CHAPTER 12: That Song

17 0 0
                                    

GER'S POV

"Good evening ladies and gentlemen. I would like to introduce to you our newest performer, Ms. Maeri Villafranco." Pakilala nung host kay Mae.

"Good evening po. This is my first night. So I hope you guys will enjoy my performance."

Hindi mo mababakasan ng kaba si Mae. Nakakatuwa. Mahal nya talaga ang pagkanta.

"Naganggap po kami ng requests."
Paalala pa nito.

"CR lang ako." Paalam ni Reiko.

"Okay."

Maya-maya ay may lumapit na lalaki kay Maeri at may dalang papel.

"Wow. Di pa man po ako nag-uumpisa e may nagrequest na. Anyways, this song is requested by R.. Hmm. Pamysterious effect pa si Mr.R.. This song is for Miss J.. I still love you. And I want you back.. Nice! Okay. I'll start na."

Pssh. I want you back! Linya ng mga manloloko! Parang si Reiko.. Rei-Reiko. R.. Hmm.

🎶It all came so easy. All the loving you gave me. The feelings we shared.
And I still ca remember. How you touch me so tendr. It told me you cared.

We had a once in a lifetime.
But I just couldn't see it
Until it was goNe.
A second once in a lifetime.
Is it too much too ask
Coz I swear from now on...🎶

Fuck that song! Pang-asar. Who the fuck is R ba kase...

🎶If ever you're in my arms again. This time I love you much better.
If ever you're in my arms again.
This time I'll hold you forever.
This time will never end.🎶

Kainis ha? Oo na tinatamaan ako!
Bakit? Kasi pakiramdam ko kanta ito ni Reiko para sakin!

Bakit? E kase diba humihingi siya ng second chance?
Aish! Makaalis na nga lang..

"Saan ka pupunta!?" Tanong ni Reiko.

"Sa loob. Pupunta ako kay Russel. Bakit?"

"K-kay.. Russel?"

"Oo. Kanila ito e."

Sabay alis ko. Ayoko na! Ayoko na siyang makasama! Nakakairita na!

****

Pagpasok ko sa mismong bar ay nakita ko si Russel. Umiinom siya.

"Russ. Kanina ka pa dyan?" Tanong ko. Pero hindi siya umiimik.

"Ma'am kanina pa po si Sir umiinom. Puro Tequila coctails pa." Sabi ng isang bartender.

"Ah. Okay sige dadalhin ko na siya sa loob ng bahay. Thank you."

Inakay ko si Russel na hindi pa rin umiimik. Letche! Nakakapipi ba ang tequila?

Ang bigat niya. Putakte!

"Russel! Bakit ka ba nag-inom? Nakakaletche ka ha? Ako pa nag-akay sayo."

"Gerphil?"

"Ako nga! Sino pa? Anong problema mo? Baliw ka ba? Bakit ka nag-inom?" Naiinis kase ako. Hindi naman siya palainom e.

"Kase naman, Ger.."

"Kase ano? Tell me!"

"I love you!"

"Takteng yan! Mahal moko kaya ka nag-inom? Gago ka ba?"

"And you're with him!"

"Si Reiko?"

"Yeah! And I can see that you are happy with him!"

"I'm not! We just talked! Umalis na ako doon dahil ayoko nang makausap pa siya! He keeps on talking about 'us'.."

"Mahal mo pq ba siya, Ger?"

"Magpahinga ka na muna, Russel. Please?"

"Stay with me! Pls?"

"Okay. I will. Sige na. Magpahinga ka na."

At nakatulog na siya. Am I hurting Russel so much?

Wala naman akong ginawang makakasakit sa kanya diba?
Hindi ko naman inentertain si Reiko?

Pero ang katotohanan bang mahal ko pa si Reiko.. Makakasakit sa kanya kung di ko na naman aaminin pa?

Aish! Ayoko na! Ang sakit sa ulo..

****

"Ger! Andito ka lang pala. Akala ko iniwan mo na ako." Si Mae.

"Sorry. Si Russ kase nasiraan na ng bait. Can you go home alone? Pakisabi kay mommy nandito ako kina Russel."

"Okay. Sige. Inaantok na rin naman ako."

"Ingat ha? Sabihin mo kay kuya kayo lang uuwi. Baka hanapin ako e."

"Sige. Goodnight Ger. At nagbeso kami ni Mae.

Di ko iiwan si Russel nang ganito siya. Kasalanan ko parin naman kase kung bakit siya ganito.

"Sorry. Promise babawi ako.. Bukas na bukas mararamdaman mo na ang matinding pagpapahalaga ko."

And I kissed him on the forehead.
I'm sorry. Sana makabawi talaga ako sayo.

---

Siguro nga, hindi na kami pwede ni Reiko. Lesson learned.. Nasaktan na niya ako. Once is enough!
At saka may Russel nang nagpapahalaga sa akin..
I should make him feel special, too.

Mae calling..

[Hey. Ger! Okay ka lang ba dyan?]

"Oo, Mae. Don't worry. Gusto ko lang bantayan si Russel. Saka na tayo magkwentuhan pag-uwi ko."

[Okay. I just check you.]

"Osya. Magpahinga ka na! I know napagod ka! Congrats Mae."

[Thank you, Ger! I owe you and Russ a lot.]

"Sige na. Goodnight."

I ended up the call. Hahaba pa. Knowing Maeri, instead of ending the call e lilibangin pa ako nan.

------

RUSSEL'S POV

Aww! Sobrang sakit ng ulo ko! Ano bang pinag-iinom ko at ganito ito kasakit.

"Hoy! Russel! Bumangon ka nga dyan. Mahiya ka sa bisita mo! Ayun at nagprisinta ka pang ipagluto.." Sabi ni mommy.

Bisita? This early?

"Sinong bisita mom?"

"My God Russel! Dito nagstay si Gerphil para lang bantayan ka! Di mo alam?" Iritadong sabi ni mom.

"Hindi ka na napahiya! You even let her sleep on the couch!"

"I'm sorry mom. I'm drunk. Di ko alam."

"O siya babain mo na si Gerphil! Say thanks para sa pagbabantay niya sayo."

Then mom disappeared. My mom loves Gerphil so much. Gustong-gusto niya si Ger for me. Kaya nalang ganyan yan e.

"Good morning! How's your sleep?"Bungad ni Gerphil sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi ako bitter, BITCH lang talaga!Where stories live. Discover now