(14) Don't Forget About Us. (★)

202 5 1
                                    

(14) Don't Forget About Us.

(REN)

Malapit na ang finals. Isang linggo nalang. Pero patuloy parin akong binabagabag ng tamang sagot na maibibigay kay Rob. Wala akong maisip. Hindi ko talaga alam. Kahit na minsan, naiisip ko yung mga happy moments namin, parang biglang naglalaho – napapatungan nung breakup scene. Sobrang nasaktan ako nang sinabi niyang hindi na siya masaya. What went wrong? Hanggang ngayon, clueless parin ako. Magtatatlong buwan na, clueless parin ako. Hindi narin ako masyadong nagparamdam kay Gerard simula nung nakikipagbalikan si Rob. Hindi na ko nagpapahatid sa kanya sa bahay at hindi narin ako nakikipagusap ng matagal pag nagkikita kami sa school. I don't want to hurt anyone.

Bukod kay Rob ay naiisip ko rin yung taong kasama ni Air. Gusto ko kasi siyang mabisita, makamusta. Hindi kasi siya nagpaparamdam sa’min. Swerte na nga lang ako nun at sinagot niya yung tawag ko.

Hanggang ngayon, nababagabag parin ako sa mga bagay na yun. Hindi ko na gaanong naiisip ang finals. Lagi akong tambay sa library, pero hindi school books ang binabasa ko. Kung anu-ano lang matripang basahin. Yun na nga e, hindi ako maka-concentrate dito sa binabasa ko. Para na akong tanga dito sa library. Bukas-sara, bukas-sara nalang ako ng librong kinuha ko para basahin. Kainis naman eh.

"Hi, Lyn-Z." Si Gerard. Sa tapat ng mukha ko. Nakangiti. For once in his life, could he stop smiling? Kinikilig ako eh. Bawal pa naman sumigaw sa library. Nilikom ko ang lahat ng composure ko sa katawan bago ko siya binate ng walang buhay. "Hi, Gee."

Umupo siya sa tabi ko saka nagsalita ulit. "Musta na? Tagal mo nang di nagpaparamdam ah?"

"Ah—" Shoot. Ano na’ng idadahilan ko? "Hmm. Busy kasi eh. Daming pinapagawa. Ikaw, musta?" Ako yata ang reyna ng dahilan. Pero, partly true naman. Pag finals, maraming ginagawa.

"Eto. Miss ka na..." Yung totoo? Ano pong pinaglalaban natin? Hindi ko kaya pang tumanggap ng kahit anong klaseng bagay na pwedeng mas makapagpagulo ng isip ko. Ng buhay ko. Nakakakilig, oo. Nakakatuwa pa nga. Pero, hindi pa dapat ngayon. May oras para dito. May oras para lahat. Nilikom ko uli ang composure sa katawan ko habang nag-iisip ng susunod kong sasabihin. "Ah... Hmm. Una na ko ha. May gagawin pa ako... Sige, bye!" Pagdadahilan ko, habang mabilis na nililigpit ang mga gamit ko.

"Ah..."

Feeling ko may sasabihin pa siya. Pero siyempre feeling ko lang yun. Pero may sasabihin man siya o wala, hindi na ako lumingon pa. Ang sama ko ata. Pero, para sa’ming lahat ‘to. Para walang gulo. Lahat, maayos.

Pero honestly, iba na naman si Gerard ngayon. Yung Gerard noon, lakas ng tiwala sa sarili. Feeling gwapo kahit gwapo naman talaga. Sagot nun pag kinukumusta eh, "eto, gwapo parin". Eh ngayon, ganun na ka-cheesy yung mga sinasagot niya. Anong nangyari? Lumaklak ba siya ng sandamukal na cheese?

A Written Love Story -- For the Hundredth TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon