compared me with the stars! Wala talaga akong masabi... Yun ba talaga ako? Do I really make people happy? "Uh. T–Thank you, Gerard." Sabi ko, but I got no response. Nahihiya parin ako kaya tumungo nalang ako. Sinubukan kong tignan siya; busy pala siyang nakatingala ulit sa ulap. Hindi ba nangangalay ang taong ‘to?

Ibinalik ko na nag tingin ko sa sahig, magkakabit ang dalawang kamay ko sa gitna ng magkatabing mga binti ko. Pero biglang tinawag nya ako, "Ren—," na siya namang dahilan kaya lumingon ako sa kanya. Bumaba na ang tingin niya at tumingin sa direksyon ko. "Yes?"

"Do you mind if I get closer to you?" Hindi ko alam kung physically or emotionally closer ang tinutukoy niya, pero however he means it, the answer is yes.

"Okay lang. Yun lang naman eh."

"That's great then!"

And then there is this short moment of silence. Bumaling ulit ang tingin niya sa itaas. Ewan ko kung paano niya nagagawang tumagal na nakatitig lang sa taas, ang sakit kaya sa leeg. Kaya ako, nakatingin lang ako sa kanya habang pinagmamasdan niya yung mga stars. Maya-maya, iniangat ko din ang tingin ko sa langit. Bahala nang sumakit ang leeg ko. "Ren..." Ano ba, Gerard, kaka-angat ko lang ng tingin ko, tatawagin mo na naman ako?

“O—“

And the next thing I know is that his lips touched mine. Sa sobrang gulat ko, hindi ko na namalayan ang lahat. Ang bilis niya naman daw gumalaw? Well, mabilis sa dalawang paraan. One, literally, and the other, emotionally. Double-sided ba ‘tong si Gerard? O ako lang talaga yun? But anyway, I don't know why, but I closed my eyes and returned the kiss. Wala naman sigurong masama kung ifi-feel ko nalang yung moment.

------

Nag-alok si Gerard na ihatid ako pauwi, pinayagan ko din naman siya. Ewan ko ba... Nung hinalikan niya ako... parang ibang tao siya. I mean, it was like it's not-so-Gerard. Hindi... Parang hindi si Gerard ang hinalikan ko. Hindi ko sinasabing nahalikan ko na si Gerard, pero, basta! Mas lalo ko naramdaman yung iba sa kanya.

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeWhere stories live. Discover now